BAMs POV:
*kuya Johnny calling...*
Tinitigan ko lang cp ko. Hay.
"Sagutin mo na BAMs. Maybe your brother will explain it. Kayanin mo." Sabi ni Roiz.
Tinignan ko lang siya at tumango na rin. Umalis din siya para siguro sa privacy ko. Gentleman din pala tong lalaking toh eh.
Sinagot ko. Pero hindi ako nag salita.
[Hello,Bammy.]
Hindi pa rin ako nag sasalita.
[Hay. Bammy,If it's alright magkita tayo mamaya sa park. Sa park ng street natin. Wherever you are I hope your safe. I trust you Bammy. Mahal ka ni kuya.]
*Call ended...*
Binaba ko din phone ko. Ewan ko parang naluluha ako. Ugh. Tama na. Hindi na ako iiyak.
Maya maya may kumatok. Nang pumasok, yaya ata dito.
"Hi Ma'am. Damit po, pinapadala po ni Madam." Sabi niya.
"Ay. Sige salamat po." Sagot ko. Kinuha ko yung damit. Nung nilapat ko dress pala. Pero ang cute floral siya.
Naligo na ako. Ano oras na din eh. Makikipag kita pa pala ako kay kuya.
After kong maligo sinoot ko yung dress at jusko. Nangingibabaw kaputian ko. Si mama kasi super puti.
Black kasi tong dress tapos floral. Tinitigan ko. Ang ganda ko talaga. Wahahaha. Sorry na. Haha.
Lumabas ako ng kwarto at merong doll shoes sa gilid sinoot ko na rin. Pag baba ko.
"Oh my! You look so pretty!!" Tuwang tuwa na sabi ng mommy ni Roiz.
Nilapitan ako at inikot ako. "Ang ganda mo. What's your name again,ija?" Tanong niya.
"Baylee Marie ho. Pero you can call me BAMs po for short." Sabi ko.
"Such an elegant name! I'm Vivian. Call me tita nalang."
"Hehe. Sige po."
"Aalis ka na ba? Pahatid kita kay Roiz." Sabi niya.
"Wag na po. Ba-biyahe nalang po ako." Sagot ko.
"Ayoko nga! Hehe. Roiz. Hatid mo na siya."
Natawa tuloy ako kay tita Vivian. Para siyang bata ang bait niya.
Bumaba si Roiz. Aba pormado? Pero realtalk ang pogi niya.
Umalis na din kami. Nag paalam na kami kay tita.
"You're beautiful BAMs." Sabi ni Roiz.
Shemaii. Parang nag blush ata ako? "Hehe. Thanks. Ikaw? Saan gala mo?"
"Hmm? Ahh. May meeting kasi ako later. Hahatid muna kita sa park niyo."
Nginitian ko nalang siya.
~
Nang makadating na kami sa park nag pasalamat ako kay Roiz. "Ui. Salamat ha. Pati na din kay tita. Malaki kang tulong kahit bading ka." Tapos tumawa kami.
"Wala yun. Bye manang. Ingat ka." Tapos kinindatan ako.
Lumabas na ako.
"Bammy?"
Narinig kong boses sa likuran ko. Si kuya ata toh.
Tumingin ako sa likod. Si kuya nga.
Ngumiti lang ako.
Tinulungan ako ni kuya papunta sa bench pero nabitaw na rin ako.
Ewan ko may nabubuo na inis akong nararamdaman sakanya. I mean like, bakit hindi nila sinabi agad hangga't bata pa ako? Sige,sabihin nating baka mag tampo ako nung bata ako pero atleast magiging okay agad agad. Hindi tulad nito na may problema na nga kami,dagdag pa toh! Nakakainis. Nakakasakit at nakakatampo.
Nang makaupo kami naka tingin lang ako sa kawalan. Hindi ko matignan si kuya kasi inis na inis na ako.
"Bammy... I'm really sorry." Nag salita si kuya.
Hindi pa rin ako maka tingin. Pero parang naiiyak nanaman ako. Ugh. Yung boses kasi ni kuya parang sising sisi siya. Iiiih. Enebe?
Nag buntong hininga si kuya. "Sorry talaga Bammy. Okay lang kay kuya na hindi mo ko pansinin naiintindihan naman kita. Sorry din kasi dahil sakin namamaga yang mata mo."
Habang nag sasalita si kuya sinilip ko itsura niya sa gilid ng mata ko at nakayuko lang siya.
Hindi ako makakita ng maayos. Yung luha kasi namumuo na sa mga mata ko.
Kuya.......
Bakit ngayon lang kasi......
--------------------------------------------------
A/NHi guys,sorry sa late update!! Medyo busy na sa school lapit na examinations namin. Sorry din if short lang ang UD. Try kong bumawi. Please keep on reading,voting,supporting and sharing my story!! Thank you guys,lots of love xx
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.