Chapter 27: The Loner

4.7K 152 0
                                    

JJ's POV:

Umaga na ngayon. Pinuntahan ko agad si JR sa kwarto niya. Kagabi kasi nagising na siya pero pinatulog na niya kami.

"JR,kain ka na oh." Sabi ko.

Lumingon siya sakin na naka ngiti. "Salamat JJ ah! Buti pa kayo ni BAMs inaalagaan ako." Sagot niya.

Nginitian ko lang siya. Kumakain na siya. Sa totoo lang kasi 'loner' ako eh. Wala akong masyadong kaibigan sa school kaya lang naman ako nag kakaibigan dahil famous ako. Pero alam kong plastik lang sila.

Actually,si JR lang ang pinaka close ko si John medyo. Hindi ko kasi sila kinakausap eh. Naiimpluwensyahan lang ako nitong gangster na toh. Haha.

Sinermonan ko si JR habang nakain. Sinabi na kasi niya samin ang dahilan bakit siya napag tulungan ng mga lalaki sa bar kagabi.

"Oo na nga! Paulit-ulit ka eh noh?" Sagot niya na may pagka inis.

"E kasi naman! Kapag hindi ko pinaulit-ulit ang sermon ko,parang wala lang sayo eh!" Sigaw ko sakanya tapos binatukan ko siya.

"Bastos naman toh eh! Nakain yung tao diba?!" Sigaw niya pabalik.

Tumawa lang kami.

"Oh. Pano yan mamaya? Pano ka makakapag training ng maayos kung masakit katawan mo. Praning ka talaga eh noh?" Tanong ko.

May baskeball training kasi kami mamaya. Lahat kami nakapasok pero hindi kami makapag training ng masyado hindi kasi namin kayang pag sabayin ang pagiging estudyante,teacher, tapos varsity player pa.

Pero ewan si John napag sasabay yun eh. Sa bagay effortless na kay JC at John ang pag-aaral masyado silang matalino eh.

"Wala toh! Kaya ko toh noh! Parang hindi mo ko kilala. Tsaka yung gamot naman na binigay ng doctor natalab agad sakin." Sagot niya.

Buti nalang. Naalala ko kasi dati nung nasa High School days pa kami,laging sakitin toh si JR. Pero buti nalang natalab ang mga gamot sakanya. Minsan nga dalawang araw lang ang nalipas magaling na siya agad eh.

Natauhan ako ng ibigay sakin ni JR yung pinag kainan niya.

"Salamat ulit JJ ah." Sabi niya.

"Walang anuman!" Sagot ko habang naka ngisi.

Nung lumabas na ako ng kwarto niya sinara ko ang pinto. Tch. Naalala ko mga pinag sasasabi ni JM kagabi. Medyo nairita na rin ako sakanya eh. Mayabang nga talaga siya.

Bumaba na ako para ibigay sa yaya ang pinag kainan ni JR. Lumabas ako ng bahay para mag yosi.

Bawat hithit ko ng yosi naalala ko ang tatay ko. Lulong kasi sa yosi yun eh. Ako naman nag yo-yosi lang kapag stressed,pagod o kaya pag masyadong problemado. Naubos ko rin agad yosi ko.

Pag balik ko,gising na silang lahat at ready to eat na. Nawalan ako ng gana kumain nung nakita ko si JM. Kaya umakyat nalang ako.

Hay. JM.....

☆★☆★☆★
BAMs POV:

Andito na kami lahat at naka handa na rin ang mga pagkain. Nakita kong pumasok si kuya JJ pero umakyat na din agad. Siguro nababagabag yun dahil sa mga sinabi ni satan kagabi.

Habang nakain katahimikan ang kalaban namin. Walang naimik pero mabuti na rin yun para wala ng mag ka-initan pa ng ulo.

"BAMs. Congrats pala. Your adviser called earlier ikaw daw ang top 1 for this semester." Sabi ni tita Maiue (which is my mom.)

Nginitian ko lang siya. Pero sa loob loob ko tuwang tuwa ako. Naalala ko kasi si Wegener. Wahaha. Kahit in good terms kami the competition is still ain't finish!

After kumain ni kuya JC tumayo siya agad at dumiretso sa kwarto niya. Pag katapos namin ni kuya kumain tinignan ko siya at sinenyasan ako na akyat na kami. So,umakyat na kami. Lagi nalang nahuhuli yan si kuya JM eh.

Naligo na ako papunta na kami ni kuya sa court na pagpa-praktisan nila.

Excited na ako....

Woohoo.....

---------------------------------------------
A/N

Woah! Happy 1.22k reads guys!! Grabe,thank you ng sobra talaga. Hahaha. Sorry sa mga nabibitin ha? :( paasa ako eh noh? Chosss. Anyway,sorry na love lots!

Don't forget to Vote,Comment adn Share guys!!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon