Takasan

978 26 0
                                    

Chapter 64

Shaira Pov.

Hindi ako makabawi ng tuluyan sa sinabi ni natasha, nangangapa pa ako at ilang beses kumurap upang maging klaro sa isip ko ang ibinalita niya.

Buntis siya at ang ama ng kanyang dinadala ay si noah?

Really, paano!

”Pinagloloko mo ba ako, natasha?” sinamaan niya ako ng tingin.

”Bahala ka sa buhay mo!” humiga siyang muli sa kama, madali akong umalo sa kanya habang aasta itong pipikit.

”H-hindi ka talaga nagbibiro?”

”Leave if you won't believe me..”

”Hala, ang moody mo namang buntis ka!”

”Shut up, shaira. Huwag mo ng dagdagan pa ang inis ko..” bahagyang akong tumawa, pero hindi talaga ako makapaniwalang nabuntis siya ni noah.

I want to ask her question pero halatang badtrip siya, pero hindi kasi ako talaga mapakali.

”Anong mangyayari niyan sa inyo, may relasyon pala kayo ni noah..”

”We don't..” napakatipid niyang sumagot, hindi nakatingin. ”Were just having sex..”

”W-what?!”

”Magulo masyado iyong pinsan mo, akala ko meron kami, pero tang*na niya!”

”Hey, calmdown..”

”Anong akala niya, magpapabuntis ako sa iba, p*tang*na niya talaga!” nag-hehisterikal si natasha, kinumbinsi ko siyang kumalma na nagbigay tagumpay sa' kin.

”Huwag ka munang masyadong mag-isip, kakausapin ko siya. Si noah na lang ang tatanuningin ko..”

Hindi ito nagbigay sagot sa sinabi ko, nanatili siyang tahimik na may mabibigat na paghinga. Pero sa kabila ng pananahimik niya ay kay lungkot ng kanyang mga mata.

Gusto ko siyang damayan, pero ng mahiga ito at tumalikod sa akin ay hinayaan ko na lamang siyang manahimik.

___

Lumipas ang gabi ay narito pa rin ako sa shop ni natasha, nanatili ako dito upang makasama siya. Tulad ng dati ay mag-isa pa rin si natasha, walang kasamang pamilya at alam ko'ng napakalungkot ng kanyang buhay.

”Kumain ka na..” i place the soup meal on her front, nasa harap kami at ipinagluto ko siya ng makakain.

Kinuha niya iyon at tinikman, halatang maayos naman sa kanyang panlasa ng magtuloy-tuloy ito sa pagkain.

After we eat i wash the dishes, habang ito ay naliligo sa banyo. Matapos ko'ng makapag-hugas ay dumiretso ako sa kanyang closet. I want to take a bath too, kaya bago pa siya makalabas ay nakapili na ako ng damit na mula rin sa kanya.

”Maliligo ka?” tanong niya, may hawak siyang tuwalya habang pinapatuyo ang kanyang buhok. Tumango ako habang hagod ang kasuotan niya.

”Were going out tonight, ang lungkot dito..”  aniya ng maupo sa kama, wala sa sarili akong tumango dahil ayokong ma-stress siya. Kung totoo man na buntis ito ay dapat pag-bigyan ang kanyang nais.

Pinalitan ko ang damit na napili, She choose a black dress for me para daw terno kami. I agree again, kaya ng makapag-ayos ako ay agad ko siyang inalok umalis kung saan niya nais pumunta.

Pero laking gulat ko ng sabihin niyang gusto nitong mag-bar, I yelled at her at pinagalitan. Pero dahil buntis at sinabi nitong hindi siya iinom ay wala akong nagawa kundi pumayag.

"You can enjoy too, huwag mo ng isipin si jacob..”

”Hindi ko siya iniisip!” sininghalan ko siya, nasa bar na kami habang nasa likurang pwesto. Ang ingay pero sanay naman na ako.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon