First Kiss

2.9K 57 0
                                    

Chapter 2

Jacob Monteclaro Pov.

Salubong ang kilay ko habang nagmamaneho patungo kung saan, Ayaw ko munang umuwi ng bahay dahil nagtalo na naman kami ni daddy ng dahil sa panibagong babae na kasama niya.

Kailan kaya siya titigil sa pagdadala ng babae sa bahay, hindi na siya nadala sa mga nakaraan niyang karelasyon.

Padabog 'kong kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan ko, Nakailang ring lang iyon ng sumagot siya.

"Why did you call, you miss me hm?"  Its giovanni, one of my friend.

"Shut up! Where are you?" I hissed. Patuloy ako sa pagmamaneho habang binabaybay ang madilim na kalsada.

"Im with philip, pupuntahan namin si miguel.."

"Okay, Let's have fun tonight im stressful." I heard him cuckled.

"Sure, You know the famous club in makati right? kung saan tayo gumimik last night ".

"Yeah ofcourse, Im on my way there."  binaba ko na ang linya at nagtungo sa tinutukoy niyang club.

Nang makarating doon ay halos marami ng tao, puno na ng kakababaihan na siyang kinatuwa ko. Gumawi ang paningin ko sa entablo, Meron na rin sumasayaw doon.

Naupo ako sa dulo kung saan ang dati naming pwesto, hinugot ko ang aking cellphone upang magtipa ng mensahe kay giovanni na narito na ako. Mas mabuti pang uminom kesa umuwi ng bahay kasama ang panibagong babae ni tito, Hes not my bioligical father. Mahabang kwento kung bakit.

Um-order ako ng beer habang hinihintay sila, masyado ng malalim ang gabi at halos ng tao rito ay nag-aaliw na, Kanya kanya ng tawanan at hagikgikan habang may katable na babae.

Nagbukas ako ng beer sabay lagok dito, nakalahati ko iyon bago ako mag-angat ng tingin sa entablo.

Naagaw ng isang nakamaskarang babae ang atensyon ko, Nakasuot ito ng damit na halos humapit sa hubong ng kanyang katawan, Ngunit ang ikinapagtataka ko ay kung bakit nakamaskara ito. At mukhang naiilang sa tinginan ng tao base sa kanyang pagtayo.

"Witwiiwww.." biglaang sipol ng mga kalalakihan sa bandang gilid.

Sayaw na!!"

"Give me your hot dance number sexylady" Sigaw ng lalakeng nasa harapan.

"Sasayaw na yan! Sasayaw na yan!"

"Go Shaira!!"

Tsk

"Bagong salta” i whispered while scanning her whole body, nilingon nito ang isang babae sa likod na mukhang kinukumbinsing sumayaw na.

Nailing ako, Baguhan nga ang isang 'to.

Ngunit ng mag-umpisa itong sumayaw ay halos mapalagok muli ako sa' aking iniinom, makinis ang kanyang hita na siyang nagbibigay alindog sa kalalakehan na sumisigaw. Nakamaskara naman ito ngunit kita ko ang kanyang mga mata at labi. Napalunok ako, Nais 'kong masilayan ang kanyang mukha.

Nagpatuloy ito sa pagsasayaw at halos hindi ako mapalagay sa aking kinauupuan, Gusto ko itong bilhin.

Nang muli ay umingay ang tugtugin ay siyang pagtama ng mata niya sa'kin. Para akong sinilaban dahil sa nangyaring iyon. Kita ko ang kanyang mata na sobrang ganda kung titingnan. Maliliit na labi na halos perpekto sa kulay pulang lipstick na gamit niya.

Napangiti ako sa isip, Naagaw ko rin ang atensyon niya. Napaka-ganda nito panigurado, Ngiting ngiti ako sa isip dahil sa matagal niyang pagtitig sa'kin. Hangga sa mas lalong dumami ang tumatawag rito. Ngunit ang paningin niya ay nasa akin parin.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon