JR's POV:
Hay. Nakakasawa ng makita ang mga couples. Tsk.
Ako nga pala si JR. John Ryan B. Samonte. Wala naman akong masyadong masasabi sa sarili ko. Womanizer ako,sadista,lasinggero at iba iba pang katangian ng gangster pero pogi pa rin. Hahaha.
Step brother ako ni BAMs yung amazonang babae. Haha.
"JR, ok ka lang?" Natauhan ako ng tanungin ako ni JJ.
"Ha? Oo bakit?" Sagot ko.
"Kanina ka pa naka tunganga dyan eh."
"Ah. Wala yun! My naalala lang ako."
Si JJ, siya lang ang pinaka close ko sa aming lima pero si John medyo close ko din naman. Hay. Nabo-bored na talaga ako.
"JJ! Inom tayo mamaya?" Tanong ko sakanya.
"Paawat ka na JR! Kahapon pa tayo nainom eh! Ayoko na." Sagot niya.
"Edi wag!" Sagot ko. Tumayo ako at papunta na sa classroom nila BAMs malapit na time ko.
"Omg! Si sir JR!"
"Ang pogi niya!"
"Grabe. Nakakatunaw kapogian ni sir."
Hay. Mga batang toh. Mga freshmen pa lang eh.
Pumasok na ako sa room nila BAMs. Binati ako at ako din siyempre. Habang nag di-discuss ako,aba? Mukhang in good terms naman si Wegener at Pias.
Nag turo na ako.
~
Gabi na.
Andito ako sa bar namin nakakairita mga ibang babae dito. Kahit womanizer ako marunong naman ako pumili noh?
Naka ilang beer na ako. Medyo hilo ako ugh.
"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Ayoko nga eh!" Narinig ko ang malakas na sigaw nung babae kahit maingay ang music.
"Ano ka ba? Saglit lang naman eh! Wag ka ng maarte!" Tugon nung lalaki na hawak hawak ang braso nung babae. Halatang hinihigpitan niya ang hawak.
Lumapit ako "hoy! Bitawan niyo nga siya!" Sigaw ko.
Lumingon yung lalaki. Tss. Ano ba toh? Mukhang gorilya.
"At sino ka ba?! Wag kang mangeelam! Bakla!" Sigaw niya din sakin.
Bakla? Hah. Pakita ko sayo ang bakla.
Hindi ako nag salita at lumapit na ako sakanya sinuntok ko siya ng napaka lakas. Nagulat yung dalawa niyang kasama,kaya kumaripas ng takbo.
Yung babae nawala bigla. Asan na siya? Pag tingin ko sa may exit paalis na siya. Ayos naman? Wala man lang pasalamat! Lintek. Tumakbo ako para hanapin siya. Pag kalabas ko laking gulat ko limang malalaking lalaki ang kasama niya.
"Sabi ko naman sayo, diba? Uto uto rin yan kahit papaano!" Sabi ng babae habang natawa.
"Nice work. Boy's you know what to do." Sabi nung matabang lalaki. Tapos umalis na rin. Panget mo!
Lumapit yung limang lalaki. Grabe akala ko ako na ang pinaka malaki. Grabe,naman toh!
Ewan ko. Na-mental block ako. pag dilat ko nalang naka handusay na ko sa lapag. Shizz. Nahilo hilo na ako.
"Hoy! Mga gunggong! Tigilan niyo yang kuya ko!!" Natauhan ako sa sumigaw s-si BAMs ba yun?
Tumingin ako kung saan ko narinig yung boses ni BAMs. Oo siya nga. Kasama si John.
Hindi ko na ata kaya. Papikit na sana mata ko ng naramdaman kong my bumuhat sakin. Si John. Tapos nasa gilid si BAMs.
Pagtingin ko dun sa mga lalaki. Mga naka higa na sa lapag. S-sino gumawa nun?
Hay. Pagod na ako.....
I'll shut my eyes for a while.....
------------------------------------------------------
A/NHappy 800+ readers guys!! Keep supporting! Lots of love
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.