Chapter 58
Shaira Pov
Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako mismo sa loob o uuwi na lang, Pero nandito na ako sa floor kung saan gaganapin ang party. May mga ilang tao na bumabati sa akin na alam ko'ng kilala na ako, ngunit hindi mawaglit sa puso ko ang kaba. Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ang ganda ng bungad sa akin ng hotel na ito, unang tapak ko pa lang ay siya na agad ang nakita ko.
And worst of all, Kasama niya pa ang 'babe' niya.
Bahagyang may kirot sa dibdib ko, idagdag mo pa na hindi niya man lang ako pinansin. Hindi niya ba ako maaaring batiin bilang kapatid man lang?
He's still mad at me.
Pinilit ko'ng maglakad ng diretso patungo ng venue, Hindi na ako pweding bumaba pa. Baka masalubong ko na naman ito o hindi kaya ay makasama sa elevator.
Naku, Ngayon pa lang iniisip ko ay nagwawala na ang puso ko. Paano pa kaya kung totoong mangyari na?
Bakit ba kasi mas lalo siyang gumandang lalake, sa totoo lang ay para na siyang artista. Well matagal na siyang may mukhang artistahin. But now, Jacob is more than matured. His masculine body is getting on my nerves. Ang tingin niya ay lalong nagbibigay awtoridad, The figure and muscle he have is killing me softly. Sh*t. Bakit ko ba nakabisado agad ang katawan niya?
Pero infairness, Dinedma niya lang ako. Para akong isang hangin na nakikita niya lamang, hindi pinansin. Walang pakialam kahit na nagkaroon kami ng relasyon noon.
Natawa ako habang naglalakad, may isang lalakeng ngumiti sa akin dahil akala niya ay nginitian ko ito. So i smiled too, lalapitan niya pa sana ako kaso nagmadali na akong lumakad.
Hindi pa rin ako maka-get over sa pagdeadma ni jacob sa akin, kaya niya akong hindi pansinin? Edi huwag kaming magpansinan, ang sama niya!
Tanaw ko ang kabuan ng venue, ang dami ng bisita ngunit agad ko rin nakita ang mesa nila jillian. Tumungo ako doon, salubong ang kilay.
”Hindi niyo man lang ako hinintay ha..” naupo ako sa tabi nila, nakasimangot. Samantalang ang dalawa ay may makikinang na matang nakatingin sa akin.
”Oh, bakit?”
”Bakit mo naman masyadong ginandahan, ate?” tumaas ang kilay ko kay jillian. ”Tingnan mo, sa'yo na tuloy nakatingin ang mga bisita..”
”Si natasha ang pumili nito..” hindi ko pinansin ang ilang matang nakatingin sa akin, sanay na ako noon pa man. Mula sa america ay hindi lang mahigit lima ang nais manligaw sa akin, sobra pa. Ngunit masyado akong focus sa pag-aaral.
”Kung ganon nasaan si ate natasha?”
”May pinuntahan lang, hahabol daw ito mamaya..” inilibot ko ang tingin, hinahanap si mama.
”Nasaan si mama?”
”Kasama ito ni tito samuel sa isang mesa, ayoko doon. Masyadong maraming topic..” tumango tango ako sa sagot ni jillian, magaganda din naman ang mga kapatid ko. Lalo silang nagmukhang dalaga sa kanilang kasuotan.
”Hindi pa ba kayo nagkita ni kuya jacob, ate?” nilingon ko si mayumi, umiling ako kahit na nakasalubong ko ito kanina. Alam ko namang magka-ayos na sila ng mga kapatid ko, siguro sa tagal ng panahong dumaan ay natutunan na nilang patawarin ang isa't-isa.
”Kung makita mo lang siya, te. Kasama nito ang partner niya sa mga magazine.” alam ko naman na kasama niya iyon, hawak niya pa nga ang bewang ng babae na dati ay sa akin niya ginagawa.
”Pero alam mo, te. Mas maganda ka naman kay katarina, masyado lang makapal ang make-up 'non. Maganda nga ang katawan pero malaki naman ang hinaharap mo kesa sa kanya..”
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomanceSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...