Chapter 40: Dapat Niya ng Malaman

4.9K 137 7
                                    

Third Person POV:

"Sorry,hindi ko ata kaya ang pinapagawa mo." Sabi ko sakanya.

Hindi siya nagsalita pero binato niya ako ng baril niya. Ang sakit natamaan mukha ko.

"Ano ang mahirap dun?! Medyo close mo naman ang pamilya niya! Orasan mo lang ano ang tama! Wag kang tanga!!" Sigaw niya sakin.

Mahirap toh. Ayoko siyang sundin pero para din toh sa pamilya ko. Para toh sa ginawa nila sa pamilya ko.

Tama...

Revenge is needed...

★☆★☆★☆

-School year is finished-

MARVIN's POV:

Umakyat muli kami sa stage dahil nasali sa smartest students sila BAMs,JC at si John. Natutuwa ako kahit mga step children ko sila. Pero ang masakit hindi nila ako matanggap tanggap. At naiintindihan ko naman bakit.

~

Gabi na. Naiinis nanaman ako dito kay Mauie. Bunganga ng bunganga kay JM. Kesyo bakit hindi niya maabutan sila JC,bakit wala man lang siyang award.

Eto lang nakakainis kay Mauie. Masyado niyang kinukumpara ang step children niya sa anak ko. Sa inis ko sinigawan ko na siya "Ano ba Mauie ha?! Bakit ka kumpara ng kumpara?! Ano naman kung hindi siya masali sa top na yan ha?! Wag mong ipilit!!"

Nanahimik siya pero nag salita muli "Sayang naman kasi! And what are you saying COMPARING? I am not comparing JM to them! Alam kong iba sila sa isa't isa pero kasi si JM he is not doing what he should in school!"

"Ewan ko sayo! Sa susunod wag na wag mong pipilitin si JM!! May sarili siyang desisyon at gawain!!" Sigaw ko pabalik. At kinuha ko ang jacket ko. Iinom ako.

"Saan ka pupunta ha?!" Sigaw niya.

"Sa Langit!!" Sigaw ko.

Tss. Ewan ko sayo. Sobra ka na sa akin at sa anak natin.

★☆★☆★☆
BAMs POV:

Nakakatuwa kanina nung umakyat sila tita Mauie sa stage. Ang daming pumalakpak halatang madami akong supporters. Haha.

Naaalala niyo pa ba yung prize ni Roiz kapag ako panalo? Diba libre for 1 week at makaka recieve ng 500 pesos tapos may compliment record eklabush? At ako yun! Haha. Ako kasi ang top 1 siya top 3. Oh kitam? Hahahah.

Pinaalala ko sakanya yun,natawa nga siya eh. Hah! Ako pa kakalabanin. Tsk.

Nag beep phone ko bigla.

From:Wegener

Bukas na lang libre mo! Ang panget mo! Hahahaha. Basta bukas nalang! :p you win this round Pias. Anyway,congrats! :)

Bwiset na toh! Babati na lang may word na panget pa. Peste. Haha.

Nireplayan ko.

To:Wegener

Salamat ha! May compliment ka pang peste ka! :p sige,tomorrow. What time?

Ilang minuto nag reply din siya.

From:Wegener

I'll just text you tomorrow :) bye.

Hindi ko na siya sinagot. Hay,I'm like tired na hahaha.

May narinig akong sigawan sa kwarto ni kuya JM. Nag babangayan ata si tita mauie at tito marvin. Well,hayaan na.

~

2 a.m. na. Nag uusap lang kami dito nila kuya. Maya maya umalis si kuya JM may narinig kaming sigawan bigla.

Ang lakas ng sigaw eh. Lumabas kami, si tito Marvin nag wawala. Hinawakan siya ni tita Mauie pero tinulak niya ito. Nagulat nalang ako sinapak bigla ni kuya JM si tito Marvin,napatakbo tuloy ako at inawat si kuya JM. Nakita ko mukha niya naka yukong gigil na gigil. Nag pupumiglas siya sakin pero tinulak ko siya sa may pader. "Calm down. Ano ba. Tatay mo sinapak mo kuya JM." Bulong ko.

Naka yuko pa rin siya at gigil na gigil. Biglang lumuhod si tito Marvin.

"Ano?!" Sigaw ni tito Marvin tapos natawa siya. "Isa pa JM! Isa pa!!" Tawa pa rin siya ng tawa. Tinutulungan na nila kuya JR si tito Marvin pero pinapabitaw din niya.

"BAMs! Alam mo ba-- y-yung shunay na shtorya ng buhay niyo?!" Sabi niya sakin. Medyo magulo salita niya dahil lasing na lasing.

"Ano ho?" Tanong ko. Pero nakahawak pa rin ako sa mga kamay ni kuya JM. Bwiset pa rin kasi siya eh.

Si kuya John at kuya JR lumapit at sinabihan na tama na daw yun tapos si kuya JC at kuya JJ nilapitan na rin ako para pigilan si kuya JM.

Ano ba sinasabi niya? Anong tunay na istorya?

"Bitawan niyo ko!! Sabihin mo na kasi John sa step sister mo!" Sigaw niya.

"H-hindi ko ho kayo maintindihan!" Sigaw ko. Anong step sister?

Tumawa siya. Sila kuya pigil ng pigil sakanya. Sinigawan ko sila na hayaan siyang makapag salita.

"Gusto kong malaman niyong lahat na walang Binyas na dumadaloy sa mga dugo niyo!! Except kay John at BAMs. Hindi kayo step brothers. Your just strangers sa isa't isa,hindi kayo mag kaano-ano!!" Habang sinasabi niya yun nada-dapa dapa siya sa pag kaka luhod niya.

Pino-proseso ko pa sa utak ko ang sinasabi niya.

"Ikaw BAMs. Para madali. Hindi mo sila s-step brothers dahil hindi sila niluwal isa isa ng nanay niyo! Walang dugo ng nanay ni BAMs ang nadaloy sa mga dugo niyo!" Habang sinasabi niya yun umiiyak na si tita Mauie. At sumisigaw na tama na.

"At eto pa pala! BAMs hindi mo shunay na kuya si John! Siya ang step brother mo!!" Tapos tumawa siya.

Napabitaw ako sa kamay ni kuya JM nakatitig lang ako kay tito Marvin na parang naiiyak na. Tinignan ko si kuya JM,JJ at kuya JC pare-parehas kami ng ekspresyon. Pero nang tignan ko si kuya Johnny at JR. Hindi sila maka tingin.

"T-totoo ba toh. Kuya?" Tanong ko kay kuya Johnny habang naiyak na ako.

Hindi siya tumingin at yumuko na lamang. I-ibig sabihin totoo? Totoo ang lahat na sinabi ni tito Marvin? Hindi naman siguro?

Dahil dun. Umiyak na ako ng tuluyan at tumakbo palabas. Nang makalabas na ako hindi ko alam kung saan ako papunta.

Bahala na.....

Bakita ganito ba ang nangyayari.....

Ang sakit. Ang bigat ng nararamdaman ko.....

------------------------------------------------------
A/N

Saveh ko naman sainyo babawi ako sa UD ko eh. Hehehe! Uy,guys. Super proud ako sa readers hahaha lab yu all. Pampa dagdag good vibes Go lang ng go ha! Hehe.

Don't forget to Vote,Comment and Share!!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon