Fallen

1.5K 35 0
                                    

Chapter 15

Shaira pov.

Linggo ng umaga.

Saktong alas siete ng magising si Jacob, Natural ay nauna pa akong nagising sa kanya. Sanay yata ang katulad 'kong maaga pa sa nagtitinda ng gatas kung gumising.

Ang gising ko ngayon ay walang kasing tamis sa gatas na iniinom ko, Hindi kagaya sa probinsya ang tema dito. Doon kasi ay may nagtitinda ng gatas, hindi ordinaryong gatas, Fresh from the farm iyon kung tatawagin. Sayang at hindi ko iyon mapapatikim sa hari ng kagwapuhan, bakit gwapo? Gwapo naman talaga siya, ngunit dahil maganda ang nangyari kahapon ay hindi ko na ito tatawaging surot kailanman.

Para na akong nasiraan ng bait dahil sa pag-ngiting mag-isa, nagtungo ako sa ref at kumuha ng maaaring maluto ngayong umaga, Hindi ko talaga lubos maisip na makakapag-aral ako ng wala sa oras, Ganun ba talaga ang kayang gawin ng pera?

Nangingiti na lamang ako sa kaswertehan, dapat ay matapos akong magluto bago lumabas ang hari. Naliligo ito kasalukuyan at mukhang may lakad na naman.

Hay, Sana lahat ay may pera.

Lagpas trenta minutos ng maihanda ko ang agahan, nasa sitwasyon ako ng paghuhugas ng bigla ay may yumapos sa bewang ko. Dahil sa gulat ay naipalo ko bigla ang hinuhugasang sandok sa ulo nito, Nanlaki na lang ang mata ko ng makita kung sino iyon.

"F*ck! What is your problem?!" hawak nito ang ulo,  kinagat ko ang pang-ibabang labi ng makita ang pamumula sa itaas ng kanyang noo.

"P-pasensya na, Ikaw naman kasi ginulat mo ako bigla.."

"D*mn, Its just a simple hug, your over reacting.."

"Hoy, H-hindi ko naman nga sinasadya.." naupo ito, napanguso ako ng hindi niya na ako imikin, palibhasa mabilis uminit ang ulo, bigla ka ba naman yakapin. Sinong hindi magugulat sa ginawa niya.

Abn*rmal.

Hindi ko na tinapos ang pag-huhugas, Ini-handa ko sa hapag ang naisipan 'kong lutuin ngayon. Ito na lang kasi ang nakita ko sa ref, Naubusan na ng stock ang hari ng kabwisitan. Ewan ko na lang kung kakainin niya ito. Pero mukha namang masarap.

"What is this?" sabi na nga at igronante siya, naupo ako may hawak na silyo.

"Talong, malamang.." nilapag ko ang silyo sa tabi, tumayo akong muli upang kumuha ng maipapares sa pritong iyon.

"Yeah, I know. But what is this something on side? D*mn its look like weird.."

Napangiwi ako, Ang arte. "Itlog iyan, jacob. Tikman mo muna kasi bago ka magreklamo.."

"Hindi ako nagrereklamo, Im just asking if what is this.." nakuha niya 'pang umirap bago kumuha ng isa, Napanguso ako dahil sa kasungitan niya.

Nagtatanong lang ba siya, akala ko'y nag-iinarte ang hari.

"Were going out today.." ani niya bigla, kasalukuyan 'kong pinipisil ang kamatis sa isang silyo, nangingiwi ito ng sulyapan ko siya ng tingin. "F*ck, Did you wash your hands, promdi-girl!"

"Kanina, hindi ba?"

"Tsk, Your a really weird woman.." pinangunutan ko siya ng noo.

"Ano ba ang problema mo?"

"Balak 'mong kainin iyan?" nakaduro ito sa kamatis na nilagyan ko ng toyo, bakit ang daming tanong? Ngayon lang ba siya nakakita nito?

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon