Chapter 29: Last Mo Na Yan

4.4K 142 1
                                    

BAMs POV:

Pasukan na ulit. As usual ginagawa ko ang gawain ko every morning.

Nagulat ako pagbaba ko si kuya Johnny nag hihintay saakin.

"Aba. Aba. Ang aga ata magising ng kuya ko ah!" Sabi ko.

Tumingin siya sakin na naka ngiti. "Ako pa?" Sabi niya.

Tumabi na ako sakanya at nag-pray kami tapos kumain na. Maya maya bumaba na si kuya JR ang aga ata niya?

"Oh. JR, ang aga mo ata?" Tanong ni kuya.

"Huh? E kasi naisip kong gising na kayong dalawa sabay ko na sana kayo sa pag pasok ko." Tugon niya na naka ngiti.

Totoo ba this? Ini-invite niya kaming sumabay sa mamahalin niyang kotse? Waah. Ay? Pero wait. May usapan pala kami ni kuya na hindi kami sasabay kahit isa sakanila. Tinignan ko si kuya nakangiti siya na parang may kahulugan.

"E kuya JR. Kamusta na lagay mo? Magaling ka na ba?" Tanong ko.

"Oo naman! Haha. Ako pa?" Sagot niya.

After naming kumain sabay kaming lumabas. "So? Tara na?" Tanong ni kuya JR.

Nag ka-nginitian lang kami ni kuya. Pina una ako ni kuya JR, pinag buksan niya ako ng pinto sa likuran. Grabe ang ganda ng kotse niya. BMW. Ang swerte nila ah?

"Salamat" sabi ko bago niya isara ang pinto.

Pumasok na sila ni kuya. Si kuya sa unahan naka upo tapos si kuya JR ang driver.

"Pasensya na. Ngayon ko lang napag isipan na isabay kayo. Kasi alam niyo naman ako minsan tulog mantika." Sabi ni kuya JR.

Ahh. Kaya pala. Pero dapat ba naming paniwalaan yun? Haha.

~

Ilang subjects na ang nakalilipas. So far,so good naman. Pero ina-nounce kaninang umaga ni Ma'am Audria ang top natchers. At ako nga ang first nung tumingin ako kay Wegener he gave me a thumbs up. Pero yung ngiti niya parang may kahulugan eh haha.

Pero kanina ina-nounce na bukas na ang unang league fight ng university namin. Ang bilis naman grabe. Baka naman ilang practice lang ang nagagawa nila ah? Naalala ko pati pala si Roiz kasali sa varsity.

~

Naka uwi na kami ni kuya. Nung nakita ko si kuya parang problemadong problemado eh.

"Kuya! Ok ka lang ba ha? Kanina ka pang tunganga diyan!" Sabi ko.

"Huh? Wala. Wala." Sabi niya.

Dumiretso muna kami sa kitchen counter may upuan dun eh. Naalala ko si ate Mandy. Kaso bago ako makapag salita pumasok si kuya JM a-at si ate M-mandy? B-bakit mag kasama sila.

"Oh! Looks who's here!" Sabi ni kuya JM.

Tumingin ako kay kuya malumay siyang tumingin sakanilang dalawa.

Ako naman tumingin kay ate Mandy. "B-BAMs. Sorry ah. I--" hindi nai-tuloy ni ate Mandy ang sasabihin niya dahil hinalikan siya bigla ni kuya JM.

Wag mong sabihin? Nairita ako sakanilang dalawa! Ano yun?! Nilandi din ni ate Mandy si kuya JM?! Ginawa nanaman nilang Bridge kuya ko?! Namumuro na sila! Sobra na!

Tumayo ako sa kinauupuan ko na gigil na gigil. Nung lalapit na sana ako hinawakan ni kuya ang kamay ko at hinigpitan niya ito. Tumingin ako sakanya ngunit naka tungo lang siya.

Dahil ayaw ni kuya na sugurin ko umupo nalang ako. Hinila ko si kuya palabas pero nang madaanan ko si kuya JM bumulong ako sakanya "Last mo na yan. Demonyo ka talaga!" Tapos umalis na kami.

Last na niya talaga yan....

Sobra na siya.....

----------------------------------------
A/N

Wooh! Keep on the suplort power guys! haha! Thanks so much!

Don't forget to Vote,Comment and Share

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon