Court

1.7K 33 0
                                    

Chapter 13

Jacob Pov.

Ang hirap mag-limos ng halik sa babaeng baguhan, Ngayon ko lang naranasan ito, bakit nagkaka-ganito ako? Nababaliw na nga yata ako.

Nasa kwarto si shaira, tumakbo iyon ng maitulak ako, Kung tutuusin ay kanina pa siya doon, wala ba itong balak lumabas? Nagugutom na ako.

"Hey, Shaira!" kinatok ko ang pinto, naglock ang babaeng ito sa loob. Tsk,

Naglakad ako sa maliit na cabinet malapit sa pinto, Binuksan ko iyon at kinuha ang susi ng kwarto, hindi na ako kumatok muli, binuksan ko na iyon at agad pumasok.

"Ay, Palakang bondat! Bwist ka! Bakit ba binuksan mo ang pinto?!"

"Nagugutom na ako.." ani ko, nakatapis siya ng tuwalya at mukhang kakatapos lang maligo.

"May pagkain doon.." pilit nitong tinatakpan ang katawan, salubong ang kilay. "Anong tinitingin mo riyan! Manyak ka! Labas!"

"Sh*t, Bakit ba napaka-ingay mo?"

"Bigla ka na lang kasing pumasok!"

"Kwarto ko ito malamang!"

"Aba't.." nag-pipigil ito, halatang may nais 'pang sabihin.

"Tsk, Bilisan mo, Lalabas tayo.."

"Bakit hindi ka lumabas mag-isa mo!" sinamaan ko ito ng tingin.

"Sasama ka sa' kin, shaira.."

Sinara ko na ang pinto, lumabas doon at hindi na nag-abala 'pang palitan ang damit ko, Nakakaramdam talaga ako ng matinding gutom.

Ilang minuto bago muling lumabas si shaira, Nakasuot na ito ng simpleng bistida. Napatango ako, hindi naman gaanong kalaswaan kagaya ng suot niya kagabi.

"Hurry up.." tumayo ako, nakita ko ang pag-irap niya ng dumaan ako sa harapan nito, hindi ba aayos ang mukha niya?

Kailan siya ngingiti kung ako ang kaharap nito?

Bumaba na kami ng gusali, Ramdam ko ang presensya niya sa likuran habang papalapit ako sa kotse,

Huminto ako ng makalapit sa passenger, pinagbuksan siya ng pinto.

"What do you want for lunch?" tanong ko, hindi pa rin ito pumapasok sa loob.

"Kaka-kain ko lang kanina.."

"Kumain ka uli.."

"Ano? Busog na busog na ako!" halos pasigaw iyon, ang mga dumadaan papasok ay napapatingin sa gawi namin, bago pa siya magkalat ay hinawakan ko na ang tuktok ng ulo niya at sapilitang ipasok sa loob.

Napaka-ingay niya talaga, hindi siya makapag-salita ng mahinahon.

Umikot na ako patungong driver seat, nilingon ko ito ng makasakay, Aba, Naka-seat belt na ang baguhan.

"Kanino mo natutunan iyan?" tanong ko, itinuro ang bagay na iyon.

Inosente itong tumingin sa' kin. "Kay noah.." sagot niya, Ang lalakeng iyon ay gumagawa ng kilos na hindi ko alam.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon