Kamahalan

2.4K 34 0
                                    

Chapter 7

Jacob Pov

Nang sandaling makarating kami ng mall ay dumiretso na ako mismo sa clothes section, Balak 'kong bilhan ng damit ang babaeng kasama ko. Hindi ko alam kung taong bundok ba ito dahil sa nakikita 'kong reaksyon sa kanyang mukha.

This is her first time to see a big Mall?

D*mn, her reaction is priceless. Walang kapantay ang paghanga niya sa paligid.

Tch.

"Kamahalan.." anas nito, nakatingala sa itaas ng mall.

"What?" nagbaba ito ng tingin, ang mga nag-gagandahan niyang mata ay napaka-sarap pag-masdan.

f*ck,

"Bakit kailangan mamili tayo sa malaking lugar na 'to?" tanong niya, Hindi talaga siya titigil sa kakatanong.

"Para may maisuot ka.."

"Maaari naman sa bangketa na lang mamili, Masyadong mahal dito. Baka lalo lamang lumaki ang utang ko sa'yo.."

"Hindi ito utang o ano, Basta pumili ka lahat ng magugustuhan mo."

Nilingon ako nito, She looked at me with her amazed reaction. Napapa-irap ako.

"Just follow what i've said promdi.." asik ko, dumiretso ako sa loob upang magtingin-tingin ng damit. Nang sandaling lumapit ang babaeng naka-assign sa pinuntahan ko ay nilingon ko ito.

Nakangiti siya, Ngunit napawi rin ng malingon siya sa katabi ko.

"Give her a cassual dress, All branded you have.." Bumaling muli sakin ang babae, Nagtataka itong nakatingin. Mukhang ayaw maniwala.

"Siya po ba Sir Jacob?"

"May kasama pa ba akong iba?"

Napapangiti siya ng pilit. "Okay sir, Just wait me there.." Sagot nito, itinuro niya ang mahabang sofa sa gilid bago sumulyap kay shaira. "Come here.."

"Sasama pa ba ako?"

D*mn it, Mababaliw na yata ako sa babaeng ito.

"Yes Ma'am.." napapakamot ng batok si shaira bago sumunod sa salesday, Hindi ko alam kung inosente ba siya o wala lang talaga siyang alam.

tsk.

Naupo ako sa mahabang sofa habang tinitingnan silang mamili ng mga damit, Kinuha ko ang magazine na nasa gilid at doon inabala ang paningin ko, Pasalamat na lang siya at binibilhan ko pa ito ng masusuot.

Nababaliw na nga yata ako.

Umabot ng kalahating oras ang paghihintay ko bago muling lumapit si shaira, Binaba ko ang magazine at tumingin dito. Ang mga inosente niyang mata ay hindi makatingin sa' kin ng diretso, Halatang halata sa kanya na bago lahat ang nakikita nito. Pero bakit napadpad ang isang katulad niya sa syudad? At worst ay nasa club pa ang trabaho niya.

Ang dami 'kong katanungan ngunit ni isa ay wala siyang sinasagot.

"Look girls, Si Jacob iyon hindi ba?" nilingon niya ang tatlong babaeng nagbabayad sa kahera,

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon