Chapter 67
Shaira Pov.
(SPG) 🔞MATURED SCENE THAT NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS, READ AT YOUR OWN RISK
Nang dahil sa eksenang iyon ni jillian ay naging bulung-bulungan iyon sa paligid, may mga ilang bisitang naki-usyoso sa kabalastugan ni noah. Sa huli ay si jacob ang bukod tanging nakaawat kay noah, Inilayo niya ito sa kawawang si jericho. Agad dinaluhan ng ilang tauhan ang binata na may pasang natamo sa mukha.
Samantalang si natasha ay sinamahan namin ni mama, I asked her about what happen. Pero wala siyang imik, tulala iyan dahil sa nangyari.
So, I choose to let her sleep again. Masama sa buntis ang nagpupuyat sabi ni mama. At etong si noah ay nakatanggap ng libong sermon kay daddy. Wala siyang nagawa kundi tanggapin lahat ng iyon, hindi ko rin siya kinausap dahil naiinis ako sa kanya.
Nagseselos ba siya? Deserve niya 'yon.
Pero alam ko'ng wala naman silang ginagawang masama ni jericho, sa ugali ng lalakeng iyon. Inosente pa siya, hindi mulat sa kapusukan, kawawang binata.
”Who is that guy?” si kuyang blue eyes ay chismoso rin, nasa isang kwarto si jericho habang ginagamot. At eto kaming dalawa ay nakatayo sa gilid ng pintuan habang nakasilip.
”He's natasha friend..” iyon na lang ang sinagot ko sa marites na 'to, ang gwapong chismoso at hindi man lang tinulungan si jacob umawat kanina. Sa laki ba naman ni noah, kakawawain niya talagang itong si jericho.
”What is your relationship with natasha?”
”She's my close friend..” tumango tango ang asul na mata, ang tangkad niya. Kaso hinahabol siya ng gillette. Hindi siguro uso ang mag-ahit sa lalakeng 'to.
”And that woman is noah's girlfriend?”
Kumunot ang noo ko, Hangga kailan siya magtatanong? Uusisain niya ba lahat ng maaari nitong maitanong?
”Asawa niya 'yon..”
”Ow, Really? How about that nicole?” nilingon ko ito, salubong ang kilay.
”Who's nicole?”
”We meet group of girls last week, And i know that nicole is his girlfriend..”
Napapahagod ako sa'king noo, nicole? May girlfriend si noah tapos gagawa siya ng eksena dito? At talaga namang sumusobra na siya.
”She's nursing on fatima, Nicole Merciales..”
Hindi ko na inimikan ang chismosong blue eyes, umiinit ang ulo ko kay noah at nais ko siyang sipain palipad.
Tinalikuran ko si asul at tinahak ang kwarto kung nasaan si noah, thanks god at wala na si daddy sa kwarto at bukod tanging si surot na lang ang narito.
”Hoy!” masama agad ang tinig ko kay noah, nakatingin 'yan sa'kin at naghihintay sa paglapit ko. ”Sabihin mo, ano talagang pakay mo kay natasha? Sabihin mo!”
”Hey baby..” nilingon ko si jacob, masama ang tingin kahit pa na nakakakilig 'yung pagtawag niya ng baby. Pero enough to lande, inaano kasi nito ang friendship ko!
”Natasha is important to me, but we have a problem..”
”Talaga, at sa sobrang importante ni natasha sa'yo ay required dapat na buntisin siya at hindi panagutan?!”
”Buntis ba talaga siya?”
”Aba't nakaka-ano ka na ha!” hinawakan ni jacob ang kamay ko, inilalayo kay noah. ”Bitawan mo ako, alam mo ba na gaano kahirap ang pinagdadaanan ni natasha! Tapos gaganituhin mo lang, gag* ka noah!”
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
DragosteSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...