BAMs POV:
Andito ako sa kwarto ngayon. Hay. Bwiset talaga na satan yun! Ubod ng yabang!!! Sa inis ko sinapak ko kama ko. Kawawa naman kama ko ito pa nasapak kesa sa mukha ng satan na yun!
Umikot lang ako sa kama. Paano kaya maalis ang inis? Psh.
After an hour bumalik na rin ako sa kwarto ni kuya JR baka gising na siya. Wala namang sinabing bad news ang doctor. Yun nga lang,sabi niya kailangan dawng iwasan ni kuya JR ang pakikipag bugbugan lalo't na lasing siya dahil my tendency na maapektuhan ang utak niya. Nakakalog raw kasi.
Wala eh. Gangster eh. Hahaha. Pero kahit gangster siya,mabait naman yan si kuya JR at nilalagay niya ang pagka-gangster niya sa tamang lugar.
Pumasok na ako sa kwarto ni kuya JR. Walang tao. Grabe naman! Asan si kuya JJ? Close niya si kuya JR diba? Hays. Plastik talaga.
Lumapit ako. Tinignan ko si kuya JR sa mukha. Nakatalikod kasi siya eh. Nagulat ako kasi gising na pala siya pero ang layo ng tingin niya. Para bang ang lalim ng iniisip.
"Kuya JR! Ok ka na ba?" Tanong ko.
Nagulat ata siya. Haha. "Huh? Uh. Oo,medyo ok na ako." Sagot niya. tapos humarap siya sakin.
"Kuya JR. Ano ba kasi talaga nangyari ha? Bakit pinag tulungan ka nung mga gorilya na yun?" Tanong ko.
Hindi siya umimik. Nag dadalawang isip pa ata siyang sabihin sakin eh. Hmp! Mapag kakatiwalaan naman ako ah?
"Grabe ka kuya JR! Wala ka ng tiwala sakin! Nakakatampo ka!" Sigaw ko sakanya tapos inirapan ko siya.
"Hala? Sorry na. E baka kasi pag tawanan mo ko pag sinabi ko ano talaga dahilan eh." Sagot niya.
Hindi ako umimik. Hindi ko siya tinitignan.
"Tsk. Hay nako ka talaga BAMs. O eto na. E kasi umiinom ako nawalan ako ng kontrol kaya medyo nahilo ako,tapos may narinig akong babae na sinisigawan ang isang lalaki kasi parang pinipilit siyang sumama. Ilang beses na siyang sinigawan nung babae. Kaya tinulungan ko siya. Nung nakalapit na ako sa babae sinabihan akong bakla nung lalaki tapos sinapak ko. Hinanap ko yung babae kasi hindi man lang nag pasalamat. Nang makalabas ako may nakaabang na matabang lalaki at limang malalaking lalaki. Then the story goes on."
Medyo naguluhan ako sa kwento niya. Parang kulang kulang eh. Ang naintindihan ko lang yung may nakaabang sa labas.
"Ahh." Tugon ko. Para kunwari na-gets ko. "Wait. Pero bakit may nakaabang na lalaki? Ano yun planado na?" Tanong ko.
"Ewan ko nga eh. Hays. Basta na-mental block nalang ako kanina. Siguro... sa kalasingan ko na din."
"Pero kuya sabi ng doctor iwasan mo na daw makipag bugbugan kapag nalasing ka. Kasi may tendency daw na maapektuhan utak mo."
Tumango nalang siya. Nag paalam na ako sakanya.
Gigising pa ako ng maaga bukas eh. Papanoorin ko yung practice ng basketball nila kuya.
Totoo yan! Maagang nag hanap ng varsity players ang school dahil may biglaang hamon ang ibang universities. Hindi ko lang alam kailan mag ii-start ang mga liga.
Excited na ako bukas! Ang pag kaka alam ko kasi si kuya lang ang sumali ng basketball eh. Kasi siya lang naman ang nagte-training sa school kapag uwian na.
Wohoo! Siguradong ipapanalo ni kuya ang University namin!
Kaya ni kuya yan....
Go kuya.....
---------------------------------------------------
A/NI did a UD as fast as I can. Hahaha. So,how is the flow of the story? Leave a comment arayt?
Thanks for all my supporters & readers! Lots of love!Don't forget to Vote,Comment and Share ❤
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.