Stay

746 16 0
                                    

Chapter 50

Shaira Pov.

ALAS DOS ng makarating sila mama, umiiyak siya maging ang dalawa ko'ng kapatid. Hindi ko rin maiwasang maiyak dahil sa nakikita, sobrang sakit sa dibdib at hindi ko alam kung paano sila aaluhin, nagiging mahina rin ako. Ngunit narito pa rin si noah na handa akong samahan.

"P-papa, n-nandito na po ako.. g-gumising na k-kayo...” umiiyak si mayumi, agad siyang dinaluhan ni jillian na may mapupulang mata rin.

Ang sakit, sobra. Ngunit nagpapalakas ako ng loob upang magkaroon sila ng masasandalan. Hindi ako pweding magpakita ng hirap at kahinaan.

”Ano ba ang sabi ng doctor, anak?” si mama ngayon ang humarap sa 'kin, nakapalibot kami sa kama habang hinihintay na magising si papa.

”Hihintayin niyang magising si papa upang tingnan, ngunit..” hindi ko maituloy ang nais sabihin, nag-aalala ako na baka magalit din sila gaya ng nangyari sa akin kanina. "P-pupunta siya dito mamaya upang kausapin kayo..” iyon na lamang ang sinabi ko, ayokong mang-galing mismo sa' kin ang masakit na balita. Nais ko man hindi maniwala ngunit kita sa katawan ni papa ang buong katotohanan, napaka-hirap tanggapin.

”Ano ba ang lagay ng ama mo?”

"M-malubha po, n-nahimatay siya kanina ng dalawin ko ito sa prisinto..” napasapo ito sa ulo, agad ko siyang inalalayan ng maupo siya sa gilid ng kama.

”M-madalas ko siyang makausap sa telepono ngunit wala siyang sinasabi, kausap ko pa lang ito kagabi..”

Naiiyak si mama habang sinasabi iyon.

”H-hindi dapat magkakaganito si papa kung hindi lang siya nakulong!” nilingon ko si mayumi, patuloy siya sa pag-iyak habang katabi si jillian. "Kasalanan lahat ito ng mga monteclaro!”

"Mayumi!” sinuway siya ni mama, ngunit ang paningin ko'y hindi naaalis sa kanya. Alam ko'ng namumuhi siya ngayon sa mga monteclaro, ngunit hindi ko akalaing aabot ng sukdulan.

"Totoo naman ma! Napaka-sama nila, hindi na sila naawa! Lalo na 'yang jacob na yon!”

"Tama na yan!” muli ay tumayo si mama. ”Hindi gugustuhin ng iyong ama ang mga sinasabi mo..”

"P-pero ma, totoo lahat ng sinasabi ko, makakapag-pagaling si papa kung sakaling wala siya sa rehas, mas mapapadali at hindi na aabot sa ganitong sitwasyon!”

”Wala tayong dapat sisihin dito, ang nangyaring ito ay kasubukan ng tadhana, may sakit na ang ama mo noon pa..” hindi pa rin kumbinsido si mayumi, maging si jillian ay tila sumasang-ayon dahil nawawalan ito ng imik.

Iyon nga rin naman ang iniisip ko, kung hindi siya nakakulong ay mapapadali ang pagpapagaling niya. Ngunit hindi, naging marahas si jacob at ni hindi siya nakinig, hindi rin ito tumapad sa kanyang pangako, hangga salita lang ang lalakeng 'yon.

Nakakadismaya.

"Hindi ko mapapatawad ang mga monteclaro kung sakaling may mangyari kay papa..” iyon ang tumatak sa isip ko ng sabihin iyon ni jillian, napamaang ako. Hindi ko akalaing magiging mahirap ang lahat, naging mapait ang tadhana at eto ay sinusubok kami.

Nagbaba ako ng tingin, napabuntong hininga bago haplusin ang kamay ni papa. Ano ba siyang oras gigising, sana'y makapag-usap kami ng matagal, ang dami ko 'pang nais sabihin kay papa.

”Titingin lang ako ng maka-kain sa labas..” umayos ng tayo si mama bago kunin ang bag, lumingon ito sa' kin. ”Kailangan uminom ni mayumi ng gamot.."

”Ako na ang bibili, ma..” tumayo ako. "Hintayin niyo na lang ang doctor dito, baka sakaling magising na rin si papa, hahanapin niya kayo sa oras na umalis ka..” mapait na nangiti si mama, bagsak ang kanyang balikat at napaka-lungkot ng mata.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon