Chaos

1K 23 0
                                    

Chapter 20

Shaira Pov.

Buong maghapon kaming namasyal ni natasha sa divisoria, maraming mabibili doon at halos maabot mo lang ang presyo. Parang iyong kagaya lang sa tiangge banda sa probinsya.

"Nakakapagod pero sulit.." aniya habang nakaupo, nagyaya itong tumungo sa club kung saan ako dati nagtatrabaho, pumayag din naman ako dahil na rin sa mga naiwan kung gamit.

"Ang lawak pala ng divisoria, mabenta doon panigurado.."

"True.." sumandal ito sa upuan, sarado pa ang club at tanging restaurant pa lamang ang naiwang bukas.

"Balik tayo sa susunod.." tumango ito, inilapag ng waitress ang in-order naming juice na may kasamang dessert.

"Kung may next time pa, halata namang napipilitan lang si jacob na payagan ka.."

Napanguso ako "Hayaan mo 'yon.."

"Sus! Lukaret ka na rin e!"

"Hala, makalukaret wagas!"

Natawa siya "Totoo shai, solid ka na.." nakangisi pa rin ito, nang-aasar. "May nangyari na sa inyo no?"

"NATASHA!"

"Yiee, ayaw magshare ng lukaret.."

"Tsk, umakyat ka na at kunin ang gamit ko.." nang-aasar pa rin ang mga titig niya na may halong pag-iling.

"Kwento mamaya ha."

"Ewan ko sayo!" irap na ani ko, natawa ito bago dalhin ang mga baso.

"Sama ka sa taas, doon muna tayo.."

Umiling ako "Uuwi na ako pag kakuha ko sa gamit.."

"Bakit? Takot ka kay jacob?"

"Hindi naman, sakin takot 'yon.."

tinawaan lang ako ng loka.. "Talaga? Edi maganda, stay ka muna dito.."

"Magagalit 'yun.."

"Tsk, hindi.. ako ang bahala, tara na.." naglakad ito patalikod dala ang mga inumin, wala akong nagawa kundi sumunod habang iniisip ang hari.

Siguradong tapos na ang klase niya.

Pumasok kami sa silid ni natasha kung saan naroon ang pamilyar na babae, napangiti ito ng makita akong naroon.

"Omg, shaira.." tumayo si kate, sinalubong ako ng ngiti at halatang hindi pa makapaniwala sa presensya ko.

"Kumusta?" tanong ko,

"Ayos lang, ikaw ha.. mukhang okay na okay ang kalagayan mo kay jacob.." bakas ang kilig sa tinig niya, maging ang ngiti nito' y hindi nawawala.

"Sakto lang naman.." kunwari nakangiwing pahayag ko, nakatanggap lang ako pagsiko kay natasha na maging ito ay nakangisi rin.

"Sakto talaga ha? Sakto para magbuhay prinsesa.."

"Hoy, hindi! Tutulong din ako sa paglilinis doon, grabe kayo.."

Natawa silang pareho sa sinabi ko.

"Bukod sayo wala na bang ibang babae si jacob?" bigla' y anas ni kate, napanguso ako habang si natasha ay napasulyap rin habang may kinukuha sa itaas ng cabinet.

"Wala naman na akong nakikitang iba.." sagot ko, totoo namang wala.

"Talaga? Si jacob kasi yung tipo na hindi kuntento sa isa, alam mo na.. Mabilis magsawa.." napanguso ako, hindi ko naman nararamdaman iyon kay jacob, sa totoo nga ay nililigawan niya pa  ako. Hindi ko nga lang alam kung tunay ang pagtingin nito sa' kin.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon