Chapter 61
Shaira Pov.
Sa buong buhay ko ay hindi ko pinangarap maging lubid, hilain sa kabila at pwersahin sa isa pa. Masakit ang aking kamay sa paghila ng dalawang ito, walang nais bumitaw habang nagsasamaan pa rin sila ng tingin.
”Si shaira ang magpa-pasya kung kanino siya sasama, hindi mo siya kailangan diktahan!”
”Sa akin siya sasama..” iyon ang sagot ni jacob, muli niya akong hinila ngunit ang kamay ni sebastian ay nanatiling mahigpit sa pulsuhan ko.
”Let her go, mariano!” may diin na ang bawat bigkas ni jacob, ma-awtoridad na may halong sindak. ”She's tito samuel daughter, sa ayaw at sa gusto mo responsibilidad ko siya. Higit na alam ko kung kanino siya dapat ipagkakatiwala, at sayo. Wala akong tiwala..”
Sa kahuliang sandali ay nabitawan ako ni sebastian, ngunit hindi nawawala ang masama niyang tingin kay jacob.
Bago pa sila muling mag-talo ay sumulpot si katarina sa likuran ni sebastian.
”What happen?” nilingon siya ni jacob, makikitaan mo itong walang bahid na interes kay katarina habang hawak niya ang aking kamay.
Hindi ba ito nababahalang magalit ang kanyang nobya?
”Si sebastian ang maghahatid sa'yo..”
”What?” nangunot ang noo ni katarina, ngunit hindi nagbigay eksplenasyon si jacob bagkus ay hinila na ako nito palapit sa kanyang kotse.
”Hindi ako sasama sa'yo!” wala siyang pakialam sa aking sinabi, sapilitan niya akong pinapasok sa kanyang kotse habang nagpupumiglas. Dahil malaki ang kanyang pangangatawan ay wala akong magawa kundi sumuko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!” binagsak niya ang pinto ng kotse, umikot siya at hindi alintana ang presensya ng dalawang taong nanunuod sa amin.
Napabuga ako ng hangin.
”Bakit mo ba ako pinipilit sumama sa'yo!” halos singhalan ko siya ng maupo ito sa driverseat, gaya kanina ay hindi niya man lang ako pinansin.
”Yan na lang ba talaga ang role mo? Ang humila ng kamay at kaladkarin iyon!” bingi siyang muli, binuhay nito ang makina ng hindi sumasagot.
”Surot ka talaga! Nakakainis ka, dinadahilan mo pang anak ako ni daddy, ano ba talagang gusto mo?!”
Nilingon niya ako, masama ang tingin. "Layuan mo ang lalakeng iyon, 'yon ang gusto ko..”
”At bakit?” tumaas ang kilay ko.
”Just follow what i'd said, no more explanation..”
”Ha!” natawa ako, hindi makapaniwala habang nagmamaneho siya. ”Feeling mo talaga hari ka! Masusunod lagi ang gusto mo, hindi ka pa rin pala nagbabago, ikaw pa rin ang hari ng mga surot!”
”Stop saying that surot!”
”Surot! Surot ka, Surot na maharot!” biglang preno ang ginawa niya, mabuti na lamang at mabilis ang aking kamay na agad nakahawak sa gilid.
”Ikaw lang naman ang iniintindi ko shaira, But you won't never listen to me!”
”Saan mo ba ako iniintidi, jacob?” napakurap ito, ngunit ang galit sa kanyang mukha ay naroon pa rin. ”Binabawalan mo akong lumapit kay sebastian, para saan?!”
”Because sebastian isn't good on you!”
”Your reason is not enough, jacob. Ano ngayon kung hindi siya maganda para sa akin, pakikisamahan ko kung sino ang gusto ko!”
”Dont you dare tried my patience, shaira.”
”Bakit ba? You already have a girlfriend, iniwan mo pa 'don! Ano na lang ang iisipin niya?!” umismid siya sa'kin, muli ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho ng hindi ako kinikibo.
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomanceSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...