First Encounter

3.6K 70 0
                                    

Chapter 1



[Shaira pov.]

Halos isang linggo na ang lumipas simula ng makarating ako ng manila, Nakakulong lang ako sa isang kwarto dahil ayaw nila akong palabasin hangga't hindi ko ginagawa ang gusto nila.

Nag-sinungaling si tita sa'kin, Dinala niya ako sa isang club at hindi ko na siya nakita hangga ngayon. Nasusuklam ako rito, hindi ko alam kung kaya ko pa siyang respetuhin sa oras na magkita kaming muli.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagpasok ng isang babae, Base sa kanyang kasuotan ay dito siya nagtatrabaho.

Naiiling itong lumapit "Kung ako sayo hindi ako magkululong dito at dahil sayang ka, Alam mo ba ang pwedi mong kitain?" Nakapamewang na asik niya. Hindi man lang ako nagkaroon ng interes.

"Hindi ko kailan man gagawin ang nais mo." ani ko sa kanya at tumalikod sa kinahihigaan ko.

"Ganyan din ako nung una, iniwan din ako ng nanay ko dito upang pagkakitaan, Pero sa kadahilanang walang magawa ay sinunod ko rin ang gusto nila." Narinig ko ang paghila niya sa upuan malapit sa pwesto ko, nanatili akong nakatalikod at ni hindi ito binalingan.

"Shaira ang pangalan mo hindi ba? Iniwan ka na ng tiyahin mo dito at pinagbili ka na. kaya kung ako sayo mag-iipon ako ng pera."

Nakakalungkot mang isipin ay pera lamang ang katapat ng aking mismong kamag-anak, Pero kung tutuusin ay wala naman dugong nananalaytay sa'min, Kung baga ay naging tiya ko lang ito ng dahil sa aking ama.

Ang step father ko.

"Tutulungan kitang makatakas dito pag nakapag-ipon ka na, ako ang bahala sayo." mabilis akong humarap dito dahil sa sinabi niya.

"Paano naman ako makakasigurado na mapag-kakatiwalaan ka?" tanong ko, may kasamang pagdududa.

"Tch, Kung sa palagay mo ay libre ang pagtulong ko sayo na makataas ka ay sinasabi ko sayong may kapalit iyon, Kaya dapat simulan mo ng mag-ipon at babayaran mo ako sa pagtulong sayo." Tumayo siya at may kinuha sa cabinet na isang damit.

Hawak ang isang pulang bistida ay nakangisi itong humarap sa'kin.

"Kung ganon sinasabi mo na sumayaw muna ako dito para makapag ipon?" tumayo ako at humarap dito.

"Oo, wala naman mawawala sayo kung sasayaw ka. Meron din naman mask diyan kung nais mong itago ang iyong pagkatao." Idinikit niya sa katawan ko ang nilabas niyang damit at tiningnan ako mula ulo hangga paa.

"Bagay sayo ang pula dahil maputi ka, sumama ka sakin, bibihisan at aayusin kita. "

Nagbaba ako ng tingin, Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang magtrabaho dito. Kahit salat kami sa pera ay malinis ang pagkatao ko, Pero sa pagkakataong ito ay parang hahamunin ako ng matinding pagsubok.

Nais ko man takasan ang lugar na ito ngunit hindi ko magawa, Sa sobrang dami ng bantay at halos may armas silang nakatago sa kani-kanilang kasuotan. Ayokong mapahamak ako, dahil paniguradong mag-aalala ang aking ina. At iyon ang ayaw 'kong mangyari.

Sumunod ako rito ng lumabas siya, Hangga sa makapasok ito sa kabilang silid na halos mga kolorete sa mukha ang tatambad sa 'iyo, Kita ko ang repleksyon ko sa malaking salamin at halos kawaan ko ito dahil sa matinding dulot ng kalungkutan at pangamba.

"Magbihis ka na kung nais mong sumayaw, Ano mang oras ay mag-hahanap na ng babae ang mga costumer.."

Napapalunok akong nag-iwas ng tingin ngunit ng mapansin niya ako ay muli siyang lumapit sa' kin.

"Just try, walang mawawala. Gaya ng sabi ko tutulungan kita, dont worry.."

"Hindi ako sanay sa ganitong trabaho.."

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon