Chapter 37: Kapatid Ko Yan

4.9K 148 2
                                    

JOHN's POV:

Andito kami sa ospital ngayon,naalala ko pa kaninang umaga ng katukin kami ni JM na tarantang taranta.

May letter kasi siyang nakita sa dining table kanina at binabalaan siya na papatayin niya isa sa mga pinaka mamahal naming tao. Nung una inisip ko agad si mama at yung papa niya pero parang nawalan ako ng gana sumama. Pero ng makita namin ang parents ni JM na maayos naman ang kalagayan biglang nag salita si JM na baka si BAMs daw yun. Ayun,totoo nga.

Naiinis ako. Wala man lang akong nagawa para mapigilan yung baliw na ex ni JM. Hays. Nakaka awa si BAMs.

Natuwa ako ng konti kay JM kanina. Ewan ko para bang sinapian eh. Kasi naman nag kanda dapa dapa siya kakahanap kay BAMs pero buti naisip namin ang abandonadong cottage sa lugar. Tapos kanina nung nahuli yung babae agad agad na pinaputol ni JM yung bakal na naka kapit sa mga paa ni BAMs tapos ng mahulog yun nilangoy niya agad ito at kinuha si BAMs.

Siyempre ako kuya, kinuha ko sakanya si BAMs at nginitian ko siya. Siguro yung ngiti na yun pahiwatig na 'salamat'.

~

Andito lang kami nag hihintay. Si JM parang natataranta ata? Ano kayang sumapi dito?

Maya-maya lumabas yung doctor. Babae eh. "Who is Mr. Pias?" Tanong niya. Lumapit ako sa doctor. "Ako ho." Sagot ko. "Alright. So,come with me kausapin lang kita about sa lagay ng kapatid mo." Sabi niya. Sinundan ko lang siya.

Nang maka punta na kami sa place na pag uusapan namin nag salita na siya "So, Mr. Pias. You are the original brother,right?" Tanong niya. "Yes po." Sagot ko. "Okay,about sa kalagayan ng kapatid mo medyo nanghihina talaga siya kasi the blood that was wasted in her body was too much. Yung body niya baka mapapa tagal pa ang pahinga dahil nga ang daming dugo na nawala sa katawan niya. Kaya for now pinag papahinga muna namin siya kasi nag hahanap pa kami kung sino ba ang blood type AB. So, now I'll ask you if your blood is also type AB."

Nung sinabi ng doktor yun alam kong hindi ako pwede hindi kasi ako Type AB. Type A ako kasi eto nga yung sikreto na walang nakakaalam,never mind. Ang alam ko si mama ang type AB.

Sumagot ako. "Umm... hindi po kasi ako type AB eh. Type A po ako." Parang nag tataka yung doktor ng sabihin ko yun. Sumagot din siya "Well,that's confusing pero I don't know kasi mostly may mga patient akong mag kakapatid dito they have the same blood types. Maybe hindi pala lahat ng mag kakapatid parehas ang blood types. Anyway,do you know anyone with a blood type same as your sister's? Kasi If wala you need to find friends or anyone with the same blood type. Kasi we will need it immediately tomorrow para masalinan siya. So?". Sumagot din naman ako agad "Mother po namin. I'll call her."

Hindi ko lang alam kung papayag pa siya. Pero kailangan niyang pumayag dahil anak niya ang nakasalalay dito.

Umalis na din agad ang doktor. Papasok na ako ng kwarto habang tinatawagan si mama.

Nang makapasok ako sa kwarto nagulat ako,gising na pala si BAMs.

"BAMMY?" Sabi ko. Tumingin siya sakin at nginitian ako. Pero alam kong pilit lamang ang ngiti na ito.

Lumapit ako. Nasa labas kasi sila JC eh. Hindi siguro nila nakita na gising na si BAMs.

"BAMMY. Ok ka lang ba?" Tanong ko.

May oxygen mask kasi siya pero siguro maiintindihan ko naman sasabihin niya. Sumagot siya "Opo. Ok na ako kuya."

Niyakap ko siya. Kasi sa totoo lang akala ko mawawala na si BAMs sakin siyempre bilang kuya siguro more than hagulhol ang gagawin ko. Hehe.

~

Nakatulog na si BAMs. Tinawag ko din agad yung doktor nung sinabi niyang okay siya.

Nagulat ang doktor dahil yung dugo niya nag back to normal at lumakas ulit ang katawan niya. Sabi ng doktor pwede ng lumabas si BAMs ng ospital pero sabi ko mga midnight na kami umuwi dahil tulog pa si BAMs.

Lumabas ako sa rooftop ng ospital ang ganda nga dito eh. Kitang kita ang mga bitwin.

Tinawagan ko si mama kanina. Ok lang naman sakanya ang pag bibigay ng dugo pero yun nga,nakita ko ng gising si BAMs.

Hay. Ang hirap ng gantong sitwasyon. Sabi ko nga kapag nakapag graduate na ako aalis na kami ni BAMs diyan. May naka abang na kasing trabaho para sakin after graduation malaki ang offer na sahod sakin at may libreng pabahay sila saakin. Kaya nag sisikap ako laging nasa top para hanggang 4th year college dala dala ko pa rin ito.

Importante kasi ang pag-aaral mapa yaman o mapa mahirap dapat tayong mag sikap sa pag-aaral. "Education is a man's light out of the cave." At iba na rin ang panahon ngayon dapat mag sikap para sa magandang buhay. Kahit mayaman ka at hindi ka nag aaral minsan ang pera hindi nakakapag tagal yan. Hindi mo alam ilang pikit mo lang wala na lahat ng pera niyo.

Kaya si BAMs sinisigurado kong nag sisikap rin siya.

Kapatid ko yan.....

Kaming dalawa nalang ang nag mamahalan.......

------------------------------------------------------
A/N

Hi! Nag UD na ako kasi weekends! Hahaha. Omg! Happy 1.32k reads,beybeh thank you thank you! Please Vote and comment guys. Tsaka happy father's day hihi!

Please don't forget to Vote,Comment and Share!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon