Tampo

1.2K 27 0
                                    

Chapter 25

Shaira Pov.

Lunes ng umaga.

Maaga pa lang ay mulat na ang aking mga mata, isang linggo na ang nagdaan at parang kailan lang ng malaman kong nakapasa ako, ngunit ang pakiramdam ng kagalakan ay hindi nawawaglit sa kalooban ko, para pa rin akong lumulutang sa ere dahil sa sobrang saya. Makapag-aaral ako ng libre at higit sa lahat ay sa magandang unibersidad pa, para akong biglang nanaginip ng isang magandang pangyayari, pero hindi ito panaginip.

Kinurot ko ang pisngi na siyang nagpa-aray sakin, natatawa akong hinaplos iyon habang nakahiga pa rin sa kama.

Wala ang hari dito dahil nasa kabilang kwarto, humihirit pa nga ito kagabi na dito siya matulog ngunit hindi ko naman pinagbigyan, sumusobra na. Hindi ko pa naman sinasagot may punishment pang nalalaman.

Nang magsawa sa kama ay tumayo na ako upang makapag-ligo, nagbihis ako ng pantalon at simpleng blouse lamang. Hindi ko na inabala pang magdala ng damit dahil marami naman akong naiwang damit doon.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto habang hinahagod ang basa kong buhok, balak ko munang tumungo sa kusina upang gumawa ng mainit na inumin. Siguradong tulog pa si kamahalan dahil alas sais pa lang ng umaga, alas syete kasi ang alam kong gising niya madalas, ewan ko lang ngayon dahil araw ng alis ko.

"Nakapag-impake ka na ba, hija?" si manang, nasa kusina na siya at halatang tapos ng magluto, alam din nilang aalis ako ngayon kaya siguro maaga silang naghanda.

"Hindi na po ako nag-impake, limang araw lang naman po ako.."

"Ganun ba, isasama mo ba si jacob?"

"Hindi po, may pasok siya.." tumango ito matapos ihanda ang mga pagkain sa lamesa.

"Kumain ka muna.."

"Mamaya na po, tatawagin ko lang si jacob.."

"Osha sige.."

Nagmadali akong tumakbo pataas sa kwarto ng surot, lintek siya! Aalis ako ngayon ba't di man lang maagang magising, mahuhuli pa ako!

"JACOB!" lagi ko siyang inuuga twing ganito ang eksena, nakadapa siya sa kama habang balot sa kumot. Ewan ko ba kasi kung bakit kailangan itodo ang aircon sa kwarto niya, tapos magkukumot ang bal*w! Parang ewan.

"GISING NA, JACOB!" wala pa 'ring silbi ang pag-uga'uga ko sa kanya, lumipat ako sa kabila at doon sinipat ang mukha nito, ang himbing naman ng tulog. "KAMAHALAN!" sigaw ko, sa pagkakataong ito ay nagmulat siya. Salubong ang kilay at direktang tumama sakin ang paningin nito, ngumiti ako ng matamis. "Ginising kita para matulog.." pag-aasar ko na siyang lalong kinabusangot nito.

"Do you know the consequences?" paos ang boses niya habang nakadapa, nangunot lang ang noo ko. "Your disturbing me again.." marahas niya akong hinila na siyang kinagulat ko, dahil sa gulat ay hindi ko namalayang nasa ibabaw ko na siya, teka bat walang damit ang hari?

Akma pa akong magsasalita sana ng sa isang iglap ay naramdaman ko na lamang ang labi niya mismo sa labi ko. Naiwan akong nakamulat at hindi alam kung paano magrereact, tulala ako habang pinakikiramdaman ang halik niyang sobra pa sa marahan na nagdadala ng kadalaan sa isip ko.

"Open your mouth.." utos nito, hindi ko alam kung bakit nawala ako sa sarili. Ngayon ko lang napuna na nakakawala talaga sa wisyo ang haring ito. Nakakadala at parang may kung anong umiikot sa kabuuan ng katawan ko.

Kusa siyang humiwalay, salubong ang kilay nito habang nakalapat ang palad niya sa pagitan ko. Kitang-kita ko kung paano magtaas baba ang matipuno nitong dibdib habang nakaawang ng bahagya ang labi nito, teka natulog ba siya? Bat amoy bubblegum ang hininga nito. Kumain siya ng bubblegum bago matulog?

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon