Chapter 10
Shaira Pov.
Isang linggo ang lumipas
Linggo ng umaga, kasalukuyan akong nasa kusina habang naghahanda ng sariling almusal. Kung itatanong niyo kung nasaan ang hari ay hindi ko alam kung saan lupalop siya nagtungo, Maaga itong umalis, walang pasabi o lingunan man lang sa' akin. Pakialam ko ba, Ni hindi naman din kami nag-uusap.
Simula ng husgahan niya ako ay medyo nagka-ilangan kami, Nag-uusap minsan kung may itatanong lang siya sa' kin. Hindi naman ako bastos na babae, Sasagutin ko siya, Iyong katanungan niya lang mismo, hangga doon lang, wala ng kasunod. Ang swerte niya kung kakausapin ko siya ng maayos! Matapos niya akong pagsalitaan ng mapanakit na salita, at husgahan agad. Hindi yata uso sa kamahalan ang magtanong, leche siya.
Si noah naman, kung naitatanong niyo, Nagtungo na rin ito dito upang humingi ng dispensa sa pinsan niyang ubod ng kasungitan, Nais ko siyang sapakin mula ulo hangga paa ngunit hindi ko na nagawa, siya pa ang humingi ng dispensa? Hindi ako makapaniwala,
Hindi ko alam na puro kaabn*yan ang alam nila,
Mag-pinsan nga sila.
Sa bandang probinsya naman ay maayos na ang kalagayan nila, kasalukuyan ng nagpapagaling si mayumi at nagpapalakas, Wala pa akong alam kung kailan ako makaka-uwi, Nais 'kong ipaalam iyon sa hari ng kasungitan ngunit naglilima ang isip ko, Naiinis ako sa kanya, pero infyernes! Binigyan niya ako ng cellphone, Kahit naman na nagtatampo ako ay kinuha ko iyon, hindi ako choosy katulad ng iba, grasya na iyon dong, Hindi ko na tatanggihan. Bahala siyang mamulubi, pero sa oras na nanalo ako sa lotto ay isasampal ko lahat ng perang inilabas niya.
Arrrgh! Hindi ko maiwasang patayin siya sa isip ko!
Padabog akong umupo sa pang-isahang upuan, itlog at hotdog lamang ang niluto ko, Simula ng makarating ako rito ay natutunan ko ng hindi kumain ng kanin, paano ba naman, ang kanin dito ay tinapay, ngayon ko nga lang ito nadiskubre. Ibang klase talaga pag laking syudad, hindi na ako magtataka kung bakit may ganung katawan ang hari, Peste. Bakit ko ba pupurihin ang katawan niyang may pandesal? Iyong kailaliman ng tiyan niya ay ubod ng lalim sa pagka-V ibang klase.
Tang*na.
Saktong pagsubo ko ng hotdog ng may bigla ay kumatok, nangunot ang noo ko. Ang senariong ito ay parang dejavu na naman, Alam ko na kung sino iyon.
Tumayo ako, hindi ko na inabalang ayusin ang buhok ko, diretso ang lakad ko habang puno ang bibig at walang kaartehan 'kong pinihit pabukas ang pinto, ang inaasahan 'kong tao ay narito nga, Sa palagay ko ay maaari na akong maging mang-huhula.
"Napadaan ka?" tanong ko, ang ngiti niya ay hindi mabura sa labi, siguro ay permanente na ang ngiting iyan sa kanya, hindi kagaya ng pinsan niyang maldito, kung hindi mo lang siguro pipisilin ang kili-kili nito ay hindi tatawa,
Bwist, bakit ba kanina ko pa siya kinukumpara sa lalakeng ito?
"May iaabot lang sana ako sa' yo.." ini-angat niya ang hawak ng kahon, may kahabaan iyon sa paningin ko, "Hindi mo ba muna ako papatuluyin?" nag-angat ako ng tingin rito, pwedi ko naman siguro siyang papasukin, hindi rin naman siguro uuwi ang kamahalan.
Niluwagan ko ang espesyo ng pinto "Pasok ka.." ngumiti ito, humakbang siya diretso patungo sa sofa.
"Where's Jacob?" nilinga niya ang paligid, "Diba linggo ngayon?"
"Hindi ko alam..." matabang na sagot ko, pakialam ko sa lalakeng iyon, maligaw sana siya at hindi na makauwi!
"Nag-aaway pa rin ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomansaSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...