BAMs POV:
Tapos na kaming kumain. Hay thank God natapos na rin ang nightmare na ito. Nag ligpit na ako. Oo ako! Hobby na nila toh eh. Iwanan mga pinag kainan nila at si tita Mauie ang pag liligpitin o kaya yung mga yaya. Hoy! Kahit na mga yaya toh dapat naman ding tulungan noh.
Ngayon kwento ko sainyo buhay naming dang gulo! Bata palang ako napaka saya ng buhay namin ni kuya we we're one happy family. Yung sinasabi kong TITA MAUIE? Siya ang mama ko. Tita nalang tawag ko kasi nawalan na ako ng respeto sakanya.
Eto na, nung nag 10 years old na ako iniwan kami ni papa. Syempre ako may isip na nun kaya iyak ako ng iyak. Super close kasi kami ni papa hindi mo kami mapag hihiwalay tulad namin ni kuya ngayon.
Tapos yun when he left us eto si mama sinama kami sa iba't ibang malalaking bahay. Una naming pinuntahan e yung bahay nila kuya JC dun ko unang nakilala si kuya JC kasi biglaan kaming isinama ni tita mauie doon. Nalinawan kami ni kuya na may ibang lalaki si tita mauie. Nung una naintindihan ko si tita mauie. Until sa nag away sila nung bago niyang asawa pinalayas kami.
Tapos after how many weeks lang may pinuntahan nanaman kaming malaking bahay. At eto naman ang bahay nila kuya JJ. Jusko! Eto nanaman kami ni kuya gulat na gulat at may lalaki nanaman si tita mauie. Nakakasira kamo ng kinabukasan toh dalawa na agad nakalantari diba? Ayan nanaman nag away tapos pinalayas kami.
Pangatlo naman ayun sanay na kami ni kuya this time na-meet naman namin si kuya JR. Grabe ayan nanaman si tita maiue nakita naming nakikipag landian. At nung time na pangatlo na niya yun dun na talaga ako nawalan ng respeto sa nanay ko. Tapos away, layas.
Tapos dumating na eto na dalaga na ako. Nag kakaron na ako. My bago nanamang nilalandi si tita mauie. At eto ang tatay ni kuya JM. Iw. Kaya eto kaming lahat nasa iisang bahay.
Nag tataka siguro kayo bakit ko sila naging step brother's? Kasi isa isang iniluwal ni tita mauie yang mga yan! Oo ISA ISA. Nakakasira ng kinabukasan diba? Psh. Hindi niyo naman ata ako masisisi kung ganto ugali ko towards sa nanay kong malandotchie.
Tapos nag tataka siguro kayo bakit puro JOHN ang pangalan nila? Kasi John ang pangalan ng papa KO. Oh diba? Kaya nga pangalan ni kuya e JOHN JR. Eh. Hayzzz nakaka umay talaga.
Now,ang gulo ng buhay ko diba? Tss. Nakakairita nga eh. Bakit kaya pati ako nasali pa? Ang ganda na ng buhay namin dati sinira lang ng iisang taong minahal na nirespeto ko at yun ay ang nanay ko.
Ang common sa step brother's ko? Mayayaman sila at may mga lahi.
First of, si kuya JC ang father niya ang may ari ng airport sa pinas at ng mga sikat na magazines. Tulad ng mga vogue,meg,chalk etc.
Si kuya JJ naman ang father niya may half na pag mamay-ari sa isang sikat na T.V station also sila ang may ari ng mga nag lalakihang hotels.
Si kuya JR naman ang father niya ang may ari ng mga nag lalakihang bars dito sa bansa. At meron ding pag mamay ari ang papa niya ng isang malakas na trading business.
Si kuya JM naman ang father niya ang pinaka mataas. Kung father ng 3 mataas, sa papa niya pinaka mataas kasi bukod sa may business sila dito sa pinas meron din sila sa Korea, sobrang dami nilang business dun parang ang bawat income nila almost everyday nakaka milyon! Isipin niyo nga yun? Halos araw araw meron silang income na milyones? Grabe diba?
Kami ni kuya? Wala kaming pag mamay ari. Kasi ang papa namin hindi naman super yaman. Ang puhunan lang namin ni kuya ay pag mamahalan.
Sa totoo lang feeling ko hindi mahuhulog tong negosyo namin ni kuya na nag mamahalan kasi matatag toh. Walang nakakatibag! ;)
Nge! Ang corny ko! Hahaha.
Pero bakit? Wala naman talagang kayang tumibag sa pag mamahalan namin ni kuya eh! Hehe.
Malapit na pasukan. Waaah! Isang kembot nalang pasukan na ulit. Andyan nanaman yung party sa bahay. Hahay!!!! >_<
Oo nag kaka-party dito. Pano pasimuno ng mga demonyito kong step brother's yun! Huhu. Tapos hanggang 1 a.m. ng madaling araw pa! Good luck naman ang tulog namin ni kuya.
Ugh. Basta kahit yan sila kuya JC tahimik may mga ugali rin. Buti na lang nga tahimik sila.
Siguro nag tataka din kayo sino gumawa ng short name's nila? Actually pag nasa school sila mahabang pangalan talaga tinatawag sakanila. E sa kinahaba haba ba naman eh ako na ang gumawa ng short name's nila. Yan tulad ng JJ,JC etc. nakigaya lang yung iba. Haha.
At ang tawag ko kay kuya ay hindi kuya John kasi minsan sabay sila kung lumingon kaya may kanya kanya kaming CS (Call Sign) sa isa't isa CS ko kay kuya ay kuya Johnny. Yup. Johnny wala kasi ako maisip nung time na yun eh. Sorry. Si kuya ang CS sakin BAMMY. Hahaha ang cute diba? Para kaming mga timang wahaha.
Pero masaya kami......
Kahit kaming dalawa lang.....
----------------------------------------------------
A/N
Hey guys! So lagi akong mag iiwan ng message sa last part. Haha wala lang para naman hindi puro story! Haha! Anyway,basahin niyo din yung 1st story ko yung 'Her Smile'.
Guys! Please support ah? Thanks!!! :))
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.