Chapter 33: The Trip

4.5K 150 4
                                    

BAMs POV:

-after 3 Months-

It's 23rd of December. Realtalk feeling ko ang manhid ko na. Hindi ko feel na malapit na pasko eh. Ewan ko ba parang pag palapit ng palapit ang pasko lalo lang ako nalulungkot. Ngek. Drama pa more.

Hay. Andito kami sa rest house namin sa Palawan. Ang ganda dito kasi malapit sa beach eh. Nung December 19 Christmas Party ng Unviversity namin. Tapos sa Jan. 5 na ang resume ng classes.

Lagi kong kausap si Danica. Nakakatawa nga siya eh. Naiinggit daw siya kasi ang ganda daw sa Palawan at masaya daw. Ang hindi niya alam hindi ako masaya. Pano ka ba naman sasaya e kung nakikita mo yung nanay mo na may ibang kasamang pamilya at mas masaya siya dun.

Hay, BAMs hayaan mo na. Atleast masaya siya...sa iba nga lang.

Ay. Naalala ko pala yung nag sugat sa braso ko. Tsk. Walang nakita ang school sa CCTV or nahanap na tao. Mukhang outsider daw. Hay. Wala akong hustisya, hahaha. Pero buti nalang hindi na siya bumalik natatakot din kasi ako.

Maaga pa ngayon. Makalabas nga.

Nang nag palit ako ng damit agad akong bumaba at lumabas.

Hay. Fresh air...

★☆★☆★☆
JR's POV:

Hay. Gusto ko nalang mag pasukan. Walang mga sexy ladies dito eh. Pero beach naman.

Lumabas nalang ako saglit. Sarap ng simoy ng hangin at ang tunog nung alon ng dagat. Nag lakad ako papunta sa beach.

May nakita akong babae. Ay. Kaso naka damit akala ko pa naman--

Ay wait. Si BAMs pala yun. Ang ganda niya. Aish. JR tumigil ka.

Tss. Naguguluhan kayo noh? Tch. May bagay kasing walang alam si BAMs tungkol saamin at sakanila ng kuya niya. Pero ako at si John lang ang nakakaalam.

Hindi ko na din muna ike-kwento sainyo sa tamang panahon nalang hahaha.

"BAMs!" Sigaw ko.

Lumingon siya. "Kuya JR!" Bati niya na nakangiti. Napa ngiti din ako.

"Bakit mag isa ka lang?" Tanong ko habang nalapit sakanya.

"Hmm. E mga tulog pa eh. Si kuya Johnny ata napagod sa gala niyo kagabi." Sagot niya.

Tumango nalang ako.

Sa totoo lang nakaka insulto ang mama namin. Parang pinapa mukha niya na wala na talaga kaming kwentang mga anak niya. Tss. Kaya nawalan na ako ng gana pag pasko parang isang masamang araw na toh para sakin.

"BAMs. Naiinsulto ka bang makita silang masaya?" Tanong ko.

"Matagal na kuya JR. Matagal na." Sagot niya.

Sa totoo lang kung oobserbahan ang sitwasyon namin mas nakaka sakit ang kela BAMs. Bakit? Kasi ang nanay niya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin,hindi na sila tinuturing na mga totoong anak kahit na sila BAMs ang original family niya.

Nag buntong hininga nalang ako. Wala kaming ginawa ni BAMs. Nangingibabaw ang katahimikan.

Tumayo nalang ako. "Oh,BAMs. Balik na muna ako ah? Ingat ka dyan. Bumalik ka na rin after kasi maaga pa." Sabi ko.

"Sige kuya JR. Salamat. Bye" sabi niya. Pero naka tingin siya sa kawalan.

Hay. Ramdam ko lungkot mo. Nag lakad na ako pabalik sa rest house namin.

★☆★☆★☆
BAMs POV:

Habang nakatingin ako ng malayo naalala ko kami nila kuya Johnny. Nung masaya pa kami. Nung wala pa kaming ka-proble problema.

[NP: Dance With My Father]

|Flashback|

First time ko palang makarating sa beach. Ang ganda dito.

"BAMs! Habulin mo ko!" Sigaw ni papa.

"Madaya ka naman papa eh. Pano pa kita mahahabol e nalusot paa ko sa sand." Sabi ko.

Tumakbo si papa. Ang saya saya niya. Pero madaya nalubog kasi paa ko sa sand eh. Trinay kong habulin si papa,nahahabol ko naman siya kaso sa sobra kong pwersa nadapa ako. Ang sakit ng paa ko feeling ko nabali.

"BAMs!!" Sigaw ni papa.

Lumapit si papa sakin puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Tanong siya ng tanong kung ok lang ba ako. Ikinatuwa ko naman. Hinawakan ko mukha ni papa at sinabi ko "papa. Ok lang po ako. Salamat po sa pag aalala niyo ah? The best kang papa."

|End Of Flashback|

"The best kang papa..." inulit ko ng mahina habang natulo mga luha ko.

Hinayaan ko lang tong tumulo

Huli na kaya?....

Sana hindi pa.....

--------------------------------------------------
A/N

Hi! I did a fast UD! reward para sa 1.72k na reads!! Thanks so much guys! I lab yu all.

Don't forget to Vote,Comment and Share!!

#MSB ❤

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon