Ang Katotohanan

877 16 0
                                    

Chapter 54

Shaira Pov.

Alas dose ng mailipat si papa sa morgue, matagal bago siya nanatili sa kwarto dahil hindi tuluyang kumalma ang dalawa ko'ng kapatid, walang nais tumanggap sa nangyari. Maging ako rin ay ganun ang nasa dibdib, hindi ko matanggap. Ngunit ang isang gaya ko ay walang magagawa kung mismo ang kamatayan na ang tuluyang naghiwalay sa amin ni papa.

Masakit tanggapin ang pagpanaw niya, hindi man lang nito ako nakitang nakapagtapos. Lahat ng nais ko'ng gawin sa oras na makapagtapos ako ay hindi niya masasaksihan pa. Nakakalungkot talaga, ngunit kailangan tanggapin ang pagpanaw nito.

”Magpahinga ka muna, anak..” tinanguan ko lang si mama, nasa isang kwarto kami kung nasaan si mayumi. Hinimatay na naman ito at ngayon ay namamahinga siya sa kama.

”Hindi po ako inaantok, mama..Hihintayin ko'ng matapos si papa..” hinaplos niya ang aking buhok, nasa gilid kami ng kama habang binabantayan si mayumi, si jillian ay nakasandal sa balikat ni mama na nasa malayo ang tingin.

Napabuntong hininga ako.

”Alas siete darating ang masasakyan natin, kailangan mo'ng magpahinga para sa biyahe..” muli akong tumango, balak naming sa probinsya i-burol si papa. Alam kong marami siyang kaibigan doon at nais siyang makita, ayoko rin naman dito mailagi ang bangkay niya, mas panatag ako sa probinsya upang kahit papaano ay mailayo muna ako sa mga monteclaro.

”Kayo na lang po ang mahiga, ma. Hindi po talaga ako makakatulog ngayon..”

Bumuntong hininga si mama, hindi na ako pinilit bago niya kausapin si mayumi.

Sa ngayon ay hindi ako makakapag-pahinga. Alam ko'ng maiiyak lang akong muli sa oras na makita ko si papa sa panaginip ko.

Bumukas ang pintuan, nag-angat kami ng tingin sa pagpasok ni natasha. Kasunod nito si noah na may dalang maraming kape.

”Uminom muna po kayo ng mainit na inumin..” nilapag ni noah ang dala, hindi ako nagsasalita habang pinakikiramdaman ang aking kapatid.

Alam kong galit pa rin siya sa mga monteclaro.

”Salamat..” iyon ang sinabi ni mama, inabutan niya si jillian ng maiinom na tahimik sa kanyang tabi. Bumuntong hininga siya bago iyon kunin.

”S-salamat..” nag-iwas siya ng tingin, sumandal sa kinauupuan at sa aking kapatid ito tumingin.

”Magpahinga na rin kayo, masyado ng malalim ang gabi..” tumango ang dalawa sa sinabi ni mama.

”Hihintayin na po namin si tito..” umiling ako kay natasha.

”I-uuwi sa probinsya ang katawan ni papa..”

”Sasama ako sa probinsya niyo..”

”P-pero, paano ang tindahan?”

"Hindi na muna ako magbubukas..” tinapik niya ako sa balikat. ”Gusto kitang samahan..” tumango na lamang ako, hindi siya magpapapigil kung iyon nga ang kanyang gusto.

”I'll want to come too...” nilingon ko si noah. "Gusto ko rin sumama..”

”Tsk..” sinulyapan nito si natasha, kunot ang noo.

”Why?”

”Hindi muna man kailangan sumama pa..”

”Who are you to decide that i can't come?” tumaas ang kilay ni noah.

”Makakagulo ka lang..”

”Really? Do im a chaos boy, hindi ba ikaw ang skandaloso?” napahilamos ako sa mukha, lagi silang ganyan. Hindi magkasundo at laging bangayan kung mag-usap.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon