Chapter 11: Fight Night

5.5K 178 10
                                    

BAMs POV:

"So,Baylee? Kamusta naman ang kiss ni Wegener?" Hirit niya.

Naubo naman ako kaya pina-inom agad ako ng tubig ni kuya Johnny. Panong hindi mauubo yun agad ang sasabihin?! Sinasabi ko na nga ba eh! iba nasa isip!

"Anong kiss ang pinag sasasabi mo?!" Sagot ko na medyo pasigaw.

Nag smirk siya at nag salita ulit "kaninang umaga diba?"

Napa clenched fist ako sa inis. Pero nag pa-kalma lang ako at sagot ko "yun bah? Hindi kami mag hahalikan nun! Sinabihan ko lang siya kasi--"

Hindi nanaman niya ako pinatapos dahil bigla siyang tumayo sa kinau-upuan niya. Nakakainis eh! Gawa gawa storya! "Wag ka ng mag sinungaling pa! Halatang halata kanina!" sigaw niya.

Tumayo rin ako at hindi ko na napigilan galit ko kaya na-tap ko ng medyo mahina ang dining table at napasigaw na ako ng sagot "ano bang trip mo?! napaka TH mo! Tamang Hinala! Pwede na--"

Hindi ulit ako pinatapos.

Tapos ang sunod niyang sinabi e hindi ko ikinatuwa.

"Aminin mo na kasi malandi ka!"

Anooooo?! Ako malandi! Kakaiba fre! Ako pa?! Ako pa?!

Bigla siyang umalis sa inis ko sinundan ko siya pinigilan ako ni kuya Johnny pero pinabitaw ko siya.

Bago pa siya maka akyat nag salita na ako.

"Hoy! Ano ba problema mo ha?! Porket na ganun yung posisyon namin kailangan mag hahalikan agad? Hindi ba pwedeng pinag sasabihan ko lang siya?!" Grabe na sigaw ko. Wala eh. Hindi ko ma-kontrol sarili ko.

Humarap siya at ang sama pa ng tingin! Dukutin ko mata neto eh! "Bakit mo ko sinusugod? Porket na sinabi kong malandi ka affected ka na? So meaning totoo nga?" Ngumiti siya. The way na sabihin niya yun parang nang aasar pa!

"Kaya ako nag re-react hindi dahil sa affected ako! Nakaka insulto na kasi! Tamang hinala ka masyado! Bat pa ako mag tataka? e, obvious naman na iba na iniisip mo! Nakaka inis lang kasi na isipin na nahuhusgahan ka agad ng ganun!!" Sagot ko.

"Ang dami mong alam! Pwede ba? Tumigil ka na lang! Deny ka pa ng deny! Hahaha! Buking ka na Pias. Buking ka na manang mana ka sa nanay mo!!" Sabi niya.

Sa bwisit ko nasuntok ko mukha niya. "Ano?! Paki ulit sinabi mo!! Hindi ko narinig eh! Nangingibabaw na kasi ata ang KATANGAHAN sa bahay na toh!!" Sigaw ko.

Naramdaman kong inaawat kami nila kuya Johnny. Lalo na si kuya JM kasi mukang susugurin ako. Tss. Paki ko? Sapakan nalang kami eh!

"Ano?! Ulitin mo sinabi mo!!" Sigaw ko habang nalapit sakanya naramdaman kong hinahawakan ako ni kuya JC at Johnny sa balikat.

"Akala mo kung sino ka! Pasalamat ka at babae ka! Kasi kung hindi kanina pa basag yang mukha mo!" Sagot niya.

"Oh? Edi wow! Sa tingin mo uurungan kita ha?! Bwisit ka eh noh! Demonyo ka talaga!! Nakaka tanga talaga pag wala kang alam! Grrr. Bwiset! Demonyo!!" Sigaw ko.

Hindi ata mapigilan ni kuya JM naka taas na yung kamao niya. Nakikita ko sila kuya JJ at kuya JR na pinipigilan siya.

"Tama na yan! Baylee Marie at John Matthew!!" Sigaw ni tita Mauie.

Nilayo kami ni tita sa isa't isa.

At nasaktan ako sa nakita ko lumapit siya kay kuya JM at tinitignan kung ok lang siya. Grabe pala sapak ko nag dudugo labi ni Satan.

"Baylee Marie! Ano ba ang iniisip mo?! Kuya mo siya! Wala kang karapatang ganunin ang kuya mo!" Sigaw ni tita sakin.

Nagulat ako. Ako pa mali? Ok sige! Lagi naman eh! Wala na kasi akong nagawang tama sa paningin nila!

"Mahiya ka nga Baylee! Nakikitira ka lang dito! Wag ka ngang parang wild animal!" Dadag pa niya.

"Ok. Oo sige nakikitira lang ako dito! Tama kayo! Pero ako may karapatan din ako kahit papaano! Ganyan naman kayo diba?! Pag katapos niyong sirain pamilya natin?! ako nalang lagi ang mali! Pag katapos niyo kong saktan ng ganito! Aba nag kakanda leche leche na tayo! Kaya nawawalan ako ng respeto sainyo eh!" Feeling ko maluluha ako. Pero hindi! Hindi ako iiyak! Wala na akong paki sa nanay ko! Wala na.

"Sana naman inisip niyo na ginagamit ng demonyong yan ang pangalan niyo para i-compare sa salitang MALANDI. Malandi ho! Tapos ako pa mali? Magaling! Ok lang naman. Kung yan gusto niyo! Sige!!" Umakyat na ako at binangga ko tong demonyitong toh!

Bat ganun? Nasasaktan ako ng sobra? Wala na akong pakialam sakanya eh. Bakit ganun?

Hayz....

I hate this!.....

---------------------------------------------------

A/N

Waaah. Promise naiinis na rin ako sa JM na toh. Wahaha. Comment guys what you feel!

Also thanks for the readers! Hihi.

Don't forget to follow me.

Vote,comment and share!

#MSB

My Step Brothers'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon