Went back in province

1.1K 23 0
                                    

Chapter 27

Shaira Pov.

Sanay na akong magising ng maaga dati, ngunit hindi ngayon dahil gusto ko munang humilata sa kama kahit saglit.. Ngunit ang kanaisang iyon ay tila hindi na matutuloy, binubulabog na ako ng boses mula sa labas at talaga namang sisirain pa yata ang pinto sa lakas ng kanyang pagkatok.

"Ate gising ka na?!" hindi ako sumagot.

"Alas siete na ate, bangon na!"

"Ate!"

"Ateeee!"

"Bakit ba?!" sigaw ko pabalik sabay tayo sa kama, padabog akong nagtungo sa pinto at salubong ang kilay na binuksan iyon. "Bat ka ba sumisigaw?"

"Ang tagal mo kasing sumagot ate e, sabi ko naman sayo magsimba tayo kasama si mama.."

"Alas otso pa 'yon ah.." ani ko, kaarawan ni mama ngayon, muntik ko pang makalimutan kung hindi lang nabanggit ni jiji sakin kagabi. "Aalis na ba tayo?"

"Oo, mamalengke muna tayo bago tumungo sa simbahan.."

"Hindi.." umiling ako. "Mag visit muna tayo sa simbahan dahil wala naman misa ngayon, saka na ang pamamalengke.."

"Ganun ba 'yon? Hindi ko naisip.."

tumango ako. "Isasama ba si mayumi?"

"Oo.."

"Sige, maliligo lang ako.. siguraduhin mong tapos ka na pag bihis na 'ko ha, baka mauna pa ako sayo.." ngumiti siya bago tumango.

"Sure ate.."

Tinanguan ko na rin ito bago isara ang pinto, mabuti na lang talaga at nakauwi ako dahil baka tuluyan ng magtampo si mama. Kada kaarawan nito ay lagi namin iyong ipinagdiriwang, ilang araw na rin ay fiesta na dito.. Sunod-sunod ang okasyon at alam kong nakakapagod talaga iyon.

Matapos maligo ay naabutan ko si mama sa sala, bihis na rin siya habang sinusuklayan si mayumi. Ngumiti ako ng mapabaling sila sakin.

"Makapaglalakad ba siya, ma?"

"Oo, may sasakyan tayo.."

Nangunot ang noo ko. "Sino po?"

"Si austin, yung kapatid ni peter.."

"Pumayag po kayo?" tumango siya.

"Nag-prisinta siyang ihatid tayo, wala namang problema.." napabuntong hininga ako, kaya pala wala si jiji ay nasa labas na.. ang babaeng iyon.

"Happy birthday po pala, ma.." niyakap ko si mama mula sa gilid, hinaplos niya ang buhok ko habang nakatingin ako kay mayumi na nakangiti lang.

"Salamat.."

"Hindi ka na ba aalis, ate shaira?" naghiwalay kami ni mama ng magtanong si mayumi, ngumiti ako.

"Aalis ako, pero babalik din naman ako ulit.." napanguso ito. "Makapag-aaral si ate doon, pag nakapag-tapos ako bibili tayo ng bahay, iyong gusto mo.." nang sabihin ko iyon ay nag-iba ang reaksyon niya, nakangiti na ito na may mga kislap sa mata.

"Aasahan ko yan, pero salamat talaga dahil tinulungan mo sila mama.. sana makita ko ang taong tumulong sayo, baka yan na ang romeo mo ate shaira.."

Natawa ako dahil sa sinabi niya, napapangiti pa ako sa tuwing sasagi sa isip ko ang mukha ni jacob.. Iyong tipong lagi siyang may kundisyon, makulit minsan, ngunit madalas galit.. idagdag mo pa na napaka-seloso niya, kulang na lang pati aso pagselosan.

Nagawi ang tingin ko kay mama ng tumikhim ito, nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso siya.. Hindi ko alam kung bakit dumadating yung puntong nagseseryoso siya bigla pag napag-uusapan na ang lalakeng tumulong sakin, wala naman siyang nabanggit na kahit ano ukol sa mga monteclaro, pero nakakapag-taka talaga ang pagiging balisa niya kahapon, ano bang meron?

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon