Chapter 50: We Are Family,Right?

4.5K 125 8
                                    

JC's POV:

One month na kaming nandito sa hospital. Si BAMs,iyak pa rin ng iyak lalo na pag nakikita niya kuya niya. Hindi ko naman siya masisisi,kahit ako naaawa na ako kay John.

Pero 1 month na ring hindi nanaman nag papansinan si BAMs at JM. Hay nako,talaga.

Oh and si mama't papa andito na. Ok na silang dalawa. Nagka intindihan na silang dalawa.

Kausapin ko kaya si BAMs? Sige,pilitin ko siyang mag pahinga muna. 1 month na siyang nakatutok lagi eh. Kawawa naman na siya.

Andito kasi ako sa terrace floor ng hospital. 6:30 a.m. palang kaya hindi naman sobrang init.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang room ni John. Nilagay na siya sa private room dahil mag uusap pa ang mga doktor paanong maaayos si John. Nakuha na kasi yung bala ang problema nga lang,muntik ng mamatay si John bukod dun,na-comatose siya pero still God is good dahil buhay pa naman siya. Comatose nga lang ng matagal tagal.

Nang bumukas ang elevator ilang lakad ko lang,natanaw ko na si BAMs. Nandun siya naka upo sa labas at pinag mamasdan ang pintuan ng private room ng kuya niya. Umaasa.nag hihintay.

Umupo ako sa tabi niya. Tumutulo pa rin mga luha sa mata niya. Tinitigan ko lang siya.

Ilang minuto nag salita na ako. "BAMs. Haggang ngayon,naiyak ka pa rin. Alam mo,kung nakikita ka lang ng kuya mo baka galit na yun sa'yo"

Tahimik pa rin siya pero maya maya nag salita na rin siya "Kaya nga eh." Tapos pinahid niya mga luha niya at nag pa-tuloy sa pag sasalita "Ang hirap naman kasi. Nakakainis."

Alam kong nagagalit siyang muli kay JM but we can't just judge JM. Hindi namin alam ang storya. Napag isipan kong mag usap nalang sa kung saang may malapit na coffee shop. Sana nga lang sumama na si BAMs. Makulit kasi eh.

"BAMs,can we have a kaffeeklatsch? It's more better to talk there. More privacy." Sabi ko.

"Nag mamala-dictionary ka nanaman dyan kuya JC eh. Ano ba yang word na yan?" Sagot niya.

Medyo natawa ako sa sinabi niya.

"Basta. Sumama ka nalang." Sabi ko.

Tumayo ako at binigay ang kamay ko. Tinitigan lang toh ni BAMs pero ilang saglit kinuha niya rin ito. Kinaladkad ko siya papunta sa labas ng hospital.

~

Ilang minutong lakad lang ginawa namin. Sayang walang starbucks dito pero sa Bo's coffee nalang kami pumunta.

Umorder lang ako ng coffee tsaka na rin ng pastry para naman makakain ng ayos si BAMs.

"Salamat kuya JC." Sabi ni BAMs.

Nginitian ko lang siya.

"Uh. BAMs. Wag kang magalit ah? Pero hindi ba maling magalit ka uli kay JM? I mean,we don't know the truth behind it all. Kaya isn't it wrong?" Sabi ko.

"I know that. Pero ewan. There's a side of me that's really building this anger." Sagot niya. Pagkatapos niyang sabihin yun nag buntong hininga siya at nag salitang muli "Siguro kaya ako galit ng ganto dahil kay kuya JM. Kasi parang sa dinadami ng tao. Kuya ko pa."

"BAMs. I think you and JM should talk."

"Makikipag usap naman ako--"

"Tete-a-tete." sabi ko. Hindi ko na siya pinatapos dahil tatawagan pa niya? Dapat harap harapan na.

"Kuya JC,alam ko namang matalino ako! Pero yang mga malalalim mong english wag mo munang sabihin,pwede? Ire-research ko nanaman yan eh."

"Tss. Mag advance reading ka kasi ng books!" sabi ko. Tapos nag deretso ako sa pag sasalita "Basta BAMs. Mag usap kayo ng harapan ni JM. Ok? I don't know pero baka si JM na ang lumapit para makipag usap sayo. So please, You need to fix your bond. Hindi ba't bubuo na tayo sarili nating pamilya? Hindi man tayo mag ka-ano ano, we are surely a family."

"Yes kuya JC. Salamat ulit." Sagot niya habang naka ngiti.

Magang maga na mata ni BAMs. Kaya nilapitan ko siya at niyakap ko at sabi ko "BAMs. Stay strong ha? Wag ka ng umiyak. Andito ako/kami para tulungan ka. Sasamahan ka namin sa up's and down's mo. Ok?"

"Yes kuya JC. Salamat!" Sagot niyang muli at niyakap akong pabalik.

Swerte ni John kay BAMs....

Napaka sweet niyang kapatid....

Kahit amazona sweet naman....

Hay. John,gumising ka na....

---------------------------------------------------
A/N

Hi guys. Sorry sa late UD! Hope you enjoyed this part! :)

Please don't forget to Vote,Comment and Share.

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon