BAMs POV:
After the drama I had with my kuya,nauwi lang din sa kulitan at tawanan.
Hay,kahit ako hindi ko kayang makita si kuyang umiiyak dahil sakin. Kanina ko lang naintindihan na si kuya rin pala hindi kaya ang gantong sitwasyon.
~
Naka uwi na kami. Bakit parang walang tao?
Nagka tinginan kami ni kuya. Nag tanong ako ng pabulong "Kuya,may tao ba?"
"Sa tingin mo? May nakikita ka ba?" Sagot niyang may pagka pilosopo.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pilisopo na din toh oh. "Eto kinaka--" hindi ko na natapos pananalita ko dahil may narinig kaming nabasag sa may kusina.
Nagka tinginan ulit kami ni kuya. Sinenyasan niya ako na lalapitan niya yung kusina. Hindi pa siya nakakalayo hinabol ko siya. Sasabay din ako noh.
Nagka tinginan ulit kami. Nang sumilip kami ni kuya may nakahiga. Hay. Lalaki,akala ko si Mauie.
Nang makalapit kami si kuya JM! 'Anyare dito? Nilapitan namin agad agad si kuya JM parang wala na kasing buhay eh.
Ginigising namin siya pero walang epekto,sabi ko kay kuya "Kuya! Baka naman patay na toh!" Nasabi ko yun siguro sa sobrang taranta ko.
"Sira ka talaga Bammy. Gisingin mo lang siya ng gisingin o kaya buhusan mo na ng tubig. Tignan ko kung andun sila JR sa taas." Sagot niya.
Tumango nalang ako.
Gising ako ng gising kay kuya JM tawag ako ng tawag sa pangalan niya. Waley ang effect. Kinakabahan na talaga ako.
Kumuha ako ng sobrang malamig na tubig at binuhos ng biglaan sakanya. Na-ubo siya. Whew! Akala ko deadskie na toh.
"K-kuya JM ok ka lang ba?" Tanong ko.
Medyo dumilat ang mga mata niya.
"Huy! Ok ka lang ba? Ano bang pinag gagagawa mo ha?" Tanong ko ulit.
Hindi niya ako sinagot. Kaya ginawa ko kumuha ako ng towel at nilublob ito sa maligamgam na tubig, pinatong ko sa noo ni kuya JM toh tapos inalalayan ko siyang tumayo ng dahan-dahan.
"Tsk. Kuya JM ano ba ginawa mo ha?" Tanong ko.
Bumaba sila kuya JR. Walang hiya tong mga toh. Nasa taas lang pala hindi man lang narinig pinag gagagawa si kuya JM dito? Pano kung patay na kaya talaga siya? Hay. Jusko!!
Nag lapitan sila,pinabuhat ko kay kuya JR si kuya JM. Nang mai-higa siya sa kama niya nag salita siya "Wag niyo na akong tulungan. Hindi naman tayo mag kaano-ano eh, diba?"
Nainis ako. Kailangan pa bang ipaalala? And so what kung hindi naman kami mag step family? Hindi ba pwedeng mag tulungan? Psh.
Sinabihan kami ni kuya Johnny na iwanan muna siya at pagod na rin siguro siya.
Bumaba kaming lahat sa dining room. Ang awkward,tahimik kasi kaming lahat tinitingnan ko lang sila kasi kami ni kuya hindi na awkward eh. Sila nalang, haha.
"Sorry." Sabi ni kuya JR na yumuko bigla.
"Ako din." Sabay naman ni kuya Johnny.
Tumingin kami sakanila ni kuya Johnny.
"I wanted to know. Ang nanay ba namin inabandonada kami? Ano ba talaga ang totoo?" Tanong ni kuya JC na halata sa mukha niya ang lungkot.
Nakita kong yumuko ulit si kuya JR at sumagot "Oo. Niluwal kayo ng mga totoo niyong nanay,iniwan kayo, at si tita Mauie ang kumupkop saatin, kasi ang storya may nangyari between sa mga tatay natin at kay tita Mauie. Pero yun nga she couldn't get pregnant kasi maaga ang menopause niya. Kaya after ng luwal sainyo ng nanay niyo iniwanan kayo at kinupkop tayo ni tita Mauie siya ang sumalo at ginawa tayong parang mga tunay na anak."
Pag e-explain ni kuya JR. Nang tignan ko si kuya JC nakita ko naluluha luha na siya. I mean lahat sila? Naluluha. Ngek? Ako,ewan ko sa sobrang maga ng mata ko feeling ko ang manhid na eh. Hahaha.
Tumayo ako at nag salita "Tama na nga yan. Alam kong mga mag iiyakan na kayo. Siguro sa una madidib-dib niyo toh pero wag niyo nang patagalin dahil stress lang yan. Alam ko nasasaktan kayo dahil iniwanan kayo ng mga nanay niyo pero hangga't maaari mag pakatatag kayo." Nakita kong naluha na si kuya JC kaya siya yumuko. Naawa ako kay kuya JC. Siguro mahal na mahal ni kuya JC mommy niya kahit hindi nila nakilala. Na-ulila na siguro sila masyado sa nanay.
Nilapitan ko si kuya JC at tinapik ang kanyang balikat. Nag buntong hininga ako at nag salita muli "Naiintindihan ko kayo. Mahirap pag walang nanay o tatay. Pero ngayon mag pakatatag muna kayo. Walang sisihan. Pray to God. Makakapag pagaan yan sa pakiramdam,pramis."
Tinaas ni kuya JC ang mukha niya at pinunasan ang mga mata. Nginitian ko lang siya tapos bumalik ako sa upuan ko.
"Kaya naman,hindi man tayo mag ka-step family or hindi ko kayo mga step brothers. Why won't we start one right now? Let's make 'the love bond' or whatever it is. Let's make a family!!" Sabi kong naka ngiti.
Mukhang effective naman kasi nag ngitian din silang lahat tapos nag tawanan kami. At sumigaw si kuya JR ng "Group hug!!" Tapos ayun nag group hug kami.
"Hindi ako sang ayon! Nag iisip ba kayo?!" Napatigil kami kasi si kuya JM nag salita at nasa hagdan siya,naka hawak pa sa ulo tapos seryoso ang itsura.
"Walang hiya talaga kayo!" Sabi niya. Nag katinginan lang kami
"Hindi kayo nang sasama!!" Sigaw niya tapos tumawa. Kami naman naka tunganga lang. Tapos ayun sinugod namin si kuya JM ng mahigpit na yakap. Nag tawanan lang kami.
Ganto yung gusto ko, yung walang away,walang bangayan at puno lang ng pag mamahalan.
Ang sarap ng gantong pakiramdam...
Mag pakatatag lang tayo...
Malalagpasan toh ng pag mamahalan...
--------------------------------------------------------
A/NHey guys! sorry sa late update! grabe,muntikan ko nang hindi maretrieve password ko guys. stress. enjoy reading ;)
please don't forget to Vote,Comment and Share! :)#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.