Move on

953 17 0
                                    

Chapter 60

Shaira Pov.

Dahil alas onse pa mag-uumpisa ang meeting ay nagpahatid muna ako sa bahay upang tingnan doon si mama, atsaka. Kinakabahan rin naman ako, ito ang unang beses na haharap ako sa board meeting. Parang hindi ko kaya, natatakot ako na baka magkamali ako ng desisyon, O baka naman may itanong sila sa akin na hindi ko mabigyan ng sagot.

Siguro ay hayaan ko na lang si jacob muna?

Next time na lang?

Napapikit ako, hindi na pumasok si noah sa loob dahil nagmamadali na naman siyang umalis. Nagtataka nga ako sa kanya dahil may biglaang lakad na naman ito, hindi na ako nakapagtanong dahil sa pagmamadali niya.

May sikreto iyon ngunit hindi niya nais malaman ko.

Sa pagpasok ko sa sala ay naabutan ko si jillian, nakapantulog pa ito habang naka-upo sa sala. Nagcecellphone ngunit ng makita ako ay tumayo siya.

”Ate!” sinalubong niya ako. ”Sa mansyon ka ba natulog?” tumango ako.

”Nandito pa ba si mama?” tanong ko, umiling siya.

”Wala na, maaga siyang umalis. Kasabay niya si mayumi.”

”Binuksan niya pa ang botique?”

"Oo te, alam mo naman yon, gustong gusto sa trabaho.” tumango ako, inihagis ko ang pouch sa sofa bago maupo doon.

Tinatamad akong tumungo ng MEC.

”Nga pala te, nakita ko kayo ni kuya jacob kagabi, saan kayo pumunta?” iniwas ko ang tingin kay jillian, nakita niya kami kagabi? Saan?

”Nag-usap lang kami.”

”Talaga? Maayos na ba kayo?”

”Maayos naman kami, jiji.”

”Oo nga, I mean. Hindi ba may nakaraan kayo, napag-usapan niyo ba ang tungkol doon?”

”Bakit pa ba namin pag-uusapan iyon?” tumaas ang kilay ko sa aking kapatid. ”Hindi na dapat binubuksan ang nakaraan.”

”Ngunit, hindi naman kayo totoong magkapatid di 'ba?” bumuntong hininga ako kay jillian, hindi sumagot ngunit nag-iwas na lamang ng tingin. ”Naghihinayang lang naman ako sa relasyon niyo noon, ang dami niyong pinagdaan ngunit naging matatag ang pagmamahal niya sa'yo.”

”Iba na ang sitwasyon ngayon, jillian.”

”Pero ang pagmamahalan niyo sa isa't isa ay naroon pa rin, walang nagbabago..l” nilingon ko siya, nakataas ang kilay.

”Ikaw, jillian. Umamin ka nga sa akin, may nobyo ka na ba?!”

”Hala si ate!” tumayo siya, ilag na ilag ang tingin. ”Nagpapayo lang ako dito, wala akong boyfriend. Pero manliligaw madami!”

”Kung ganon, nagpapaligaw ka ng hindi namin nalalaman?!”

”Hindi sa ganon.”

”Aba't sino ang lalakeng iyan.”

”Si, ate. Nilihis yung usapan, dinala sa akin!” tumawa siya, ngunit sinamaan ko lamang muli siya ng tingin.

”Disi nuebe pa lang ako te, sa oras na tumapak ako ng bente mag-aasawa na ako!”

”Jiliian!”

”Charot lang.” tumawa siya, tumakbo na ito paakyat ng hagdan upang takasan ang masama ko'ng tingin, abat' ang batang 'yon!

Ang dami na yatang nalalaman sa pag-ibig?

Bumuntong hininga ako at sumandal sa sofa, ito ang pinagawa ko'ng bahay. Ang pangarap ni papa na nagawa naming tuparin.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon