Deadmahin si kamahalan

864 19 0
                                    

Chapter 41

Shaira Pov.

Hiyang hiya ako kay calix ng maglakad kami patungong parkinglot, hindi ko kasi alam na sa kanya ang kamay na nahila ko kanina. Bukod kasi sa madulas at malambot ang kamay nito ay inakala ko talagang kay selena iyon.

Hindi ko naman na mabalikan si selena doon dahil alam kong nag-uusap sila ni stanlee, plus na naroon si jacob at panigurado akong nakita niya ang nangyari.

Sandamakmak na kahihiyan talaga ang meron ako ngayon.

”Pasensya na talaga, hindi ko kasi alam na ikaw pala ang nahila ko kanina.” nakangiti sakin si calix habang nasa tapat kami ng kotse nito, tumango siya.

”Alam ko at ayos lang yon, hindi ka dapat mag-alala.” nanguso ako at nag-iwas ng tingin. "Gusto mo pa bang ihatid kita?” nilingon ko ito, totoo bang gusto niya akong ihatid? pero ang lapit lang naman ng shop ni natasha dito at kaya kong lakarin iyon.

”Hindi na, malapit lang ang tinitirhan ko dito.”

”Talaga, saan?”

”Iyong bagong bukas na coffee shop malapit sa outbox, doon ako.” tumango tango ito.

”Maglalakad ka hangga doon?”

”Oo, ayos lang.” natawa siya sa sagot ko, ang cool lang dahil hawig sila ni philip. Ngunit mas gwapo si philip dahil maangas ang kanyang ngiti. Samantalang ito parang malambot at banayad magsalita.

”Ihahatid na kita, wag ka ng tumanggi.” binuksan nito ang pintuan habang ako ay nakatulala lang sa kanya. ”Hey, sumakay ka na. Alam mo bang naging kaibigan ko si jacob noon, ayos lang sakin kung ihatid kita.”

"P-pero.”

”Sakay na.” huminga ako ng malalim bago tumango, nasa akmang pagsakay na ako ng mahagip ko si winter na padaan sa pwesto namin. Nilingon iyon ni calix at agad tinawag ang dalaga.

”Wen!” biglang lumingon si winter na tila nahihiya sa pagtawag ni calix, ”Sabay ka na!” umiling ito, nahihiyang ngumiti.

”Maghihintay na lang ako ng jeep.” tumama ang paningin nito sakin na nagpawala sa ngiti niya, nagbaba siya ng tingin at dumiretso na palabas.

”Wen!” sumigaw pa si calix ngunit hindi na lumingon si winter. ”Pambihira naman ang babaeng yon.” nilingon ako ni calix.

"Sumakay ka na.” wala akong nagawa kundi sumakay sa passengerseat nito, nagmamadali din naman siyang umikot na tila may hinahabol. At ng mabuhay ang makina ay daglian niyang pinaandar ang kotse sa tinahak na direksyon ni winter kanina.

Nakita ko si winter na nakatayo sa shed doon sa gilid ng daan, naghihintay siya habang nililipad ang kahabaan ng kanyang buhok. Ipinarada ni calix ang sasakyan at binabaan ito ng bintana.

”Sakay na wen, ihahatid kita.” nagulat si winter at napamaang. "Wag ng tumanggi, sakay na.” nilingon nito ang pwesto ko kaya ngumiti ako, nag-iwas lang siya ng tingin at doon sa backseat siya tumungo upang maupo.

"Saang club ka sumali ngayon?” kay winter siya nakatingin, doon sa rearmirror habang nagmamaneho.

”Sa cheering ako.”

”What?!” gulat si calix ng sagutin iyon ng dalaga. ”Bakit doon!”

”Iyon ang nasalihan ko.” hindi niya ba sasabihing isinali siya ni philip doon?

”Akala ko ba sa theater ka?”

"G-gusto ko kasing sumayaw.” natawa si calix bigla.

”Hindi ka mahilig sumayaw wen, simula bata kilala na kita..” namumula ang mukha ni winter at nag-iwas ng paningin, kung ganon, magkababata ang dalawa?

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon