Jacob The Man

847 18 0
                                    

Chapter 46

Shaira Pov.

Mula sa kwarto pababa ng hagdan ay hawak ko ang cellphone na may naglalaman ng video, suot ko ang uniporme ng fatima na ang skirt ay sobrang iksi. Ito yung skirt na ayaw ni jacob at nais niya akong ipag-sadya ng hangga itaas ng tuhod. Ngunit dahil mas nais kong ito ang isuot ko ay hindi siya nanalo, pero lumipas na iyon at wala na kami ngayon. Nasa sakin na kung susundin ko siya dahil wala na rin kami, ano pa bang gagawin ko kung hindi gawin ang gusto ko.

”Ano yan?” nakuha ko ang interes ni natasha na palabas ngayon sa counter, natatawa kasi ako ng maupo sa upuan katapat ng magagandang bulaklak. "Patingin nga!" isiniksik ko ang cellphone sa dibdib, umiiling ako na may timan na ngiti.

"Wala ito.”

”Kung ganon bakit hindi mo ipakita?”

”Hindi naman kasi importante.”

”E bakit nangiti ka na parang nakakatawa yan?” eto na nga ba ang mapilit, pero kasi hindi ko gustong ipakita yung video, baka malaman niya pang pinagkakalat ko ito.

”Hala, bago yang cellphone mo ha, napulot mo?”

"Hindi ko napulot, kay miguel to.”

”Miguel kamo?” nagulat siya at tila hindi pa makapaniwala. ”Paanong nasa sayo ang cellphone niya?”

”Ipinahiram niya sakin kahapon.”

”Oh my god, dont tell me my sc*ndal siya diyan?!” nangiwi ako, grabe naman kung maka-sc*ndal.

"Wala, ano ka ba!”

"Kung ganon titingnan ko!”

”Teka sandali lang!” wala na akong nagawa ng nasa kanya na ang cellphone, at dahil doon ay umarko ang nguso niya sa ngiti, bago nangiti ay natawa, tuluyan ng natawa at humagalpak pa lalo.

”Kaya naman pala e!” natatawa pa rin siya, umirap na lang ako ng punasan niya ang kanyang mata, tawa pa more.

"Ang damot mo naman, si jacob lang pala to na nasayaw, HAHAHA!” kinuha ko ang cellphone ng matapos ang video, nakangisi na ngayon siya sakin. Ayoko nga kasing ipakita dahil ang cute ni jacob don, paano niya nagawang sexy ang nakakatawang sayaw?

”Yiieh, ang bebot of the year na may mahabang buhok ay bibigay na this time.”

"Tsk.” binulsa ko ang cellphone ni miguel, bukod tanging siya lang ang may video dahil bawat kumuha ng cellphone kahapon ay sinasamaan ng tingin ni jacob, sa huli ay naglaway na lang sila.

”Ang gwapo naman ni jacob diyan, paano kung mag sexy dance na siya ng tuluyan sa harapan mo, sh*t. Oh my god! Hindi ko ma-imagine!”

Muli akong umismid, hindi ko na gustong maimaheng sumasayaw siya ng sexy dance, ito ngang apple pen ay nabigyan niya ng hustisya, paano pa kaya kung sumayaw siya ng careless whisper, susmaryosep! end of the world na.

”Sasayaw siya sa harapan mo ng ganon syempre bibigay ka na, baka ikaw pa ang lumuhod at hingin ang brief niya, HAHAHA!”

”NATASHA!”

”Ay, hindi ba? pakipot ka pa?”

”May problema pa ako ngayon, hindi ko muna hihingin ang brief niya, ay ano pala, hindi ko muna siya kakausapin.”

Bumuntong hininga na lang ito, naupo siya sa tabi ko at inakbayan pa ako.

”Alam mo shaira, patawarin muna yung tao, kung ganun pala ang gusto mo magkaroon dapat kayo ng closure.”

”Closure?”

”Oo, usap now molmol later.”

”Ano?”

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon