Next CEO

876 18 0
                                    

Chapter 59

Shaira Pov

Mga huni ng ibon ang naririnig ko sa aking paligid,  malamig na hangin ang yumayakap sa akin habang nakahiga sa malambot na kama.

Iminulat ko ang aking mata, ang unang bumungad sa akin ay ang bukas na veranda ng kwarto. Humahangin doon dahilan upang tangayin ang puting kurtina. Napaka-sarap ng preskong hangin, ang malambot na kumot ay siyang yakap ko. Ang bango, amoy ni jacob ang nalalanghap ko dito dahilan upang mailayo ko ang kumot na iyon.

Mabilis akong naupo at agad inilibot ang mata sa paligid.

Hindi ito ang kwarto ko!

Nasa kwarto ako ni surot, anong ginagawa ko dito?

Hinawakan ko ang aking ulo, wala akong matandaan kundi ang huling pagsakay niya ng sapilitan sa akin kagabi sa kanyang kotse. Iyon lang, hindi kaya nakatulog ako habang nasa biyahe?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa gilid, nilingon ko iyon at doon nakita si jacob na lumabas mula sa banyo.

Namilog ang aking mata, madali akong nag-iwas ng tingin sa pagbaling ng kanyang tingin sa akin.

”Bakit ako nandito?” iwas ang aking paningin habang nagtatanong, hindi ako makatingin sa kanya dahil wala siyang suot pang-itaas. Idagdag mo pa na bukod tanging tuwalya lang ang nababalot sa parteng ilalim niya.

”Dito ka natulog..” nakita ko ang paglakad niya sa gilid ng aking mata, hindi ako mapakali dahil lamang sa ayos niya.

”Alam ko, bakit hindi mo ako inihatid sa bahay?”

”Ayoko ng mag-aksaya pa ng oras para lamang pumunta ako doon..” nilingon ko siya, hindi makapaniwala sa kanyang tinuran. Ngunit halos sigawan ko siya ng makitang wala na ang tuwalyang suot niya kanina.

”Bakit ba nakahubad ka!” hindi niya ako sinagot, lumakad pa siya sa veranda upang isara lamang iyon. Aba't ang surot na 'to!

”Magbihis ka na hinihintay ka ni tito sa ibaba..” iyon lamang ang sinabi niya, bago siya maglakad muli ay inihagis niya ang tuwalyang suot nito kanina sa akin.

Muli ay sinigawan ko siya.

”Abn*rmal ka!”

”Your still have a dirty talk..” may suot na siyang boxer ngayon, nakahanda na rin sa tabi ang susuotin niyang damit maging ang pantalon.

Umirap ako.

”Pwedi mo naman akong dalhin sa kwarto ko, bakit dito pa?”

”Can you just forget that..” umismid siya sa akin, natawa ako habang pinapanuod siyang matapos magbihis, sa huli ay umupo ito sa kama habang isinusuot ang itim niyang sapatos.

”Get up, tito samuel is waiting..”

Ako ngayon ang umirap, tumayo ako at lumisan sa kama. Doon ko lang nakita na suot ko pa rin ang dress ko kagabi, ang init tuloy. Maalinsangan at ang lagkit ng aking balat.

Tumayo rin siya, tapos na itong magbihis at hindi man lang inabalang ayusin ang kanyang buhok.

Gayun pa man ay hindi iyon dahilan upang mabawasan ang kagwapuhan niya.

”Tito samuel is sick, you need to go and attend to our meeting to face the board..” napamaang ako sa kanyang sinabi.

”Saan ka ba pupunta, 'Bat hindi na lang ikaw?”

”Susunduin ko si katarina bago ako tumungo ng MEC, may shoot kami..” hindi ako nakasagot sa sinabi niya, susunduin niya ang kanyang girlfriend habang nandito ako? Ano nga ba ang aasahan ko, hindi na kami, alangan naman mag-stay pa siya dito.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon