Possessive Jacob

1.6K 28 1
                                    

Chapter 17

Shaira Pov.

Nakasimangot ako habang nakaupo sa kama, kanina ko pa hinihintay ang babaeng inutusan nito ngunit hangga ngayon ay wala pa siya. Siguro naligaw na ito sa laki ng bahay, grabe! Itong kwartong 'to ay sakop na ng kusina at sala namin. Isa lang naman itong tulugan, ngunit bakit kailangan bigyan pa ng malaking espasyo? Kung sabagay, mayaman nga pala sila.

Nilibot ng mata ko ang buong silid, may sariling study table at saring aklatan sa gilid. May cabinet na malaki sa bawat haligi ng kwarto, hindi ko lang alam kung anong mga gamit ang naroon.

Tumayo ako at lumingon sa pinto, hindi naman siguro bawal ang maglibot sa kwarto. Ang sabi niya ay wag lang akong gagawa ng ingay, yun lang.

Dahil mukhang mamahalin lahat ng gamit ay hindi ko na hinawakan, nakakahiya at baka madumihan ko pa. Hindi pa naman ako naligo kanina.

Pumunta ako sa isang pinto, iniisip kung anong nasa likod nito. Pinihit ko iyon pabukas, At halos mamangha ako ng makitang malaking banyo iyon.

Grabe talaga, As in malalaglag panga mo dahil sa ganda ng banyo. Sobra sobra ito, hindi ko akalaing makakapunta ako sa ganitong klase ng bahay. Paano nga ba nangyari iyon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

*Tok...tok...tok...*

Hindi ko na nagawang pumasok sa loob, nilingon ko ang pintuan ng may kumatok doon. Siguro ito na ang nilaang taga-utos para sa' kin, grabe talaga. Palagay ko napaka-sosyal ko na.

"Magandang gabi po, eto na po ang masusuot niyo.." nilahad nito ang hawak na ternong damit, nakangiti ko iyong kinuha bago ito pagmasdan.

"Ilang taon ka na?"

"16 po.." napamaang ako sa sinagot niya, disi-sais pa lang siya? Halos kasing-edaran lang nito si jiji, yung pangalawa sa' ming magkakapatid.

"Napaka-bata mo pa.." ani ko, tumango ito hatalang nahihiya. "Nag-aaral ka ba?"

"Opo, pinag-aaral ako ni don samuel.." mas lalo akong humanga, pinag-aaral siya ng tatay ni jacob? Ay hindi, tito pala. Ang galing, siguro napaka-bait nga ni don samuel.

"Pagbutihan mo ang pag-aaral.."

"Opo, salamat.."

"Huwag na wag kang matatakot pag inaapi ka ng amo mong abn*rmal ha.." kumunot ang kilay niya,  hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ibig kong sabihin si jacob.."

"Ah, si sir jacob po.."

"Tck, oo yung lalake kung makapag-utos wagas, isumbong mo sakin pag pinapagod ka ha.."

"Trabaho po namin paglingkuran si sir, maam.."

Napangiwi ako. "Ate na lang.." ngumiti siya,

"Sige po, A-ate.." natawa ako, ang cute niya. Namiss ko tuloy ang dalawa kong kapatid, kailan kaya ako makakauwi?

"Anong pangalan mo?"

"Erica po.."

"Oh, sige erica, salamat sa mga ito, magpahinga ka na.."

"Pero sabi po ni sir ay hintayin kita hangga sa matapos.."

"Hayaan mo ang surot na 'yon, ako ng bahala, sige gora na.."

"Po?"

"Hehehehe, alis na kako, maliligo na ako.."

"O-okay po.."

Sinara ko na ang pinto, leche talagang lalakeng yon. Anong akala niya sa' kin bata? Ang lakas talagang mag-utos porket siya ang boss dito sa bahay. Humanda talaga siya sakin mamaya.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon