Danica's POV:
Kawawa naman bestfriend ko hindi ako masyadong aware na ganto na naging kagulo ang pamilya niya! Tsk.
Kanina pa lang e halatang halata mo na haggard na siya masyado! Kasi naman eh! Bakit ba pag dating kay lalabzs ko ang sasama ng ugali ng mga step brother's niya? Oo totoo yan! May mga ugali ang mga step brother's niya.
Ay! Hi! Ako pala si Danica Cepall Javier. Half Canadian ako. Bestfriends kami ni BAMs since like kinder. We never had boyfriends. As you can see in the picture ganyan ako kaganda! Wahaha.
Anyway, Ewan ko. Wala pa sa dictionary namin ni Lalabzs yang bf bf na yan! Haggard lang eh. Alam niyo yun? Kahit sabihin nila na college na ako. So what? Hindi naman sa bitter ako. Kasi feeling ko pag ikaw nag mahal mas tinutuon mo pansin mo sa taong yun! I mean pano na yung ibang tao? Ano wala na lang ganun ganun? Tapos hindi mo pa mapapansin bestfriend mo.
Example bestfriend mo hinihintay ka para pansinin mo siya. Ikaw naman "status:Forever Na This". Asus! Liar! Walang Forever! Depende nalang yun! May forever pero sa diyos hindi sa joa-ers! Hmp! Ok don't judge me! Totoo naman.
Always remember "God will give you the right man in the right time" ow! #WhoGoat!
Mabalik na nga sa topic. So yun,lahat ng problema sinasabi namin sa isa't isa. Away ni Baylee away ko na rin. Kung iisipin niyo kung war freak ako mas war freak yung babaeng yun! Oo! Kahit nga lalaki pinapatulan nun eh! Kaya minsan akala ng ibang boys mga tibo kami! Psh. Asa naman? Sa gandang kong toh? Hays. Wahaha.
Anyway,yung mga step brother's ni BAMs they're not so bad naman. Nung nag tuturo sila magugustuhan mong makinig kasi hindi sila masyadong serious mode. Lalo naman yun si Prof. JR puro activities minsan ginagawa namin. Pero pag Good Moral subject na bwisit na bwisit tong Baylee na toh. Pero halata mo namang mayabang yan si Prof. JM eh! Halata sa lakad niya! Akala mo kung sinong mataas.
Grabe na talaga buhay ni bestfriend. Pero believe it or not malaki pasasalamat namin dyan kay BAMs. Why? Kasi nung nalaman niyang mag di-divorce ang parents ko hindi siya nag patinag! Pinuntahan niya si papa kinausap at ni-realtalk pa niya! Imaginin niyo diba? HS palang kami tapos ganun bigla! Kaimba tong si Baylee! Kaya kayo matutong pumili ng kaibigan,hindi man katulad ni Baylee na kayang salitaan ang mas nakakatanda basta totoo siya sayo!
So ayun,nagulat nalang kami na nag stop ang divorce ni mama't papa. Narealize daw kasi ni papa yung mga sinabi sakanya ni Baylee. Sinabihan pa nga ako ni papa na wag na wag ko dawng sasaktan si Baylee,lolokohin o kaya sirain ang tiwala sakin kasi daw sobrang bait at sobrang totoo si Baylee mapaharap man siya o mapatalikod.
Now that's a true friend! Pero never pa kaming nag aaway ni BAMs sa totoo lang, natatakot akong mangyari yung araw na yun! Magulat nalang ako nasapak na niya ako sa mukha! Brr... ma-imagine ko pa lang yun kinikilabutan na ako. Hays. Sana nga hindi talaga mangyari yun eh! Ayoko!
"Arf! Arf!" Yung aso ko tinatawag na ako! Bakit kaya?
"Why? Honey?" Honey kasi pinangalan ko sakanya. Saint bernard yan. Super cuddly niyan! Masungit nga lang itsura at medyo tamad. Ang lalim nga ng boses neto eh.
Nilambing lang niya ako. Yiee. Na-miss ako! Wahaha!
"Hoy! Bitawan mo nga yang aso mo! Sakin yan eh!" Sabi niya.
Pag taas ko ng ulo ko ala! S-si ate brenda! Ate kong mataray!!! Hahaha.
"Ateee!! Ang panget mo pa rin!" Sabi ko habang natawa.
Tinarayan ako. Aba! Hindi pa rin nag babago. Niyakap ko lang siya.
"When did you came?" Tanong ko.
"I just came here last night. Hindi na ako naka deretso dito kasi I had a jet lag. Grabe nga haggard eh! May boyfriend ka na ba?" Sabi niya.
Boyfriend agad nasa isip! Nako! "Ayoko, ate wag mo ng ituloy! Hindi ko na ipapahawak sayo si honey!, Sige!" Sagot ko.
Favorite niya kasi tong si honey eh. Ayaw bumili ng sariling aso!
And BTW! 3 kaming mag kakapatid! Si kuya Justin,ate Brenda at syempre ako ang bunso! Si ate Brenda kaka graduate lang ng college last year sa Canada nga lang. Si kuya naman 4th year college na ngayon pero sa UP,engineering ang kinuha niya. Si ate ang kinuha kasing course business eh. Ako ang kinuha ko AB MASCOM parehas kami ni BAMs.
After ng daldalan namin nag kainan na kami. Si kuya gulat na gulat ng makita si ate Brenda eh. Akala mo nakakita ng multo. Pero miss na miss na ni kuya yan haha.
Ang sarap ng feeling na kapiling mo pamilya mo at buo pa kayo!
We should love our family! They are priceless......
They are one of God's best gift.....
------------------------------------------------
A/N
Ayan! Nakilala na natin si Danica! Meron ba din kayong ganyang bestfriends? Kung meron comment niyo ano klase siyang bestfriend,
and yung family ayan! Tulad nga ng sabi ni Danica Babes dapat mahalin ang pamilya! They're priceless ❤Vote,Comment and share!
Follow me on
Twitter:@xCyriellKeithx
IG:@cyriellkeithThankie! :*
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.