Comeback?

851 25 0
                                    

Chapter 47

Shaira Pov.

Sabay naming nilisan ni selena ang mesang pinaliligiran ng mga lalakeng adonis, ang ingay nila simula ng manahimik si jacob. Hindi ko alam kung bakit nawalan siya ng imik, para itong may topak na hindi ko mapangalanan.

Pinagbabawalan kaming mag-usap pero yung mga kaibigan niya ay sinakop na ng boses nila ang buong cafeteria.

Palibhasa ay hindi lang nito nagustuhan ang pag-iimbita sakin ni noah, ano naman sa kanya kung pumunta ako. E sa gusto kong pumunta para mabawasan naman kahit papaano ang stress ko sa kanya.

”Pupunta ka mamaya?” tumango ako kay selena, kahit pa na ayaw ni jacob ay pupunta ako. Bahala siya, edi pumunta rin siya!

”Isasama ko si natasha, kaibigan ko.”

”Kung ganon ipagdadala kita ng masusuot, marami akong stock sa bahay, you know i like swim suit.”

”Bikini talaga dapat ang isuot?”

”Dipende iyon, let just see the situation there, pero magdadala na ako ng pamalit..” tumango tango ako, dipende pa naman pala. Kung ganon maaari ding hindi na ako magsuot ng bikini? Hindi kasi ako sanay.

”Mauna ka na sa taas, magbabanyo lang ako.”

"Huh, samahan na kita.”

"Hindi na, mabilis lang ako.”

”Talaga?” Tumango ako. ”Okay, I'll go first.”

Nauna akong tumalikod para tumungo saglit ng banyo, napadami yata ang inom ko kaya't etong pantog ko'y parang sasabog na.

Mabilis akong pumasok ng banyo at agad hinagilap ang walang taong pwesto, nakahinga ako ng maluwang dahil sa kaginhawaan. Pero sa isipang may kumalabog sa labas ng pinto kung nasaan ako ay madali akong tumayo sabay ayos ng skirt ko.

”Sino yan?!” walang sumagot, binuksan ko ang pinto pero wala namang tao. Hindi kaya humangin lang kanina?

Tinungo ko ang gripo at doon naghugas ng kamay, naghilamos din ako para makaramdam kahit kakaonting lamig ang mukha ko. Kumuha ako ng tissue sa gilid, pinunasan ko ang mukha bago humarap sa salamin, pero napalukso lang ako sa gulat habang hawak ang dibdib.

”A-anong ginagawa mo dito?!" nakatayo si jacob sa likuran ko, sabi ko na nga ba ay may pumasok kanina. Siya yon, kinalampag niya pa talaga yung pinto.

”Pagbabae ito, bawal kang pumasok dito!" muli ay singhal ko.

”Bakit ako nakapasok kung bawal ako?”

”Paano ba pumapasok sa pinto?!” nakataas ang kilay ko sa kunot noong surot, ano hindi niya alam ang sagot.

”Ofcourse you need to step forward.”

"Tsk, mali! Dapat buksan mo para makapasok ka!” mas lalo lang nangunot ang kanyang noo.

”Your talking nonsense again..”

”Edi huwag mo akong kausapin!”

Umirap ako, balak ko ng lumabas ngunit hinawakan niya ang braso ko. Eto na naman ang malambot niyang kamay, nanginginig ang laman ko sa hindi ko malaman na dahilan, nahulog yata ang panty ko pero hindi naman, alam ko kasing may garter yon.

”Gusto ko lang ipaalalang bawal kang pumunta sa party ni dianne..” kahit na nagbabanta ang tinig nito ay umismid akong muli, sino ba siya. Siya lang naman ang lalakeng mahal ko pero hindi pweding diktahan niya ako ngayon. Nakakalimutan niya yatang wala na siyang karapatan sakin pa.

”Nasa akin parin ang desisyon kung pupunta man ako o hindi.” binawi ko ang kamay, masama muli ang tingin niya at may nakikita na akong usok na lumalabas sa ilong nito, magiging toro na ba siya?

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon