First Suffering

854 21 1
                                    

Chapter 39

Shaira Pov.

Tahimik sa kwartong kinaroroonan ko habang may malalim na iniisip, sa sobrang lalim nito ay hindi ko na alam kung paano tumungo paitaas. Parang akong isang tao na nahulog sa bangin at hindi na alam kung paano umakyat, nag-iisa, walang kasama at katulong.

Sobrang bigat ng dinadala ko, para na akong susuko ngunit hindi ko nais na mangyari iyon.

Gusto kong panatiliin nakatayo ang sarili, kahit na gaano kalalim ang binagsakan ko ay sisikapin kong tumayo at bumangon muli.

Napabuntong hininga ako, mahigit isang buwan na akong narito sa manila. Kung gaano ako katagal dito ay ganun din katagal na hindi ko nakikita at nakakausap si jacob, matapos niyang malaman ang sikreto ni papa ay bumalik din ito kinabukasan. Bumalik siya hindi para sakin, hindi para kausapin ako at humingi ng tawad. Bumalik siya para dakpin si papa kasama ang mga pulisya, bukod tanging si tito manuel ang kasama nito at nagtataka ako kung bakit wala si tito samuel, galit sila kay papa, galit silang lahat sa kanya at hinusgahan agad. Maging ang ilan kalapitbahay namin ay naging mababaw ang tingin sa pamilya ko.

Naaawa ako kay mama lalo na kay papa, lalo na't ngayon nakakulong na ito. Dalawang linggo ng mahatulan si papa sa kasong murderer, Guilty ito ayun sa husgado, ipinatong sa kanya ang reclusion perpetua na siyang kinalungkot ko lalo. Ako ang humarap sa hukuman kasama si natasha at jillian, si mama at mayumi ay naiwan sa probinsya dahil makakasama lamang kay mayumi kung masasaksihan niya pa ang eksenang iyon.

"Papasok ka na?" nagtataka akong tiningnan ni natasha ng makababa sa hagdan, nandito ako sa store nito na may dalawang palapag. Dito ako pansamantalang tumutuloy habang hindi pa kami magka-ayos ni jacob.

"Dadalaw ako kay papa." dumiretso ako sa lamesa dito sa loob ng shop niya, maganda ang pwesto nito at laging may costumer. Isa itong coffee shop na sinamahan niya ng flower shop, basta nakahati ang store niya sa dalawang tinda, sa itaas ng store na to ay doon ang kanyang kwarto at banyo.

"Wala ka pa bang balak pumasok? baka bagsak ka na niyan ha.."

"Papasok ako mamaya, siguro, ewan, naguguluhan kasi ako.." pansin ko ang pagkalito nito sa sagot ko, maging ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa takot.

"Ang gulo mo naman!"

"Kinakabahan kasi ako.."

"Kinakabahan ka dahil baka makita mo si jacob?" tumango ako. "Sus, paano kayo magkaka-usap kung ikaw mismo ang umiiwas?!"

"B-baka kasi galit pa siya sakin.." napahilamos ito sa mukha.

"Kailangan niyong mag-usap, shaira. Kung ganyan ka rin naman ng ganyan ay hindi mo maayos ang problema mo.." hindi ko alam kung tama ba na mag-usap pa kami, sa sitwasyon kasi namin ay baka malabo na kaming magka-ayos.

Isa rin iyon sa kinakatakutan ko kaya't hindi pa ako pumapasok.

Ayokong mag-usap kami dahil baka tuluyan na siyang makipag-hiwalay, ayoko siyang lapitan ng kusa. Gusto ko siya mismo ang lumapit sakin para makipag-usap, nais ko itong bigyan ng mahabang panahon para makapag-isip at para na rin humupa ang galit niya.

"Atsaka sabihin mong hindi mo naman tunay na ama iyong pinakulong niya!" sinamaan ko ng tingin si natasha, kaya't eto ay umiwas siya sakin at kumuha ng baso upang gumawa ng kape. "Sabi ko nga, hintayin muna lang siya.." binawi nito ang sinabi habang naglalagay na ng sangkap sa baso, napabuntong hininga ako.

"Kahit anong mangyari ay ama ko siya, natasha. Siya ang ama ko at wala ng iba pa.." hindi siya sumagot sa sinabi ko, hindi ko nais na naririnig iyon sa kahit kaninong tao, siya ang papa ko siya ang nagpalaki sakin at nagpaka-hirap para lamang lumaki at makapag-aral ako.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon