Love and Madness

1K 19 0
                                    

Chapter 37

Shaira Pov.

Si jacob ang bumungad sakin ng magising ako, seryoso ang kanyang mukha habang nakahiga patagilid sa pwesto ko. Mukhang kanina pa ito gising at kanina pa ako pinagmamasdan, ngunit ang kasuotan niya ay pantulog pa rin at halatang dumiretso ito sa kwarto ko pagka-gising nito.

Hinaplos niya ang aking pisngi sa gitna ng pananahimik ko, hindi ko napansing natulala na pala ako sa gwapo niyang mukha.

”Your here..” aniya habang hinahagod ng marahan ang mukha ko. ”I thought you leave me, thanks god its just a dream..” nangunot ang aking noo.

”Nanaginip kang iniwan kita?”

Tumango siya. ”Yes..” ngumuso ako

”Bat naman kita iiwan?”

"Because you hate me..”

”Iniwan kita dahil ayaw ko sayo?” tumango siyang muli na parang batang naapi, sa sitwasyon at lagay namin ngayon ay malayong iwan ko siya.

Hindi ko ito iiwan kahit ano pa man ang mangyari.

"Panaginip lang iyon, jacob..”

”But im still scared, hindi ko gusto ang panaginip na 'yon..” nangiti ako sa tono ng boses niya, halatang naasiwa nga ito sa panaginip niya.

"Ano ba kasing iniisip mo bago ka matulog?”

”Ikaw..”

”Bat ako na naman?” umupo ito sa kama at pinagsikop ang mga paa, nakafocus ang paningin nito sakin habang ganoon ang pwesto niya.

"Ang weird mo lang kasi kagabi, iniisip ko kung hindi ka ba nag-enjoy sa date natin..” wala akong masabi agad sa i-winika nito, naalala ko ang nangyari kagabi at hindi ako agad pinatulog ng kaisipang si papa ang nakita ko sa litrato.

Nag-iwas ako ng tingin at naging balisa ang aking isip, paano at magka-totoo ang panaginip ni jacob? At ang panaginip na iyon ay maging kabaligtaran sa reyalidad? Ako ang iwan nito dahil ayaw niya na sakin.

Napapikit ako, mali lamang siguro ang kutob ko.

Hindi magagawa ni papa ang pumatay ng tao upang kumita lamang ng pera.

”Are you okay, baby?”

Agad bumalik ang ulirat ko sa tinig ni jacob, hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil natatakot akong mabasa nito ang isip ko.

"Kagabi ka pa nagkaka-ganyan, may masakit ba sayo?”

Pilit akong ngumiti sa pag-aalala niya, umayos ka nga shaira! Mali ang iniisip mo at kalimutan muna iyon!

"Naisip ko kasing magdate tayo uli pagka-tapos ng klase..” biglang nagliwanag ang mukha nito sa sinbi ko, ayoko munang isipin iyon at hindi ko na iisipin pa. Paano magtatago ng ganoong sikreto si papa sa mga anak niya at kay mama, mali ang naiisip ko. Wala akong kwentang anak para pag-isipan ng masama si papa.

Pero iyong konsensya ko kasi ay pilit bumubulong sa kabilang panig, gusto nitong alamin ang katotohanan at komprontahin niya si papa.

Dapat ba na itanong ko ito kay papa?

Paano kung hindi ako kumilos at mangyari ang kinatatakutan ko? Baka mauna pa si jacob na mahanap ang suspek at sa pag-kakataong iyon ay si papa nga ang nasa litrato.

Ano na lang iisipin ni jacob sakin?

”Magpapareserve na ako ng pwesto para sa date natin..” pilit na ngiti muli ang iginawad ko kay jacob, napaka-bait ni jacob at ang swerte ko dahil minahal ako ng isang kagaya niya.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon