BAMs POV:
Medyo late na.
"Ano ba ha?! Trip ko eh! Umalis kayo dyan!!" Nabulabog ako sa sigaw.
Lumabas ako ng kwarto baka mamaya nag aaway na si tita Mauie at tito Marvin.
Pagka baba ko nakita ko sila kuya JC mga nakatayo sa may hagdanan.
Nilagpasan ko si kuya JR na nasa pinaka harapan. Nakita kong nag wawala si kuya JM. Ano kayang problema nitong satan na toh? Tch.
"John Matthew stop it!!" Sigaw ni tito Marvin. Hindi pa rin natigil si satan.
Sigaw ng sigaw si kuya JM. Nakaka rindi na. Sila kuya JR wala namang ginagawa,na-nonood lang.
"Wala ba tayong gagawin?" Tanong ko habang tumingin sa likuran.
"Wag na tayong makeelam. That's THERE family problem." Sabi ni kuya JC.
"At kayo!" Sigaw ni kuya JM na ang sama ng tingin saamin.
"Mga walang modo,na walang kwentang mga anak ng malanding toh!!" Pag Sigaw niya habang dinuro duro si tita Mauie. Eto nanaman ba kami? Sipain ko naman kaya pagka lalaki niya? Naiinis nanaman kasi ako eh.
"Ikaw,diba malandi ka?! Manang mana ka sa nanay mo!! Wala pang respeto!!" Sigaw niya. Namintig tenga ko.
"Ano?! Ulitin sinabi mo!!" Sigaw ko pabalik tapos nilapitan ko siya. Ready na ako ulitin ulit ang ginawa ko sakanya.
"Suntukin mo ko! Sige!! Wala kang kwenta! Bastos ka! Pati akong kuya mo binabastos mo na din!!"
"Kuya?! Hoy! Step brother lang kita!! At kung gugustuhin kong mag ka-kuya hindi na kita gugustuhin pa!!" Sigaw ko habang dinuduro siya.
Sinampal niya ako. Litsi. Ang bilis ng kamay niya tsaka medyo masakit ha?
"Hoy JM!" Sigaw ni kuya Johnny tapos hinawakan niya kwelyo ni kuya JM. Inalis naman agad toh ni kuya JM at tinulak si kuya. Pinalayo ko nalang si kuya Johnny, baka ano pa magawa ko pag sinapak niya ang pinaka mamahal kong kuya.
Tinulak ako ni kuya JM. "Ano?! Suntukin mo ko! Malandi,ma-pride. Lahat lahat ng ayaw ko sa tao nasayo na!!" Sigaw sakin.
Sobra na. Inis na inis ako. Tinulak ko siya papunta sa pader. Nang makatama siya dun. Para akong naiiyak? B-bakit ako naiiyak. Siguro sobra na din kasi siya.
Nung nasa pader na siya hinawakan ko kwelyo niya at sinigawan "sige! Sabihin mo na lahat!!! Lahat ng hindi naman totoo!! Sobra na! Sobra na!!" Habang sinabi ko yun naiyak na ako. "Nakakainis na! Ako din! Naiinis rin ako sa ugali mo! Pang hayop na ugali mo!! Tinuring ka pa man ding mayaman pero yang ugali mo pang squatter! Masakit na ho!--" pinapalayo ako ni mama tumingin ako sakanya at sinabi ko "wag kayong mangeelam!! Kayo na nga hindi nirerespeto kinakampihan niyo pa toh!!" Napa bitaw siya at binalik ko ang tingin ko kay kuya JM. "Respeto?! Bakit? Ikaw ba? May respeto ka bang pinapakita samin ha?! Respeto ba ang tawag mo sa ginagawa mo sa sarili mong pamilya?! Wag kang tanga!! Kung wala kaming respeto sayo we have a good reason! Ikaw?! Wala! Kasi ugali mo na yan! Demonyo!! Please tama na. Sobra na eh! Pagod na pagod na kami! Sobra na! Kaya please, please tama na."
Napagod na ako. Napagod na katawan ko. Napagod na boses ko. Dahil dun binitawan ko na siya at deretso pa rin pag iyak ko. Kumaripas ako ng takbo sa kwarto ko.
Nang maka higa ako. Tumingin ako sa bintana.
"Pagod na po ako. kahit isang 'sorry' lang. Kahit mahirapan akong mag patawad I will try to forgive." Bulong ko sa sarili ko.
Ayoko na.....
Pagod na ako....
Gusto ko mawala....
-----------------------------------------------
A/NHi guys! I did a fast UD! Happy 1.92k readers! Grabe super happy ako! I wish you can leave comments about my story!! Love lots guys! Keep on reading and supporting!
Please don't forget to Vote,Comment and Share
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.