BAMs POV:
Nagising ako,yung napaka gandang araw ang nang gising sakin. Wait? Nasa bahay na ba ako?
Tumingin ako sa paligid. W-wala ako sa bahay! Nasaan ako?! Kinidnap ba ako? Wahhhh....
"Good morning"
"Ay! Morning!" Sigaw ko sa gulat. Nung tumingin ako sa gilid ko s-si Roiz? Omg! Ano ginawa niya sakin? Bakit iba damit ko?! "Hoy! An--" hindi ko na natapos sinabi ko dahil nag salita siya.
"Bago ka mag assume diyan! Wala akong ginawa sayo,hoy! Kapal neto! Si yaya ho ang nag palit ng damit mo!" Pag mamaktol niya.
"Weh,di nga?" Sabi kong natatawa.
"Ewan ko sayo!" Tapos tumawa siya. After niyang tumawa nag seryoso mukha niya at tinitigan ako sa mata. Nag salita siya "BAMs. Natatandaan mo pa ba kagabi?" Tanong niya.
Kagabi? Oo nga pala. Si Roiz ba ang natakbuhan ko kagabi?
"R-roiz,ikaw ba yung iniyakan ko k-kagabi?" Tanong ko. Kasi kinabahan din ako kagabi akala ko kung sino.
"Oo,bakit hindi mo natatandaan?" Tanong niya.
"Huh? Medyo eh. Siguro na din dahil sa pagod at pag iyak ko kagabi. Hays. Ngayon alam mo na may weak side din ako?" Sabi kong patawa.
"Siguro nga. Oo nga eh. May soft side ka rin pala akala ko pusong bato ka eh." Tapos tawa siya.
"Heh!" Sabi ko. Tumawa kaming dalawa saglit. Tapos nag tanong ulit si Wegener.
"Uh. BAMs? Can you be honest and tell me everything?"
Tumango lang ako.
"What happened last night? Bakit ka umiiyak ng sobra?"
Sabihin ko ba? Hay. Ok lng siguro yun. Siguro gagaan din loob ko.
Huminga ako ng malalim at nag salita "Kasi it was 2 a.m. dumating ang step father ko,lasing siya eh. Nag wawala siya tapos sinapak siya ni kuya JM and then lahat naawat,pinapatigil sila. Tapos nag salita tong step father ko. He told us na yung step brother's ko except kay kuya John ay hindi ko talaga step brother's walang Binyas na dugo na nadaloy sakanila. We are stranger's. Then si kuya John daw hindi ko daw talaga pure brother. Siya daw ang step brother ko. He even told me I was the daughter of my father's older brother. At si kuya ang tunay na anak ng pinaka mamahal kong tatay." After kong sabihin yun naiyak na pala ako.
"I'm so screwed up. Gulong gulo na ako." Tapos umiiyak pa rin ako. Inabutan ako ni Roiz ng panyo. Kinuha ko din toh at pinunas sa mga mata ko.
"Tahan na. Tignan mo mata mo oh,namamaga na." Sabi niya. Tapos tinabihan niya ako sa kama. Nakaupo kasi ako sa kama. Then inakbayan niya ako at pinapatahan.
Feeling ko kasi alam niyo yun? Ang gulo ng lahat eh. Una hindi ako naniniwala pero ng hindi ako sagutin ni kuya kagabi? Alam ko kung totoo o hindi totoo ang sinasabi ni kuya. Kung hindi man totoo yun,may panlaban siya. Pero kagabi,wala eh. Wala.
"Just one question. Pano mo nalaman na totoo?" Tanong niya.
"Si kuya John. Hindi siya makatingin at hindi siya makasagot. Kilala ko kuya ko." Sagot ko.
Nanahimik na kami. Hay,gumaan na rin pakiramdam ko. Salamat Roiz.
~
Bumaba na kami. Ayoko ngang kumain ng breakfast dito kaso kinukulit naman ako nito ni Wegener.
"Good morning, my son. Good morning darling." Bati samin ng matandang babae pero makinis at maganda siya.
"Good morning, ma." Bati ni Roiz. Whut? Mommy niya yan?! Ang layo ng itsura nila parang more american look si Wegener eh. Kaputian lang ang namana niya sa mommy niya.
"Good morning po." Bati ko na nakangiti ng onte.
"Come,kumain ka na rito." Aya niya sakin tapos sinamahan niya ako papunta sa dining room.
Nang makaupo kami. Ang daming nakahain. Pero parang pang diet lang toh eh. Puro vegetables.
Kumain kami ng tahimik. "Ikaw si Pias, diba?" Tanong ng mommy ni Roiz.
"Ah. Opo." Sagot ko.
"You are beautiful than I thought! Napaka ganda mong babae iha. Bagay kayo ng anak ko."
Napaubo ako. "Ma." Sabi ni Roiz.
"Okay lang." Sabi ko.
After breakfast umakyat din kami sa guests room. Tinanong ako ni Roiz kung uuwi na ba ako. Parang ayoko pa.
Biglang tumawag si kuya.
Sasagutin ko ba?.....
Hay.....
------------------------------------------------------
A/NHey guys! Ayan. Dahil walang pasok hehehehe. Sorry for the long wait
Please Vote,Comment and Share!!
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.