JM's POV:
Grr... ang sakit ng labi ko! Bwiset si Baylee eh! Nanapak bigla! Tomboy talaga yung malanding yun eh! Grabe. Pasalamat siya at babae siya!
Tsss. Ang sakit talaga! Tsk.
May kumatok bigla.
"JM. Si John toh."
Ano naman ginagawa nitong bwiset na toh?
Binuksan ko yung pinto and I gave him a deadly stare. Pero parang walang effect eh. Dumiretso lang siya sa loob.
"May dala akong First aid kit." Sabi niya.
"Huh? Akin na yan! Gagamutin mo pa ako? Wag na!" Sagot ko.
"Tss. Bakit naman kita gagamutin? Napa-praning ka na ba? Make your brain work." Sambit niya.
Kinuha ko yung first aid kit at pinaalis ko na din siya. Ayoko kasing may natapak na ibang tao sa kwarto ko. Pero bago siya umalis may sinabi siya.
"JM,hindi porket na hindi kita pinapansin e happy go lucky ka na. Alam mo na siguro ang tamang gawin? Babae kapatid ko at kilala ko/natin siya. Nasasaktan din siya at hindi siya ganung babae." Sabi niya. Hindi na niya ako pinag salita at sinarado ang pintuan.
Hah! Ako mag so-sorry? Aba! Sineswerte ata siya? Matapos akong masapak! Mga sycophant talaga. Badtrip!
P-pero bakit ganun? Para akong nakokonsensya? Tama ba ang husga ko sakanya? I mean oo nga kilala ko si Baylee siya yung boy-like person.
Hindi! Wag kang tanga JM! Tss. Makatulog na nga muna!
~
Aray! Sakit ng ulo ko! 7:00 a.m. na pala! Tsk. Sakit ng ulo ko ano ba yan! Epekto siguro toh ng sapak ni Baylee at pag gising ko ng late. Aish!
Kain na muna ako. Baka sakaling matanggal ng konti tong sakit ng ulo ko.
Pag tayo ko, psh. ang sakit ng ulo ko! Bago ako bumaba nakahawak ako sa ulo ko. Ugh. Grabe hindi ko kaya eh. Sana wala pang tao dun.
Hindi na ako sumilip wala namang maingay eh.
"yaya! Paki handa na po ako." Sabi ko.
Pag tingin ko sa may dining table may naka upo hindi ko makita ng maayos ang sakit kasi ng ulo ko.
Nung naka tapak na ako sa may dining room, humarap siya at napaka malas ko nga naman talaga!
Si Baylee pa ang una kong nakita. Grr... napaka swerte ko talaga,ano? Tss.
"Sige ho! Young master JM wait lang po kayo." Sagot ni yaya.
Buti nalang at mahaba ang dining table. Nasa left side kasi siya ako naman nasa pinaka dulo. Mahaba naman toh kaya ok lang.
Ang awkward. Ano ba yan? Kahit malayo kami awkward pa rin eh.
Dumating na yung pagkain. Hay. Salamat.
Nung susubo na ako biglang tumayo si Baylee. Parang nag dabog pa nga eh. Ugali talaga netong babaeng toh.
"Yaya pat. Akyat na po ako ah? Mahirap na po kasi eh. Baka NAKAKATANGA nanaman po ang umaga Hehe. Bye! Salamat po sa pagkain." Sambit niya.
Napatigil ako nga diniinan niya yung salitang 'nakakatanga'. Wow! Grabe na ata yun ah?
Hmm. Chill lang JM. Hindi ka mag so-sorry. Hindi IKAW! Never pa naman nangyari na ako ang unang nag sorry eh.
Good luck nalang.....
Bahala sila.....
------------------------------------------
A/N
Hay. May nangyari na ba sainyong ganito? Yung nakaharap niyo na yung kapantayan niyo? Hahaha. Comment ulit! Haha. Iba iba topic natin ditey! ;)
Thank you for the reader's! Keep on supporting! g! g!
Vote,Comment and Share!
Thankie! :*
#MSB ❤
BINABASA MO ANG
My Step Brothers'
Teen FictionAko si Baylee Marie Pias/BAMs for short. I'm just your typical and normal girl but my life is AB normal. Ang daming gulo,sakit at galit ang naiwan sa puso ko.