Chapter 38: Forgive And Forget

4.9K 150 4
                                    

JM's POV:

"Sure na po namin sir. Hinding hindi na po siya makaka alis,kukuhanin na rin po siya ng mental hospital dahil wala na sir,sira na ho talaga ang ulo."

Yan na ang sinabi ng police chief. Sabi ko na nga ba,loka na yung babaeng yun. Hays. Pogi ko kasi kita niyo? Nababaliw ang isang babae dahil sakin? Hahaha.

Anyway,andito lang kami sa labas ng kwarto ni BAMs. Tsk. Sa totoo lang naaawa ako kay BAMs. Bwiset kasi yang ex ko na yan eh.

Pumasok si John. Nagulat kami gising na siya nakausap nila ng onti si BAMs at nakatulog rin siya ulit. Naging ok na agad si BAMs. Grabe naman? Kanina sabi kulang ng dugo si BAMs ngayon,ok na siya?

"Malakas talaga resistensya ni BAMs noh?" Sabi ni JC.

"Oo. Kahit ako nagulat kanina eh." Sagot ni John. Andito kasi kami sa loob na hinihintay nalang namin si BAMs gumising at babalik na kami sa bahay.

"Pero grabe pa rin. Normal pa ba si BAMs? Too much power ata yan haha." Sabi ni JC.

Tumawa lang sila ni John. OP nga ako eh. Sila nag tatawanan ako lang hindi. Hay.

Nagising si BAMs. Nang magising siya pinapunta ni John si JR sa doktor. After that,na discharge na si BAMs pero may bandage siya na malaki sa binti. Kaya inalayan siya ni John at JR.

~

Nasa bahay na kami. 3:00 a.m. na. Grabe parang hindi pa rin ako inaantok eh.

Pumunta nalang ako ng rooftop namin para makapag relax ng kahit konti. Huminga ako ng malalim ng maka upo ako.

"Ay." Narinig kong may nag salita ng mahina. Tumingin ako sa likuran si BAMs pala.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo't mag isa ka lang nag lalakad ha? Pano kung mahulog ka. Tsk." Sabi ko tapos nilapitan ko siya. Para ngang nahihiya eh.

"Hindi,w-wag na." Sabi niya.

"Halika na. Samahan mo na ako,para na din makapag usap tayo." Sagot ko.

Nang maka upo na kami.Katahimikan ang nangingibabaw,pero bakit ganun? Parang nawala inis ko kay BAMs? Tss. Ano ba yun?

"Kuya JM." Nung tinawag niya ako,tinignan ko siya at naka yuko lang siya. Nag patuloy siya "Ayoko na maging plastik. I mean,hindi naman talaga ako plastik sayo." Huminga siya ng malalim at nag patuloy "Kuya JM. Nakaka irita ka,mayabang ka, lahat lahat ng nakakainis sa isang tao,nasayo na! At higit sa lahat nasasaktan mo na kami."

Hindi ko ine-expect ang gantong usapan namin. Habang sinabi ni BAMs yun parang paiyak na siya. Ugh. Ano ba sasabihin ko?

"B-BAMs. Hindi kita maintindihan." Sabi ko. Nauutal na tuloy ako. Ano ba yan.

"Hay. Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo. Bwiset." Sabi niya. Biglang tumayo.

"Eto naman!" Sigaw ko tapos hinila ko siya baka matumba eh. Tapos nag patuloy ako "halika rito at tutulungan na kitang bumaba." Sabi ko.

Habang nababa kami dahan dahan sa hagdan sinabi ko sa sarili ko na siguro eto na,eto na ang tamang oras para sa 'forgive and forget' na yan. Makapag bago na kami at ang turingan namin sa isa't isa. Wooh. Babaan ang pride Mckenzie. Grr. Ewan ko ba bigla nalang lumambot ang puso ko kela BAMs. Psh.

"Uh... BAMs." Sabi ko. Ano ba itutuloy ko ba? Hindi siya nag salita kaya tinuloy ko na sasabihin ko "BAMs. S-so-s--" potek. Hays. Ano ba yan nauutal nanaman ako. Tsk. Deretso mo na kasi! "BAMs. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa lahat ng sakit,pag durusa na pinadanas ko sainyo hindi ko sinasadya ang lahat na yun... nasasaktan din kasi ako kahit papaano." Yumuko ako nang matapos kong sabihin yun.

Nakakahiya. Hugot na hugot masyado mga salita ko. Ugh. Napatingin si BAMs para ngang timang eh. Parang nakakita ng anghel. Psh.

Hindi ko nalang siya tinignan at ng makadating kami sa kwarto niya binuksan ko ang pinto nito at tinulak ko siya tapos nag salita ako "s-saatin lang toh ah?" Tapos sinara ko na yung pinto niya. Parang namumula ako. Hayyyy.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Tumingala lang ako sa ceilling ko. Siguro nag tataka kayo bakit ko nasabi na nasasaktan din ako.

Konting explanation lang. Kaya ko nasabi yun kasi si mama which is the real mother of BAMs and John. Kasi sa totoo lang at aaminin ko na,naiinggit ako kay BAMs at John kasi the way na mag kulitan sila,the way na mag bangayan sila,the way they show love for each other is so priceless. Sa totoo lang gustong gusto kong mag kapatid na tulad ni BAMs yun bang walang arte,jologs,makulit,sweet at laging nag tatanggol sa'yo. Mali ang hinala ko kay BAMs hindi sila parehas ng nanay niya kasi mas magandang version si BAMs kaysa sa nanay niya.

Sorry sainyo.....

Mali pala ako.....

----------------------------------------------------
A/N

Hi! Sorry sa late UD guys! Busy agad sa school eh. Anyway,thanks for the readers!!

Please don't forget to Vote,Comment and Share! Lots of love

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon