JC's POV:
Naalala ko yung babaeng nakita ko sa park. Ano nga ba pangalan niya? Si Mariel ba yun? Oo nga Mariel nga. Hahaha hindi kasi ako masyadong maalalahanin sa mga pangalan.
Tsaka yung kapatid niyang lalaki. Siguro 1st year college lang yun. Sa Greenians din nag aaral eh. Sino kaya dun? Anong section niya?
May kumatok sa pinto.
"Kuya JC. BAMs toh. Kakain na raw po." Sabi niya.
"Ok. I'll be there in a minute." Sabi ko.
Hay. Kainan na. Sa totoo lang naiinis ako dito. Tch. Yung step mother mo ang saya saya kasama ang ibang pamilya. Minsan nga para kaming mga alipin dito eh. Tsk.
Mamaya nalang siguro ako bababa? Pero parang ang disrespectful ko naman.
Bumaba na ako. Sabay pa kami ni JM. Nag katinginan kami pero iniwas ko rin tingin ko. Hindi ko pa nakakalimutan sinabi niya saamin. Kups kasi eh.
Nang makababa ako ang tahimik nila walang nag batian pero si BAMs at John nginitian ako. Ako din syempre. Nang makababa si JM todo bati tong magaling naming step mother pati ang tatay niya. Ngumiti lang si JM.
Nanahimik lang kami,nasa isang side kami nasa isang side sila ng dining table.
Nakikita kong nalulungkot si BAMs. Pano makita mo ba naman paano kung bigyan ng pagkain,kamustahin ang araw niya. Lahat ata tinanong na ng nanay namin kay JM ang sweet,sweet niya pa kay JM.
Maya maya tumayo si BAMs. "Tapos na ako kumain labas lang ako." Sabi niya. Habang pinipilit ngumiti. Napatingin step mother namin.
"You haven't finish your meal yet. Ubusin mo na." Sabi ni Mama.
Nginitian lang siya ni BAMs. Tapos lumabas na si BAMs.
"Tss. Walang modo." Sabi ni JM. Sinamaan lang namin siya ng tingin. Pero yung nanay't tatay niya,sige saya pa rin.
Nakakapagod silang panoorin.
Nakaka bagot....
★☆★☆★☆
BAMs POV:Pagod na ako. Pagod na akong panoorin silang masaya,pagod na akong mag panggap na masaya at pagod na ako sa kakaiyak. Sinasayang ko lang luha ko. 'Nyeta.
Umupo ako sa lapag at inilagay ko ang ulo ko sa tuhod ko. Bwiset kang luha ka! Ano ba?! Yung iniiyakan mo wala namang pakeelam sayo eh! Wag kang tanga!
Grr. Sa sobrang inis ko kumuha ako ng bato at ibinato ng malakas sa dagat.
Tama na BAMs. Siguro mas magandang wag ka ng umasang sasaya at babalik ang pamilya niyo sa dati. Kita naman eh diba? Mas masaya siya kay JM.
Tumayo nalang ako dun. Tumitig sa kawalan.
Tama na kasi BAMs. Tulad nga ng sinabi ni Danica
"Minsan kasi kahit gaano katino/kahaba ang relasyon niyo kung ang isa ay nag kukulang lahat pwedeng mawala."
Na-distract ako kasi nakita ko si satan ay este si kuya JM may kausap sa phone mukhang badtrip siya.
Lumapit ako ng onte pero syempre nag tago ako. Sumisigaw siya hindi ko maintindihan eh. Nag ko-korean kasi siya. Grabe sigaw niya.
"What?! You crazy B*tch!!" Last na sigaw niya tapos binaba niya na ang tawag.
Babae kausap niya. Pano pala si ate Mandy? Biglang dumating si tita Mauie.
"Anak,pasok na." Sabi niya.
Lumingon si kuya JM na may bakas pa rin ng galit "mauna na kayo." Sabi niya.
Inulit ni tita Mauie ang sinabi niya pinipilit na pumasok si kuya JM "ano ba?! Mauna na nga kayo diba?! Wala namang gagawing importante eh! Mag lalandian lang kayo ni papa!!" Sigaw niya tapos lumayo siya.
Pumasok nalang agad si tita Mauie. Psh. Bastos talaga yang demonyo na yan eh. Grr. Kung hindi lang ako makukulong sa pag patay eh. Nyahaha. Joke.
Nakaka awa din yan si tita Mauie minsan. Pano kasi sinisigawan siya niyang mga yan,oo. Lalo na si satan. Mga wala ngang respeto ako naman hindi kami naninigaw ni kuya. Kahit wala na akong respeto kay tita Mauie alam kong may konti pang natitira. Halata naman sa pag iyak ko sakanya pag nasasaktan na ako.
Hay. Mama bakit ba umabot pa sa ganito?.....
Gusto ko nalang mawala sa mundo....
---------------------------------------------------
A/NHi,guys! I dedicate this to zellyn2729 for supporting me by making me do a fast UD,hihihi. Hoping ypu support this story 'til the end xx
Don't forget to Vote,Comment and Share!!
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.