Lick (SpgR18)

1.5K 24 0
                                    

Chapter 23

Shaira Pov.

🔞 𝗪𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴: 𝗜𝘁 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗶𝗻𝘀 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲𝗱 𝘀𝗰𝗲𝗻𝗲𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗲 𝗻𝗼𝘁 𝘀𝘂𝗶𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗴𝗲. 🔞

Mag-aalas dose na ngunit wala pa si kamahalan, naiinip na ako sa paghihintay kaya hindi ko na matiis magmukmok na lang sa kwarto nito. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa kusina, naabutan ko doon si manang na naghahanda ng tanghalian kasama ang ilang katulong. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanila.

"May maitutulong ba ako, manang?" tanong ko habang iniisa isang tingnan ang mga rekados, ngumiti siya.

"Kami na lang dito, hija.."

"Naiinip po ako, gusto ko sanang tumulong.."

Sumabat ang isang katulong habang inilalapag ang hindi kalakihang bowl. "Magagalit si sir jacob, ma'am.." napangiwi ako.

"Hayaan mo siya, may maitutulong ba ako?"

"Kaya na namin ito hija, kung naiinip ka ay pwedi kang maglakad-lakad sa hardin.." bigla akong natuwa sa narinig, oo nga pala! bakit hindi ko na lang libutin ang kabuuan ng mansyon.

"Magandang ideya yan, manang.." tumango-tango ako. "Kung nais niyo ng katulong manang, libre ako.." napabuntong hininga na lang silang tumango sabay ngiti bago ako tumalikod palabas ng kusina, ilang araw na ako dito ngunit hindi ko pa nagawang ikutin ang buong mansyon. Shet, excited na ako!

Dahil nais ko munang makita ang hardin ay doon ako nauna, agad akong binalot ng pagkamangha dahil sa ganda ng mga halamang narito, iba' t ibang uri ng bulaklak at ilang punong nakatayo sa gilid. Lumapit ako sa pulang-pula na gumamela, kumuha ako ng isa at isinukbit iyon sa tenga ko. Bakit hindi ko agad nakita ang hardin na 'to.

Naglakad lakad pa ako, lumapit ako sa hindi kalakihang rose na nasa gitna. Pipitas pa sana ako ng isa kaso bigla akong natigilan ng may magsalita sa likuran ko.

"Baka masugat kayo, ma'am.." lalake ang tinig na nang-galing sa likuran, tumayo ako nilingon iyon. "Ako na.." siya ang kumuha sa isang tangkay ng rose, matapos iyon ay nakangiti niya iyong nilahad sakin.

"S-salamat.." kinuha ko iyon, may hawak siyang malaking gunting at wala itong suot pang-itaas, gwapo siya at moreno, teka sino 'to? "Bago ka lang ba dito?"

"Hindi ma'am, matagal na.."

"Ngayon lang kita nakita.."

"Kakabalik ko lang e.." nagkamot ito ng ulo. "Mula ako sa isang mansyon, kay sir manuel monteclaro.."

"S-sino 'yon?"

"Tito ni sir jacob, tatay ni sir noah.." tumango tango ako, ibig sabihin sa mansyon nila noah. "May problema 'don, ipinatapon ako.." humalakhak siya ng bahagya, napapatitig ako dahil sa kumportable niyang makipag-usap sakin, feeling close.

"Bat ka naman ipinatapon.."

"Dahil kay señiorita dianne.." ngumiwi ito, bago bumuntong hininga. "May kailangan pa kayo, ma'am?"

"W-wala na.." ngumiti ito, bago tumango.

"Pupunta muna ako 'don.." naglakad siya patungo sa gilid at inilapag doon ang gunting, napangiti ako ng pulutin niya ang tubig hose bago iayos iyon sa pwesto, alam ko na ang gagawin.

Lumapit ako upang kuhanin ang atensyon niya. "Pwedi bang magamit 'yan?"

"Ano iyon, madame?"

"Iyang hawak mo.."

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon