Sweetness

1K 18 0
                                    

Chapter 36

Shaira Pov.

Maingay ang cafeteria ng makapasok kami, halos ang mga studyante ay kapwa abala sa pagbili ng kanilang pagkain. May mga ilang bumabati kay selena na naging friends niya daw noon kuno, pero ngayon hindi na.

May mga taglay na kakayahan daw ang mga friends niya dati, kung hindi daw straw ay plastick.

”Madalas bang sumabay si miguel sa inyo?” tinatanawan ko ang dulong mesa ng magtanong si selena, umiling ako.

”Madalang lang sa patak ng ulan, sabi kasi ni jacob busy iyong tao at may sariling mundo..” nakita ko sila jacob na naroon sa pwesto, halatang mainit ang ulo niya at parang hindi pa mapakali, ano na namang nangyari dito?

"Kung ganon hindi ko siya makakasabay?" hindi ko na pinansin si selena ng makalapit kami sa lamesa, kunot ang noo ni jacob ng mapatingin samin na ngayon ay kay selena nakadapo ang masama niyang tingin.

”What the h*ll are you with her?!” kung hindi lang talaga ako sanay sa lalakeng 'to ay nosebleed na naman, pag galit talaga eto ang eksena niya e

”Who told you to be with her?!” ako pala ang kausap niya, ang sama talaga ng hari.

”Ako, niyaya ko siyang sumama.” syempre hindi naman totoo, pero kung sasabihin ko kasi ang totoo ay siguradong magdududa lang silang ginagamit ako ni selena para makalapit sa grupo nila.

”Are you even know this girl?”

”Oo, classmate ko siya..” minasahe niya ang kanyang noo na tila na-engotan sa sagot ko, mali ba?

"She's samantha sister, shaira..” wow shaira na lang, walang baby? Galit agad.

”Alam ko..” umirap ako at hinila ang kamay ni selena para makaupo na, ngunit eto at tila takot kay jacob. ”Wag muna lang siyang pansinin, alam mo, para kasi yang may regla everyday..”

”Im warning you shaira, she's not good on you..” kay selena ito nakatingin, maamo naman ang mukha ni selena at mukhang hindi naman gagawa ng gulo e.

”If your worried to her, I asure you to be calm, wala akong gagawin sa girlfriend mo..” sumagot si selena, alam niyang girlfriend ako ni jacob, wow lang ha, ganun ang chismis dito, parang hangin na dumadapo sa lahat.

"I think she's not like samantha..” ngayon ko lang napansin si giovanni, wala si philip at miguel, siya lang.

”How come you say that?!”

”Look at her..” turo nito kay selena, "She's hot and cute, while samantha is hot witch..” ano daw, wala akong naintindihan sa lalakeng 'to.

”Tsk, lahat na lang sayo cute..” naupo si jacob sa tabi ko, masama pa rin ang tingin.

”Yeah, hot girls is drooling on me..” mahangin si giovanni ng sabihin iyon.

”F*ckyou!” si jacob ngayon na nagmura at parang wala man lang sa kaibigan, ganito ba sila magmahalan?

”Ohgod, they're f*cking me two times..”

”Shutup, martinez your mouth..” natatawa na lang si giovanni bago muling bigyan pansin si selena, sa mga magka-kaibigan ay siya rin ang maba-babae, maging si philip din ngunit hindi naman lantaran at wild, pero ito, masyadong magaling sa chicks.

Si jacob kaya ganito rin noon ng hindi pa kami magka-kilala?

”What are you thinking?”

”Babaero ka ba dati?” nalingon si giovanni sa tanong ko kay jacob, alam ko naman ang totoo, nasabi na sakin ni natasha na madalas sila sa club at laging may kasamang babae, iniisip ko nga kung anong nangyayari pagkatapos nilang uminom, parang ang sakit sa brain.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon