Ngiti

1.1K 19 0
                                    

Chapter 22

Jacob Pov.

Maaga palang ay binulabog na ako ng bibig ni shaira, ilang beses niya akong ginising ngunit parang may sariling buhay ang mga mata ko at kusang bumabalik sa pagtulog.

"Josko, kamahalan! Malalate ka na, iyong resulta ko baka nakakalimutan mong ngayon na ang release.." niyugyog ako nito sa paraan na ikaiirita ko, kasalanan niya ang lahat ng ito kung bakit ako napuyat! Sa susunod ay hindi ko na siya palalampasin sa parusang naghihintay sa kanya.

D*mn, napaka-sakit ng puson ko kagabi.

"Kamahalan, Yuhoo! Gising na!" masamang titig ang iginawad ko sa kanya ng lingunin ko ito, nakasampa ito sa kama habang naka-injian sit.

"Akala ko hindi ka pa gigising, gagamitan na sana kita ng kaldero.."

Sh*t, kaldero?

"Did you know how to act like a sweet girl?" tanong ko na kinanuot ng kanyang noo, "Will you pretend that your sweet one?"

"A-ako, magpapanggap na sweet?"

tumango ako "Hmm."

"Hindi ako sweet, madalas akong makipag-bangayan noon! May manliligaw ako na agad ko rin' g binubust--"

"Wait, w-what. Do you have suitor before?"

Inosente itong tumango. "Meron, palaging nadalaw sa bahay, minsan hatid sundo ako s--"

"NGAYON MAY IBA PA?!"

Napakurap-kurap siya "Maliban sayo, wala na.."

"Then good, ayokong may ibang nanliligaw sayo bukod sakin, Im a selfish, possessive and territorial one.. Ayoko sa lahat ay ang may kahati.." wala siyang nagawa kundi tumitig, halatang nakuha naman nito ang sinabi ko. "Did you understand, promdi?"

"O-oo.." pabulong iyon.

"I can' t hear you, I want it clear and loud.."

Napanguso siya. "Opo, seniorito monteclaro, tatandaan ko iyan.." sarkastiko pa sa lahat ng sagot ang sinabi niya, tumango ako na may ngisi.

"Very good, then.." napairap siya. "Where' s my kiss?" pinanlakihan ako nito ng mata.

"A-anong k-kiss?"

"I want a kiss from you, that' s my source of energy.." natawa siya ngunit namumula.

"May kuryente ba ang halik ko?"

"Hahalikan mo ako o ako ang hahalik sayo?" pansin ko ang pagkatuliro niya, nung una ay hindi nito magawang tumingin ngunit ng makapag-isip ay siya rin ang lumapit pero dahil sa sobrang bagal nito ay hindi ko na iyon mahintay.

Hinigit ko ang batok nito dahilan ng pagkahawak niya saking dibdib, sinadya kong kagatin ang labi nito upang masakop ko ng buo iyon, Napadaing siya sabay hampas sa dibdib ko.

"Akala ko kiss lang, 'bat may kagat!" galit ito natural, ngumisi lang ako bago tumayo.

"That' s my type of kiss.." namula siyang muli, "Marami pa akong alam, hindi lang halik, gusto mo bang malaman?"

"T-t-tumigil k-ka!" nauutal siyang tumayo. "M-manyakis!"

"I know.." tawa-tawa ako sa reaksyon niya. "Sayo lang naman kakagat!"

"Ul*l ka!"

"Your mouth, shaira!" pinandilatan niya ako ng mata.

"Iyang bunganga mo ang bastos!"

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon