Paliwanag

815 20 2
                                    

Chapter 43

Shaira Pov.

Dinala ako ni jacob sa isang mamahaling restaurant, wala pang gaanong tao dahil nasa alas sais pa lang ng gabi. Ngunit hindi ko alam kung kaya ko bang maupo ng matagal dito habang kasama siya, hindi kasi ako mapakali. Maraming pumapasok sa isip ko na lalong nagpapagulo sa dapat kong gawin.

Naguguluhan ako sa ikinikilos niya, nagtataka ako kung bakit niya ako inimbitahang kumain. Alam kong hindi iyon dahil sa nakuha niya ang sticker, at hindi ko rin naman gustong mag-assume na baka gusto niya talagang makipag-ayos.

”Hindi ako kakain..” nilingon ako nito ng balakin niyang magtawag ng waiter, sa totoo lang ay hindi talaga ako makaka-kain kasama siya. Gusto ko kasing dumiretso na kami sa punto kung bakit kami nandito.

”I want to eat with you..”

”Ayokong kumain..” kahit kumakabog ang dibdib ko ay pinilit ko siyang tingnan ng diretso, ngunit dahil sa ginawa kong iyon ay tuluyan na akong nanghina.

”Mahirap bang sabayan akong kumain?” mahinahon ang pagkakasabi nito, ngunit hindi siya makangiti o ano mang reakyon na pwedi niyang gawin. Tila balisa siya sa hindi ko malamang dahilan.

”Gusto ko ng umuwi..”

Matagal siya kung tumitig sakin, kalaunan ay nagbaba ito ng tingin sa mesa at tumango.

”Ihahatid na kita..”

”Hindi na kailangan..” tumayo ako at nilagpasan na ang mesang kinauupuan namin, gusto ko mang makasama siya ay nais ko ng makadalaw kay papa, nangako pa naman akong ipapakita ko sa kanya ang ilang likha ko na ilang araw ko ng ginawa.

"I send you home, shaira..” nakasunod pala ito sakin, aangal pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa. Hinila nito ang kamay ko at sapilitan nito akong ipinasok sa kanyang kotse, naiiling ko itong tiningnan ng umikot siya upang umupo sa tabi ko.

”Ano ba talagang kailangan mo sakin, jacob?” nilingon ako nito, bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

”Gusto ko munang kumain muna tayo bago mag-usap, mahirap ba 'yon?”

Natawa ako, nag-iwas ako ng tingin habang natatawa. ”Sinasabi mong kakain tayo sa loob na parang walang nangyari sating dalawa?” muli ko itong sinulyapan, gaya kanina ay wala na naman siyang reaksyon. ”Baka nakakalimutan mong hiwalay na tayo at wala na tayong dapat pang pag-usapan..”

”I know that..”

”Alam mo naman pala, kung ganon bakit mo pa ako ginugulo? Alam mo bang nakakalito yang kinikilos mo?” nag-iwas siya ng tingin ngunit muli din ibinilik iyon sakin.

”Makinig ka muna..”

”Anong pakikinggan ko? Panibagong sakit na naman? ganyan ka ba talaga?”

”Shaira..”

"Nakakalimutan mo bang humakbang ka paalis di ba? Iniwan mo ako, pinabayaan mo ako. Hindi ba?”

"Shaira, listen to me..”

”Sinabi mo rin na dapat hindi muna ako nakilala, sinabi mo na mukha akong pera kaya bakit mo ako ihahatid, baka minsan ay isumbat mo itong gas na ginamit mong paghatid sakin!”

”Shaira please..” pagak akong natawa sa nauubusan niyang pasensya, ngunit ang damdamin ko ay muling nasaktan. Muling naulit ang eksenang nangyari ng iwan niya ako, At kahit gusto ko man maging maayos kami nyayon ay tila nagdadalawang isip na ako.

"Oh, ano? Magagalit ka na niyan? Hindi ba madali ka namang magalit? kaya sige, magalit ka!”

"No, i wont do it..”

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon