Oplan Iwasan

903 23 0
                                    

Chapter 40

Shaira Pov.

Gabi na ng magising ako sa hindi pamilyar na kwarto, maganda ang pagkaka-ayos ng mga gamit at napaka-linis sa loob. May veranda dito kung saan pumapasok ang hangin na nagbibigay lamig sa kwarto, umupo ako at hinawakan ang aking noo, nahihilo pa ako ngunit wala naman akong lagnat. Siguro ay sumakit lang ang ulo ko dahil sa pagkabasa kanina.

Tumayo ako at balak sanang lumabas ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nag-aalalang si noah. Ngayon ko lang naisip na nasa mansyon ako nila noah, siya nga pala ang kasama ko kanina at siya rin ang tumulong sakin para mai-alis ako sa lugar na 'yon.

"Are you okay?” hinawakan nito ang magkabila kong balikat at sapilitang i-upo sa kama, hindi ako nakasagot dahil mula sa likuran nito ay sumulpot si philip at giovanni.

”Ayos lang ba siya?”

”Dapat dinala mo muna si wanda sa ospital.”

Hindi ko alam na nag-aalala din sila sakin, natutuwa ako na kahit sa kabila ng lahat at nandito pa rin sila at hindi ako iniwan.

”Is she look fine, you dont need to worry.” nagmula ang boses na iyon sa likod ko, nagulat pa ako ng lingunin iyon dahil nakita kong nakaupo na sa kama si miguel.

Teka saan siya dumaan?

"Paano mo naman nalaman, doctor ka ba?” si philip, umirap lang si miguel at hindi sinagot ang kaibigan.

”Ayos ka lang ba, wanda? walang masakit?” si giovanni ngayon, concern talaga sila sakin.

”Wala, okay lang ako.”

”See, she is okay.” si miguel muli, hindi ko alam kung bakit sumasabat ang lalakeng 'to.

"Tinawagan kasi kami ni noah, nawalan ka daw ng malay.” nilingon ko si noah ng sabihin iyon ni philip. ”Pero mukhang maayos naman nga ang pakiramdam mo..” tumango ako ng hindi magbigay ng komento si noah, kung ganon siya ang tumawag sa tatlong ito.

”Pagpasensyahan mo muna si jacob, ganun talaga iyon pag nagagalit, pero huhupa din kalaunan at sigurado akong kakausapin ka niya.” muli akong tumango kay philip.

”But he's totally crazy this time, iniwan niya si wanda at hindi man lang hinatid sa bahay, tarantad* talaga ang lok*ng yon..” medyo nangiwi ako kay giovanni, ang lakas talaga magmura ng isang to, dinaig pa si jacob.

”You know him for being selfish, but we need to understand his situation.” hindi sila pabor sa sinabi ni miguel, pero ako ay nakuha ko ang nais niyang sabihin. Iyon ang gagawin ko, ang intindihin siya hangga sa maibsan ang galit nito sakin.

”He dont deserve patty anymore, hindi ko siya hahayaan muling lumapit sa babaeng 'to, dapat pagsisihan niya ang pag-iwan at pananakit kay shaira..” walang naging sagot ang tatlo sa sinabi ni noah, samantalang ako ay wala ng balak kumontra pa kung ano man ang gusto niya.

”Alam niyo na ang pinag-daanan ni patty noon, ibinenta siya ng kanyang tiyahin sa club upang pagkakitaan, hindi ba't sinabi iyon ni jacob sa inyo?”

”Yes, he told me about that..” si giovanni.. ”Sinabi niya na bantayan namin siya sa oras na wala siya sa tabi nito, kaya kahit hindi na sila ay gagawin ko pa rin iyon..” nginitian ako ni giovanni ngunit hindi ko magawang suklian iyon, hindi ko alam ang ginagawang ito ni jacob para sakin. Kung ganon ay sinabihan niya ang mga kaibigan na alagaan ako noon, pero kahit hiwalay na kami ay narito pa rin sila at handa akong bantayan ano mang oras.

Ang swerte naman niya at may tapat siyang mga kaibigan.

Si noah ang naghatid sakin ng gabing iyon, nagpasalamat ako sa tatlo dahil sa pag-aalala nila sakin. Gusto nilang malaman kung saan ako nakatira kaya nabanggit ko ang bagong tayong shop ni natasha malapit sa fatima. Naging magaan ang loob nila ng malamang may matitirhan ako, nag-alok pa nga sila ng tulong financial ngunit hindi ko iyon tinanggap. Nakakahiya iyon at hindi ko nais na kumuha ng tulong mula sa kanila.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon