Chapter 48: Hindi Pwede

4.1K 121 2
                                    

JC's POV:

Naaalala ko nga siya si Mariel siya,Mariel Dignidad. Bakit kaya ang laki ng galit niya kay JM? May nagawa ba siyang mali?

Napaka bilis ng pangyayari narinig ko nalang na sumigaw si Mariel ng 'demonyo'. Pumutok ang baril. Pinikit ko mga mata ko.

Ilang minutong tahimik. Nag pasya akong silipin kung ano ang nangyari.

Nang buklatin ko ang mga mata ko. Laking gulat ko. S-si John,si John ang nabaril.

Naka titig lang ako sa nakahandusay na katawan ni John na nasa harapan ni JM. Si Mariel nanginig bigla.

"H-hindi,h-hindi siya ang dapat k-kong babarilin." Sabi ni Mariel na nanginginig.

Parang naiiyak siya. Si JM pilit na ginigising si John. Sinigawan ko sila "Ano pa ba hinihintay niyo?! Tumawag na kayo ng ambulansya!!" tinignan ko ng maigi si Mariel kung tututol ngunit hindi na ito nag salita.

Dahan dahan niyang ibinaba ang baril na hawak niya pero nanginginig pa rin siya. Pag kataas niya kumaripas siya ng takbo. Sa loob loob ko kailangan ko siyang habulin.

Bago ako makatapak nakita ko na si BAMs na hinabol siya.

Patay. May mangyayaring hindi maganda...

Bakit kaya niya ginawa yun...

★☆★☆★☆
BAMs POV:

Nang kumaripas siya ng takbo,hinabol ko rin siya agad. Ano ako? Tanga? Kahit na nga ba hindi niya sinasadyang barilin kuya ko bakit kailangan pa niyang mag dala ng nakakamatay na bagay? Pwede naman niyang kausapin ng maayos si kuya JM eh.

Ilang minuto na rin kaming natakbo. Ewan ko ba,hindi ako napapagod kahit alam kong mahaba na ang tinatakbo namin. Siguro puno nanaman ako ng galit kaya ako ganito.

Dahil sa inis ko ayaw niya pa ring tumigil sa pag tatatakbo,pilit kong tumakbo ng isang paa dahil kukunin ko yung isa kong heels. Nang makuha ko toh,hindi naman siya kalayuan sakin. Binato ko ng malakas yung heels na nakuha ko.

At napaka galing ko! Natamaan ko siya pero sa likuran lang. Nang nakita ko siyang plumakda sa sahig hinanap ko siya at pinatungan ko siya. Galit na galit ako parang gusto kong basagin bungo niya!

Nung nasa taas niya ako hinawakan ko yung dalawa niyang braso.

"Bakit mo ginawa yun ha?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sakanya.

"H-hindi ko sinasadya yun,p-pramis. H-hindi ko sadya, patawarin mo ako." Sabi niyang parang iiyak na.

"Punyemas ka?! Hindi mo pala sinasadya eh! Bakit kailangan mong mag dala ng baril ha?! Bakit? Sagutin mo ko!!" Sigaw ko ulit sakanya tapos sinampal ko siya.

"S-sorry talaga. H-hindi ko kasi kaya dahil walang kwentang kausap yan si JM. A-akala niya kasi lahat nadadaan sa biro! Malaki ang kasalanan sakin nung demonyong yun!" Sabi niya.

Tumigil na ako. May naramdaman kasi akong kamay na hinigit yung braso ko tapos may mga pulis ng dumampot sakanya.

Nag mamakaawa siya na wag daw siyang ipa-kulong. Ang nandito lang ay ako,si kuya JJ at JC.

Parang may parte saking ayaw siyang ipakulong eh. Pero hindi, sa kulungan ko nalang siya kakausapin. Nang magka tinginan kami sa mata nung babae,umiwas lang ako agad.

~

Nang paparating na kami sa surgery room ni kuya alam kong iiyak ako. Never pang nangyari saamin ni kuya ang ganito.

Badtrip! Sobra na ata ang pag papahirap saamin ah? Naiiyak na talaga ako.

Nang nakarating na kami malapit sa surgery room parang pinipigilan akong mag lakad ng paa ko. Tss. Ano ba toh?

Pero nag lakas loob pa rin ako. Nang makasilip ako sa kwarto ni kuya. Hindi ko napigilang mapahawak sa bibig ko. Bakit ganun itsura ni kuya? Ang daming nakasaksak at may oxygen pa. Nakaka awa itsura ni kuya bakit ganun?Saan ba tumama yung bala?

Isipin ko palang parang gusto ko na talagang humagulhol.

Hindi ko na kinaya. Inalis ko na tingin ko,ayokong makitang nahihirapan ng ganun si kuya ngunit hindi ko pa ring napigilang humagulhol. Itsura kasi ni kuya eh akala mong mamamatay na. Litsi.

Pero ba't ganun? Parang may namumuong galit nanaman akong nararamdaman kay kuya JM? P-pero hindi ba dahil sakanya humihiganti ang babae? Dahil sa ugali niya.

Mali ba akong magalit muli....

Hay. Ang hirap....

Ayoko na.....

------------------------------------------------
A/N

Hi guys,sorry for the short UD :) thank you sa readers. Omg,konting kembot nalang 4k readers naaaa. Keep it up! Haha.

Please don't forget to Vote,Comment and Share.

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon