Matampuhin

968 23 1
                                    

Chapter 29

Shaira Pov.

Tirik na ang araw ng magising ako, walang gumising sakin at tumawag ng pangalan ko. Presko akong bumangon dahil buo ang tulog ko at parang sulit dahil nakatulog ako ng maayos.

Sinipat ko ang orasan na nakasabit at nakitang alas diyes 'y media na, mabuti naman at hindi nila ako ginising?

Tumayo ako at kinuha ang towel sa gilid, hindi ko na tiningnan ang sarili sa salamin ng lumabas ako sa kwarto. Ngunit nagtaka ako ng makitang malinis ang sala at kusina, walang tao?

Nasaan ang hari?

Napanguso ako ng maalala ang sinabi kagabi, wala man lang siyang sinabi dahil parang nagulat ito. Nakatingin lang siya sakin at parang hindi makapag-salita, ano bang nakakagulat na may gusto din ako sa kanya? abn*rmal talaga. Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na lang siyang gulat pa rin, ewan ko lang kung nakatulog siya ng maayos dahil hindi ko na siya muling tiningnan pa.

Tumungo ako sa lababo dala ang towel at doon kinuha ang sipilyo, saan naman kaya si mama ngayon?

Habang nagsisipilyo ay nakasampa ang isang kamay ko sa tagiliran, nakatingin ako sa likod kung saan naroon ang pinto patungong likuran. Ngunit natigilan ako sa ginagawa ng makita kung sino ang pumasok doon.

Si kamahalan.

May dala siyang dalawang timba at buhat buhat iyon papasok, pawisan at walang suot na damit pang-itaas. Hindi ko magawang lumunok dahil sa sipilyong nasa bibig ko, ang tanging nagawa ko lang ay titigan siya hangga sa ilapag nito ang dala sa harapan ko.

"Goodafternoon.." ngising bati niya, nang-aasar ang tono sa kadahilanang hindi ko alam. "You hair is kind of messy.." ngumisi uli siya bago kunin ang dalang baldeng tubig at dalhin iyon sa banyo, langhap ko pa ang pabango niya na hindi ko alam kung saan nakakapit.

Bakit ang bango niya kahit pinagpapawisan?

Mabango ba ang pawis na lumalabas sa kanya?

Napailing ako at tinapos ang ginagawa, naghilamos na rin at inayos ang buhok kong magulo. Ngunit muli rin natigilan ng makitang nakatayo ang hari habang nakasandal sa pinto, magka-krus ang kamay niya sa dibdib at nanatiling walang damit.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Nasa boracay ka ba para mag shirtless?" tumuwid ito ng tayo bago magsalita.

"Its too hot here, i need to remove my shirt for some fresh air.."

"Kung ganon uuwi ka na?"

"No.." aniya, masungit. "May sinabi ba ako? Ang sabi ko mainit.." lumapit siya sakin at mariing sinipat ang mukha ko, muli ko siyang pinag-taasan ng kilay.

"Do you want me to leave?" tanong nito, dalawang beses akong kumurap at hindi alam kung anong isasagot.

Gusto mo nga ba siyang umuwi shaira?

"Well, silent means yes.. dont worry i'll go before lunch.." wala akong nagawa kundi tingnan ang pagtalikod niya, gusto ko siyang sundan at sabihing manatili na lang. Ngunit hindi ko alam kung paano aluhin ang hari, siguradong masama ang loob niya.

tskk.

Dumating si mama mula sa pamilihan, kasama nito si mayumi dahil may followup check up siya sa kanyang doctor. Si jillian naman ay nasa school dahil may klase pa, si jacob naman ay nasa kwarto at hindi lumalabas. Siguro naghahanda sa kanyang pag-alis, ang bilis talagang magtampo ng surot.

"Si jacob lahat ng nag-igib?" tanong ni mama, tumango ako. Puno lahat ang balde maging ang dalawang drum ay ang daming tubig. Siguro nga maaga siyang nagising kanina.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon