Chapter 35
Shaira Pov.
Tahimik sa kwarto ko ng magising ako, umaga na at alam kong kailangan ko ng magready para sa pagpasok. Araw araw ganito ang nangyayari, pasok sa umaga uwi ng hapon sa mansyon, kasabay ko si jacob paalis maging sa lahat ng bagay. Nitong nakaraang araw ay nasabi niyang hindi siya gumamit ng lipstick, akala ko kasi talaga naglipstick ito dahil nawawala iyong binigay ni natasha sakin.
Pero nag-explain ito, iyong nakausap niya sa opisina na anak ng tumatayong presidente sa board nila. Tinangka daw siyang akitin nito ngunit hindi nagpadala si jacob sa dalaga, nakaramdam ako ng kaonting selos dahil nahalikan siya ng iba, pero dahil sinabi nitong ang babae ang humalik ay medyo nagkalmante ang dibdib ko.
Isipin ko pa lang na may kahalikang iba si jacob ay parang guguho na ang mundo ko.
Hindi ko iyon kaya dahil mahal ko na siya.
At mas lalo pa iyong lumalalim sa bawat araw na kasama ko ito.
Malaki ang tiwala ko kay jacob na umabot na sa puntong hindi ko siya pinag-isipan ng masama sa marka ng lipstick.
Alam kong totoo ang pag-ibig niya at nararandaman iyon ng puso ko.
"Kumain ka na, hija.” boses ni manang ang sumalubong sakin ng bumaba ako sa kusina, nakapagbihis na ako at handa ng umalis ngunit hindi pa nakapag-almusal.
Nilibot ko ang tingin. "Hindi pa po ba bumaba si jacob?” tanong ko ng hindi siya makita sa kusina, hindi ko kasi siya sinilip sa kwarto dahil baka narito na siya.
"Hindi pa, hija." napanguso ako, kailan ba bumaba ng maaga ang lalakeng 'yon.
"Goodmorning, ma'am shaira." tinig iyon ng isang lalake, nilingon ko iyon sakto paupo siya sa bakanteng upuan, may hawak na tasa. "Kape, madam.” nangiwi ako sa itinawag ni mikael, anak ni manang, narito na naman siya at siguradong may ginawa na naman ito sa mansyon nila noah.
Nasabi kasi ni jacob na pinapatos nito ang unica hija nila tito manuel na si Dianne Monteclaro, iyong lagi niyang tinatawag na señiorita.
"Mas gusto kong shaira ang tawag sakin.” ani ko, simple ang ayos ni mikael at nakapam-bahay lang, ngunit makisig siyang lalake na sa tingin ko'y kasing tangkad din ni jacob.
"Gusto ni sir jacob na tawagin kitang ma'am o kahit anong kagalang-galang, ayaw nga nitong tawagin kita sa pangalan mo.” malaki talaga ang diperensa ng lalakeng 'yon, kung hindi ko lang alam ay nagseselos lang siya ay ako mismo ang magbabawal, masyadong seloso pero cute siya pag ganon.
”Morning." nadinigan ko ang boses ni jacob na agad nagpatayo kay mikael, takot talaga sa amo niyang lalake. ”Hindi mo ako pinuntahan sa kwarto.” ramdam ko ang hininga niya saking tuktok ng tenga, pinaghalong mint at natural na bango ang naamoy ko doon, ang bango naman ng jowa ko.
"Your here again.” si mikael ngayon ang kausap niya, hindi ako nakasagot sa sinabi niya kung bat di ko ito napuntahan, ang bango niya kasi talaga.
"Hindi ako pinapunta dito ni Don manuel dito, promise." sagot ni mikael na agad may eksplenasyon. "Wala si señiorita ng bumalik ako, hindi kami nagkita.”
”Where is she, then?"
”Nasa skylight, marami siyang trabaho." hindi na nagtanong pang muli si jacob, ngunit masama pa rin ang tingin niya sa binata na tila kalmado na ngayon.
"Hindi ko pa rin gusto ang anak mo manang manic, he's still womanizer.” si manang na ngayon ay kausap niya, sa tingin pa lang naman ay babaero na ang lalakeng ito, hindi ko pa man siya lubusang kilala ay naramdaman ko iyon ng unang kita namin.
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomansaSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...