Chapter 25: The Genius

5K 173 0
                                    

JC's POV:

Kanya kanyang trip at gala ngayon dahil friday eh. Wala naman akong masyadong ginagawa. I'm here at my usual spot which they call 'The Sky Park' yung park kasi na toh merong small building parang mall pero pag lumabas ka at tumitig sa langit gagaan loob mo.

Hay. Grabe ang nangyayari sa buhay ko/namin ngayon. Isipin niyo naman na lahat kami step children except for JM at tumitira lang sa iisang bahay. Masyado kasing mapilit ang tatay ni JM eh. Parehas sila ng ugali ng anak niya,psh.

Ewan ko ba. Dahil din sa nanay nila BAMs nasira ang buhay namin. Tsk. Ang komplikado masyado.

Huminga lang ako ng malalim at pinikit ko mga mata ko.

"Excuse me po. May nakaupo po ba sa tabi niyo?" napadilat ako ng may narinig akong babaeng nag tanong.

Tumingin ako sa likuran ko. Oo nga babae nga. "Uh. Wala,bakit?" Tanong ko.

"P-pwede po bang maki upo saglit? Kasi pagod na pagod po ako sa pag takbo eh. At tsaka wala na din pong spaces dito sa park." Sagot niya. Ang hinhin niya at cute siya.

Tumingin ako sa paligid. Oo nga,wala na ngang space. "Hmm... sige,upo ka na." Sagot ko.

Pag kaupo niya nag buntong hininga lang siya. "Wait? Diba ikaw po si Mr. John Christian? Si Stederman po diba?" Tanong niyang naka ngiti.

"Ah. Oo,ako nga. Pano mo ko nakilala?" Tanong ko.

"Omg! Kayo po pala talaga! Akala ko namamalik mata lang po ako! Hehe. E kasi yung kapatid ko po nakikita kayo lagi parehas po kasi kayo ng university. Idol po niya kayo eh." Sagot niyang naka ngiti parin.

"Ah. Talaga? Babae ba kapatid mo?"

"Hindi po. Lalaki po siya. Gusto niya nga daw po maging katulad niyo kasi sobrang talino niyo daw po."

"Well that's flattering. Pero tell him I'm not worth the person to be Idolized. I'm just a normal person."

"Alam niyo po yan din po ang nagustuhan sainyo ng kapatid ko. Alam niyo po sino at anong klase kayong tao!"

"Hahaha. Salamat. By the way? Anong year mo na ba at nangongo-po ka pa sakin?"

"2nd year college po. Pero sa ibang university po ako eh."

"Tss. Parehas lang pala tayo ng year eh. No need to say 'po' or 'opo'. Parang natanda na ako eh. Haha. Let me introduce myself." I reached out a hand "Call me JC. Para naman hindi ma-effort." Kinuha niya kamay ko at nag shake hands kami.

"Nice to meet you JC. Ako si Mariel. Mariel Dignidad." Sagot niyang naka ngiti.

"Nice to meet you too." Sagot kong nakangiti. "Ay, tanong ko lang bakit ka pala tumakbo?" Tanong ko.

Binaba niya lang ulo niya. Mukhang personal ata.

"Hehe. Sorry kaso personal eh. About kasi sa kapatid ko yun. Hay. Yung kapatid ko nag e-effort talaga mag-aral kasi-kasi may sakit siya." Sagot niyang malumay.

Tumayo siya bigla. "JC. Salamat sa oras! Mabait ka pala. Akala ko kasi masungit ka. Salamat ulit! Kailangan ko ng umuwi! Bye!" Pag katapos niyang sabihin yun tumakbo nanaman siya.

Ang cute niya. Psh. Ngayon ko lang ulit nasabi sa babae yun ah? Makauwi na nga gabi na rin eh.

~

Andito kaming lahat sa kwarto ni JR. Tsk. Nakipag bugbugan nanaman tong lalaking toh. Hay nako. pero nakakapag taka si JR pa ang nag kapasa sa mukha? Ano kaya nangyari talaga?

Pero ang nakakainis, etong JM na toh kung ano-ano ang pinag sasasabi saamin.

"Bakit hindi ba totoo?! Lahat naman kayo walang hiya diba?!" Sigaw ni JM A.K.A. Kups.

Nainis na ako sa salitang niyang ganun. Kailangan talaga lahat kami? Kayabangang taglay eh!

Hindi ko pinatapos si BAMs kasi nag babangayan na ulit silang dalawa. "Alam mo JM, pwede mag ingat ingat ka sa mga salita mo? Wag kang ugaling squatter!" Sigaw ko. Naiinis na ako eh.

"Kapal ng mukha mo! Ikaw nga may ugali kang hindi nakakatuwa eh!" Sigaw niya pabalik.

Nilapitan niya ako. Gusto atang makipag suntukan? Ako steady lang isang galaw lang ng kamay niya,ewan ko nalang kung ano magagawa ko sakanya.

Tumigil nalang kami ng sigawan kami ni BAMs na tumigil na. Sinabihan niya din si JM. Tss. Parang pusong bato tong mayabang na toh eh. Badtrip.

Last mo na yan......

Hindi ko na palalagpasin ang sunod na laban.....

--------------------------------------------------------
A/N

Omg! I was just refreshing my wattpad tapos 1.12k reads!! Grbe! Thank you guys for the full support!!! Love lots! I updated as fast as I can. A little celebration and reward for my reads!
Happy 1.12k guys!! Go,go,go! Hahaha.

Don't forget to Vote,Comment and Share,arayt?

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon